****

226 17 1
                                    

THE LOST AND FOUND CABIN | BAGUIO

"Xavier, my boy!" Agad na yumakap sakin si Kiersten pagkababa nya ng kotse ni Yige. "Who are these yummy creatures?" Tukoy nya kay Nani at Mike.

"Si Mike at Nani, mga kaibigan ko. Si Kiersten, kaibigan namin ni Bryce."

Ngumiti si Kier at binangga ako ng balikat nya.
"Uy, 'Kaibigan NAMIN' ni Bryce." Tukso nya na nginitian ko lang. "Nice meeting you." Naglahad sya ng kamay na agad namang tinanggap ng dalawa.

Nasa last stop over kami bago makarating sa sinasabing lugar ni Mico na magpapahiwalay saaming may mga jowa.

"Nice meeting you, Kiersten." Ani Mike.

"Have we met?" Kunot noong tanong ni Nani. Ilang sandali silang nagkatitigan at bigla ay nabahiran ng kaba ang mukha ni Kiersten.

"N-no. I don't think so." Sabi nya saka nagmamadaling bumalik sa kotse ni Yige.

"Anong nangyari dun?" Tanong ni Mike.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko kay Nani na nakatingin parin sa kotseng sinakyan ni Kiersten.

Hindi sya sumagot kaya hindi na namin pinilit kahit alam ko na may kakaiba sakanilang dalawa.

"Baby, let's go. Kailangan na nating umalis." Aya ni Bryce.

"Sige, susunod ako."
Bumaling ako sa dalawa at nakitang nagpipigil sila ng tawa. "Bakit?"

"Narinig mo yun, bro? 'BABY' ang tawagan." Sabi ni Mike

Tumawa si Nani.
"Naalala mo ba dati? Ayaw na ayaw nya pa kay Bryce."

Sinipa ko sya.
"Eh kung tanungin ko kaya si Kiersten kung gusto ka nya?"

Biglang nagbago ang timpla ng mukha nya at natahimik. Nginisihan ko sya at naglakad pabalik sa sasakyan ni Bryce.

"Gago, wag mong susubukan." Rinig kong sabi nya na hindi ko na pinansin. Ngayon alam ko nang may kaugnayan nga sila ni Kiersten.

"Gutom ka na ba?" Tanong ni Bryce pagkapasok ko sa kotse. Nakita naming umandar na rin ang sasakyan ng iba at nauna na ulit ang sasakyan nina Mico.

"Pagdating nalang natin."

"Pero ako gutom na." Aniyang nakatingin sa mga labi ko.

Tinulak ko ang ulo nya.
"Asa ka."

"What?" Natatawa nyang sabi. "Isa lang."

"Anong isa lang?"

"Isang halik lang." Sabi nya saka ngumiti. "Dali na." Ngumuso sya at itinigil ang sasakyan sa gilid.

"Sira ka ba? Pano natin masusundan--"

"Kiss me first."
Nakangiti paring pilit nya.

Sinamaan ko sya ng tingin at mabilis na hinalikan sya sa labi.
"Masaya ka na?"

Biglang pumungay ang mga mata nya at mabigat ang mga kamay na hinaplos ang ulo ko.
"Tingin mo ititigil ko ang sasakyan para lang sa mabilisang halik?" Kinuha nya ang remote at ini-on ang tint ng sasakyan. Nang maging tinted ang mga bintana ay agad nya akong hinila at mariing hinalikan.

Mabilis akong tumugon.
Lumunok ako at sinalubong ang malambot nyang mga labi nya. Mapusok at nagmamadali ang mga kamay naming damhin ang isa't-isa.
Ngayon ko naramdaman ang pagkasabik sakanya sa ilang araw na hindi kami nagkakalapit nang ganito. Ang init ng katawan nya, ang tibok ng puso nya at ang mabigat na tunog ng paghinga nyang parang kinakapos kapag hinahalikan ako..

