"Bro, hinanap ka ulit sakin ni Tita. Sabi ko hindi ka naman pumunta sa bahay."
Muntik ko nang mabatukan si Nani nang magkita kami sa coffee shop na malapit sa condo ni Bryce. Wala si Bryce dahil may importante raw syang pupuntahan pero hindi ko na sya pinapunta sa condo dahil baka kung ano na naman isipin nya kapag nadatnan nya si Nani.
"Eh sabi ko nandun ako sainyo."
Napatampal sya sa noo.
"Patay."Kinakabahang sumipsip ako sa kape ko.
Ibig sabihin alam nya nang nagsisinungaling ako at dahil kasama nya ang kapatid kong malawak ang imahinasyon, siguradong ginatungan pa nun si mama."Bakit hindi mo nalang sabihin na si Bryce ang kasama mo?" Tanong nya.
"Hindi nya naman kilala si Bryce."
"Edi ipakilala mo. Sabihin mo boyfriend mo."
Napaubo ako.
"Boyfriend?"Sakanilang dalawa ni Mike, wala pa akong sinabihan ng status ng relasyon namin ni Bryce.
"Bakit?" Pangisi ngising sumipsip sya sa straw ng strawberry shake nya. "Hindi ba?"
Nag iwas ako ng tingin at pilit iniba ang usapan.
"Uuwi na ako next week.""Pumayag si Gabo?"
"Ano naman kung hindi sya pumayag?" Kunot noong tanong ko.
"Edi hindi ka pwedeng umuwi."
"Siraulo."
Natawa na rin ako nang tumawa sya.
"Kidding aside, anong plano mo pag alis nya?""Hindi pa naman sigurado." Kibit balikat na sagot ko. Kapag tinatanong ko si Bryce kung kailan sya aalis papuntang Thailand lagi nyang sinasabi na hindi nya alam, baka hindi na o hindi na sigurado.
"Pano kung bigla nalang syang umalis?" Mataman nya akong tinitigan. Sa sobrang seryoso ng boses nya, iisipin ko na pwedeng mangyari ang tanong nya.
"Anong biglang umalis? Subukan nya, susunugin ko ang condo nya." Natatawa pero kinabahang sabi ko.
Hindi naman siguro gagawin yun ni Bryce. Ang banggitin ko nga lang na aalis sya ay ayaw na ayaw nya na agad.
"Xavier, I'm always here. Kapag may naging problema, tawagan mo lang ako."
Tumango ako.
"I know. Thanks, bro."******************
Habang nasa coffee shop ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Bryce at sinabing umuwi ako kaagad. Kaya pagkatapos naming mag usap ni Nani ay bumalik agad ako.
Pagkapasok ko ay may naulinigan akong pamilyar na mga boses na nasa kusina. Hindi ko makilala nang maayos ang isa pero alam kong si Bryce ang isa pa.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga boses.
"No, tita. Hindi naman po pasaway si Xavier, sa totoo nga po nyan, magaling po syang magluto."
"I'm glad. Akala ko kasi ay nagpupupunta sya sa kung saan saan kaya lumipat sya ng kaibigan. By the way, how old are you?"
"I'm 19 po."
"Magka edad lang pala kayo ni Xavier. No wonder, nagkasundo kayo kahit bago palang kayong magkaibigan."
Nanlaki ang mga mata ko at biglang napatigil.
MAMA?
"Baby--X-xavier, nandito ka na pala, bro." Tawag ni Bryce na muntik pang madulas ang dila sa pagtawag sakin.