"Xavier, buksan mo 'to!" Malakas na sabi nya sa labas ng pinto. Natawa ako at pabagsak na nahiga sa kama. "Akala mo talaga hindi ko 'to kayang buksan?"
"Matulog ka na!" Sigaw ko saka nagtalukbong ng kumot. Kahit sa kumot ay nakadikit parin ang pabango nya. Hindi na ako magugulat kung sasabihin nyang pabango nya ang ginagamit nya bilang fabric conditioner.
Natigilan ako nang makarinig ng 'click' sa pintuan. Mabilis akong napabangon.
Hindi nga nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok si Bryce habang hawak ang isang kumpol ng susi.
"Surprise?" Ngising ngisi na sabi nya. Kung hindi ko alam na nakainom sya ay baka isipin ko na nasisiraan sya ng ulo dahil sa pagkakangiti nya.Hindi ako umimik at pinanuod lang sya.
Naglakad sya papunta sa kama at padapang nahiga.
"Xavier, hindi mo kailangang mahiya. Pareho naman tayong lalake." AniyaGulat na pinalis ko ang kamay nya nang bigla iyong dumapo sa lapi ko.
"Hindi ako nahihiya. Natatakot, oo."Tumawa sya at tumihaya.
"Xavier, nangangain ako pero hindi naman masakit. Alam mo, pag ako ang nanakit sayo, sisigaw ka pero hindi dahil sa sakit."Sinamaan ko sya ng tingin. Kinuha ko ang kumot at binato sa mukha nya
"Alam mo bang ang bastos ng bibig mo pag lasing ka?""Bastos? Bakit bastos? Sinong bastos ha?" Tanong nya saka mabilis akong hinawakan sa magkabilang braso at mabilis na inihiga sa kama. Dahil sa pagkabigla at bilis ng pangyayari ay hindi agad ako nakagalaw. "Hindi kita babastusin, Xavier. Ang matakot ka sa iba, pwede yun. Pero kung sakin, yun ang hindi pwede." Sabi nya habang matamang nakatingin sakin.
Dumaan sa ilong ko ang amoy ng alak na nanggaling sa bibig nya. Malakas na tinulak ko sya palayo sakin. Hindi naman sya pumalag at hinayaan lang akong iusog sya sa kabilang bahagi ng kama.
"Bat di mo yan sabihin sakin pag hindi ka na lasing?" Bulong ko dahil alam kong malakas lang ang loob nyang magsalita ng kung anu-ano dahil lasing sya.
Nagtalukbong ulit ako ng kumot.
"Kasi kapag hindi ako lasing, ikaw ang hindi sumeseryoso sa mga sinasabi ko." Bulong nya. Hindi ako umimik.
Sino bang magseseryoso sa isang lalaking nagsasabi ng mga bagay na dapat ay hindi sinasabi sa kapwa nya lalaki?
Inalis ko ang kumot at inilagay ang dalawa kong kamay sa likuran ng ulo ko.
"Kung babae ka, baka sineryoso kita."Natawa sya saka tinapik nang mahina ang pisngi ko.
"Xavier....bakit ang sama mo?"Tinampal ko ang kamay nya sa mukha ko.
"Ako pa ang masama?""Oo!" Sagot nya. "Kasi nung nagkagusto ako sayo, hindi ko naman hiniling na sana naging babae ka nalang bago kita seryosohin."
Naumid ang dila ko.
Nagka...gusto?Umusog sya palapit hanggang sa nasa tabi na ng tenga ko ang bibig nya.
Mariin akong napalunok, hindi dahil sa kaba pero dahil sa takot sa maari nyang sunod na gawin. Handa na akong sapakin sya nang dumantay ang binti nya sa ibabaw ng binti ko bago bumulong,"Hindi ko kayang maging babae para sayo. Pero kaya kitang tratuhin ng tama hanggang sa seryosohin mo 'ko, kahit lalake ako."