"Kumusta, brother?" Nakangiting bati ni Nani pagkabukas ko ng pinto. Yumakap sya sakin.
"Okay lang, bro. Pasok ka."
Binigay nya sakin ang dala nyang pizza at beer saka inilibot ang paningin.
"Nice place. Nasaan si Gabo?"Inginuso ko ang kusina. Hindi ko alam kung anong niluluto nya o baka hindi naman sya nagluluto.
"Hindi ka ba nya pinapahirapan?" Makahulugang tanong nya pagkaupo sa sofa.
"Bakit nya naman ako pahihirapan?"
Tumawa sya at itinaas ang isang kaha ng sigarilyo.
"Pwede ba?" Tumango ako kaya sumindi sya ng isa. "Tumawag sakin ang mama mo, tinanong kung kasama kita.""Anong sabi mo?" Kumuha ako ng isang beer at binuksan.
"Sabi ko, oo kasama kita."
Tumango-tango ako.
"Ano bang meron bakit ka nandito?""Nagbabakasyon." Tipid kong sabi.
Lumagok ako ng beer. Kumuha ako ng isa at initsa sakanya.Nakangising umusog sya sa tabi ko at kaswal na umakbay sakin.
Kinuha ko ang yosi nya.
"Hindi ako komportable sa ngiti mo, pre." Puna ko sakanya. Bumuga ako ng usok saktong nakita ko ang anino ni Bryce sa bukana ng kusina."Hindi rin ako komportable na nandito ka." Bulong nya.
Natawa ako at binalik sakanya ang sigarilyo.
"Hindi naman kita pinipilit maging komportable."Muli syang lumapit sa tenga ko.
"Kung gusto mong magbakasyon, pwede ka naman sa condo ko. Pero wag dito."Inubos ko ang laman ng beer ko. Tinapunan ko ng tingin ang kusina at nakitang wala na si Bryce.
Tumayo ako.
"May titingnan lang ako." Naglakad ako papunta doon at nakita syang nakasandal sa lababo habang nakahalukipkip."Hanap ka ni Nani." Sabi ko.
Sinamaan nya ako ng tingin.
"Bakit nya naman ako hahanapin? Kaibigan ko ba sya?"Kumunot ang noo ko sa talim ng boses nya.
"Syempre bahay mo 'to. Natural lang na hanapin nya ang may ari ng bahay."Tiim bagang na tinitigan nya 'ko.
Hindi ko alam kung bakit ganon sya tumingin na parang may ginawa akong kasalanan at hinuhukuman nya 'ko."May problema ka ba?" Tanong ko
Hindi sya sumagot at nilagpasan lang ako.
Nang tingnan ko sa sala ay wala naman sya doon at mukhang dumiretso na sa kwarto nya.Hindi ko nalang sya pinansin at kibit balikat na bumalik na kay Nani. Umupo ako sa tabi nya at kumuha ulit ng beer.
"Bat mo naisip dumalaw?" Tanong ko.
Muli nya akong inakbayan.
"Namiss lang kita, bro.""Bat di mo sinama si Mike?"
"Busy sa bagong girlfriend."
Napailing ako.
"Hindi ba sya nagsasawa sa kaka-girlfriend?""Ikaw? Wala ka bang balak magka-girlfriend?" Balik tanong nya.
Hindi ako agad nakasagot.
Girlfriend?
Bahagya akong natawa.
Sa mga nakalipas na araw na sa mga lalakeng may boyfriend umiikot ang mundo ko, ang marinig ang salitang 'girlfriend' ay parang naging isang bagong salita sa pandinig ko."Saka na. Kung may matitipuhan." Sabi ko.
Sumindi sya ulit ng sigarilyo.
"Baka naman, ayaw mo na?""Anong ayaw ko na?"
Nagkibit-balikat sya.
"Alam mo, si Gabo at ang mga kaibigan nya, lahat sila...""May mga boyfriend." Tapos ko sa sinasabi nya. Ngumisi lang sya at bumuga ng usok. "Sinasabi mo bang baka maging gaya nila ako?"
"Bro, wala akong problema sa gaya nila. Concern lang ako sayo."
"Sa paanong paraan ka concern?" Kalmadong tanong ko.