"Xavier.." At ang bawat pag sambit nya ng pangalan ko na para bang yun na ang pinaka-magandang salita sa mundo..

Hinawakan ko sya sa likod ng ulo at idiniin ang mga labi nya sakin
Humaplos ang kamay nya sa braso ko nang paulit-ulit hanggang sa tumigil iyon sa batok ko.

Tumigil sya habang habol ang hininga at tinitigan ako sa mga mata bago muling sinakop ang mga labi ko. Walang pag aalinlangang ipinasok ang dila nya na sabik namang sinalubong ng dila ko na para bang ilang araw akong pinigilang tikman iyon kaya ganon nalang ang pagkatakam ko

"Hmm..." Ungol nya sa loob ng bibig ko. Tinulak nya ako pasandal sa bintana habang patuloy akong hinahalikan

Dumako ang labi nya sa tenga ko, pababa sa leeg ko at nag iwan doon ng ilang mga marka habang ang kamay ko ay nagmamadaling pumasok sa loob ng T-shirt nya.

"Baby, take it easy." Tukso nya sa paos na boses. Hindi ko sya pinansin at muling kinabig ang ulo nya para halikan sya

Lumayo sya sandali at akmang maghuhubad ng T-shirt nang biglang may kumatok sa bintana.

Fuck it.

Nagmamadaling inayos ko ang gusot kong damit at buhok bago nya iyon binuksan.
"What's the problem?" Seryosong tanong nya sa enforcer habang habol parin ang paghinga.

"Bawal po dito pumarada, boss." Sagot nito na sinuyod kami ng tingin.

"Pasensya na." Sabi nya saka kinuha ang wallet.

Matapos kaming bigyan ng ticket ay umalis na rin kami agad at hinanap ang sasakyan ni Mico.

Tinampal ko ang kamay nya nang dumapo iyon sa lapi ko at humaplos.
"Tama na."

Ngumuso sya at nagpatuloy sa pag drive.
"Damn, sira na ang plano kong 'sex in the car'."

Sinipa ko sya na malakas nya lang na tinawanan.

*********

"Lost and found Cabin?" Nakataas ang kilay na basa ko sa magarbong karatula sa labas ng pinaradahan namin.

"Reverse it, kasi lahat ng couple na pumupunta dito, naghihiwalay." Sabi ni Mico.

"Why, babe? Are you going to leave me?" Kunot noong tanong ni Rixon.

"That's the myth of this place, but there's always an exception. That's you and me." Sabay sabay kaming napaiwas ng tingin nang halikan nya si Rixon sa labi.

"Tama na yan, ang aga pa para sa bebe time." Sabi ni Yige. "Tara, mga pre. Maghanap tayo ng kwarto at chix na dadalhin." Aya nya kina Mike at Nani.

"Susumbong kita kay Kurt." Sabi ni Bryce bago umakbay sakin.

Ngumisi si Yige.
"Alam mo ba kung anong natutunan ko dyan sa boyfriend mo? Kapag walang label, bawal magselos."

Napailing ako at sinundan sila ng tingin.
Nauna na silang pumasok. Sa labas ay nakita ko ang maraming cabin na gawa sa kahoy. Tamang tama sa malamig na panahon.

"Xavier, tara? Samahan mo akong maghanap ng room." Ani Kiersten. Tiningnan ko si Bryce na tumango.

"Go ahead." Sabi nya.

"Let me come with you." Ani Rixon kaya si Mico nalang at Bryce ang naiwan.

"Kier, diba si Nani yung nakilala mo sa Oblivion bago naging kayo ni Gideon?" Tanong ni Rixon nang makailang hakbang na kami pababa sa mga cabin.

"Well..."

Nilingon ko si Bryce at nakitang seryoso silang nag uusap ni Mico. Nakita ko pang nagyakap sila at tinapik ang likod ng isa't-isa.

Be Crazy With Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon