"Bro, we have to go." Paalam ni Mico matapos nilang mag almusal at magbihis. Si Yige at Kier ay nauna na sa labas habang si Rixon naman ay kinausap sandali ni Bryce sa kwarto.
Kanina matapos ang nangyari samin ni Bryce ay si Mico nalang ang kumatok sakin na hindi ko pa sana bubuksan kung hindi sya nagsalita.
"Sige, ingat kayo." Sabi ko
Akala ko ay aalis na sya pero nakatayo parin sya makalipas ang ilang segundo
"May sasabihin ka pa?"Tumikhim sya.
"About you and Bryce..""Walang tungkol saamin."
Ngumiti sya nang makahulugan.
"I understand." Tumalikod na sya. Nakailang hakbang palang sya nang bigla syang tumigil at humarap ulit sakin. "By the way, Xavier..""Hm?"
May tinuro syang kung ano sa mukha ko.
"Why are your lips swollen? Who bit you?" Tanong nya saka unti-unting gumuhit ang ngisi sa mukha.Nawalan ng kulay ang mukha ko saka biglang napahawak sa mga labi, unang dampi palang ng daliri ko ay nakadama agad ako ng hapdi.
"Ah kasi-"
"See you next time, bro." Putol nya sa sasabihin ko at tuluyan nang lumabas ng pinto. "Teka--!" Sigaw ko sakanya at hahabulin ko pa sana sya para mag imbento ng paliwanag pero natigil ako nang lumabas na si Rixon sa kwarto ni Bryce.
"Xavier." Aniya. "Bat ganyan ang mukha mo?"
"B-bakit? Ano bang meron sa mukha ko?"
Wag mong sabihing itatanong mo rin kung bakit namamaga ang labi ko?!"Nothing. Aalis na kami. Next time ulit." Nakangiting itinaas nya ang kamay nya para magpaalam pero agad nya rin iyong binaba na parang biglang may naalala. "By the way, Xavier.."
"Bakit?"
"What happened to your lips? Anong klaseng hayop ba ang kumagat dyan at namaga nang ganyan?" Nakangising tanong nya saka patakbo nang lumabas.
Umawang ang mga labi ko.
Boyfriend nga talaga sya ni Mico. Parehong pareho kasi ang tanong nila. Totoo nga siguro ang kasabihang "You are what you eat."