Inilapit nya sakanya ang ulo ko gamit ang kamay nyang nakaakbay sakin at bumulong.
"Kapag nasimulan mo ang ganyan, hindi ka na titigil."Natawa ako.
"Nasimulan ang ano?" Tanong ko kahit alam ko na ang ibig nyang sabihin. Gusto ko lang talaga yun marinig mula sakanya."Ang makipag relasyon sa lalake. Lalo na kapag nakatikim ka ng ganon." Aniya.
Ngumisi ako at pabirong hinawakan ang bagay sa pagitan ng mga hita nya.
"Makatikim nito?"Palihim akong nagtaka nang hindi man lang sya nagulat at natatawang inalis lang ang kamay ko.
"Kailan ka pa natuto ng mga ganyan ha?"Uminom ako ng beer.
"Nitong mga nakaraan lang.""Kanino?"
Binatukan ko sya dahil sa tono ng boses nya.
"Nagbibiro lang ako.""Xavier, kung gusto mong lumipat ng 'bahay bakasyunan' sabihin mo lang sakin. Iaalis kita dito kahit dis-oras ng gabi."
**************************
"Iaalis? Bakit, sya ba ang papa mo? Desisyon yang kaibigan mo ah?" Sinamaan ko ng tingin si Bryce.
Mula nang makaalis si Nani ay inuulit ulit nya na ang lahat ng mga sinabi nito na hindi ko alam kung paano nya narinig."Pwede bang manahimik ka na, bro?" Sabi ko.
Umiwas ako nang akmang hihilahin nya ako kaya dulo ng damit ko ang nahawakan nya.
"Who's your BRO, huh?""Yung kapitbahay mo." Sagot ko at naglakad papunta sa sala.
"Hindi ko gusto ang tabas ng dila nyang kaibigan mo." Sabi nyang nakasunod sakin.
"Hindi ka naman nya pinipilit na magustuhan mo sya."
Lalong nalukot ang mukha nya.
"Ayoko nang makita yun dito.""Edi ako nalang ang pupunta sa condo nya."
Mabilis na hinawakan nya ako sa braso at marahas na pinaharap sakanya.
"Subukan mo lang."Ngumisi ako.
"Susubukan ko talaga.""Xavier!" Malakas na sabi nya.
"Ano bang problema mo ha? Kanina ka pa." Tanong ko.
Una, tinitingnan nya ako nang masama. Ngayon naman galit sya kay Nani, na wala namang ginagawang masama sakanya.
"Tingin mo hindi ko nakita yung pag akbay nya sayo? Yung pagbulong bulong nya?"
Kumunot ang noo ko.
"Yun lang?""Anong yun lang? Hinahawak hawakan ka nya tapos sasabihin mo 'yun lang'?"
"Oo, yun lang yun! Ano naman kung hinahawakan nya 'ko, ha? Kaibigan ko yun, matagal na, kahit halikan nya 'ko, hindi ko yun bibigyan ng malisya!"
"That's bullshit! Hinawakan mo ang ari nya tapos hindi sya nagalit? Ipagmamalaki mo rin ba yun? Kung ako, hahawakan ni Yige na ilang taon ko nang kaibigan, hindi lang sapak ang aabutin nya sakin, pero kung ikaw ang hahawak, kahit ang tanggalin ang kamay mo, hindi ko gagawin! Nakikita mo ba ang pagkakaiba ha?"
Natahimik ako.
Aaminin kong hindi ganon ang inaasahan kong magiging reaksyon ni Nani pero hindi rin tama na pag isipan ko sya nang masama."Kaibigan ko si Nani."
Mahigpit na hinawakan nya ako sa likod ng ulo.
"Mabuti. Wala akong pakealam kung hindi kaibigan ang tingin nya sayo, basta kaibigan ang tingin mo sakanya, tapos ang usapan.""Pwede bang tumigil ka na?" Sabi ko saka pilit na inaalis ang kamay nya sa ulo ko.
"Akin ka. Ituring mong kaibigan ang lahat ng lalake sa mundo wala akong pakealam, pero kung pano ko sila titingnan kapag lumalapit sila sayo, problema ko yun. Kung pano ko sila itatrato, depende yun kung pano ka nila titingnan."