"Nandito parin kayo?" Sabay sabay kaming napalingon kay Bryce. Gaya ni Yige ay nakaboxer at wala rin syang pang itaas. Lahat kami ay napasuyod ng tingin sa katawan nya lalo na si Kiersten na napakagat pa ng labi.
"Gabriel, sinasadya mo bang ipakita sakin ang katawan mo para akitin ako?" Aniya
Ngumisi sakanya si Bryce, "Hindi sayo." At tumingin sakin
Sumiksik sya sa pagitan namin ni Rixon at inakbayan ako
"Goodmorning, little pumpkin."Muntik nang maibuga ni Yige ang kape nya sa harapan ko habang sina Mico at Rixon naman ay nagpigil ng tawa dahil sa tinawag sakin ni Bryce
"Little....what?" Nanlalaki ang butas ng ilong na tanong ni Kiersten.
Siniko ko si Bryce.
"Nasobrahan ka ba sa alak ha?" Kumuha ako ng toasted bread at sinalpak sa bibig nya."How sweet naman this little pumpkin." Natatawang tudyo ni Yige saka inabutan ng kape si Bryce. "Pampakalma."
"Bro, usog ka nga dun." Sabi ni Bryce kay Rixon na nakaupo sa tabi ko.
"Gago, dun ka oh. Ako nauna dito." Sagot ni Rixon.
Palihim akong natawa ng sumimangot si Bryce.
"Umusog ka nalang. Dun ka umupo kay Mico. Shoo!"Wala nang nagawa si Rixon nang itulak sya ni Bryce paalis sa upuan.
"Ano ba naman yan, Bryce Gabriel. Masosolo mo naman mamaya si Xavier hindi ka pa makapaghintay."Tumikhim ako at uminom ng kape pero naubos ko na pala. Nakita iyon ni Yige kaya sasalinan nya sana ako nang pigilan sya ni Bryce.
Inusog nya sakin ang kape nya.
"Drink mine. Ang akin ay iyo na rin." Nakangiting sabi nya na nagdulot ng kakaibang kilabot sakin."Gago ang korni." Rinig kong sabi Kiersten kay Rixon na natatawa habang napasipol naman si Mico
Sinamaan ko sya ng tingin
"What?" Patay malisya nyang tanongMahigpit na hinawakan ko ang kamay nya at hinila sya papasok ng kwarto.
"Anong problema mo?" May bahid ng inis na tanong ko pagkasara ng pinto
"Ano na naman ang ginawa kong mali, Xavier?" Mahinahong tanong nya
"Alam mo bang sa ginagawa mo baka iniisip na nilang may relasyon tayo?"
"Sila rin naman meron."
"Pero iba naman sila!"
Nahigit ko ang paghinga ko nang mahigpit nya akong hawakan sa likod ng ulo at marahas na kinabig palapit sa mukha nya.
"Bakit ano bang pinagkaiba nila satin ha?" Pabulong na sigaw nya sa mukha koMalakas na tinulak ko sya.
"MARAMI!" Mariin kong sabi saka sya dinuro. "Umayos ka nga, Bryce. Hindi ka ba nahihiya ha? Pareho tayong lalake!"Nanunuyang umangat ang gilid ng labi nya, naglakad palapit sakin habang napaatras naman ako. Nang wala na akong maatrasan ay saka lang sya tumigil.
"Sa tingin mo may pakealam ako dun?" Tiim bagang na tanong nya
"Kung wala kang pakealam, ako meron."
"Sabi mo pag iisipan mo kung pwede tayo! Niloloko mo ba 'ko, Xavier?"
Napalunok ako at nag iwas ng tingin.
"Lasing lang ako nun.""Sinungaling! Maloloko mo ang sarili mo pero ako hindi." Galit na sabi nya at mariing hinawakan ang magkabila kong pisngi gamit ang isa nyang kamay.
"Bryce, ano ba?!" Hinawakan ko ang kamay nya na nasa mukha ko at pinilit alisin pero mas lalo lang iyong humigpit,
"Sabihin mong ayaw mo sakin pagkatapos nito."
Mariing inilapat nya ang mga labi nya sa labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko
Tinulak ko sya, sinubukang sipain, pero sa tuwing ginagawa ko iyon ay tinutulak nya lang ako nang pabalya sa pinto na gumagawa ng ingay sa labas kung saan naroon ang mga kaibigan nyaNapadaing ako sa loob ng bibig nya nang mariin nyang kagatin ang pang ibabang labi ko
T*ngina mo, Bryce Gabriel!
Nag init ang mukha ko nang diniin nya ang katawan nya sakin at agad naglabas ng kakaibang init nang dumikit sa katawan ko
Pareho kaming naghabol ng hininga nang bahagya syang humiwalay sakin. Akala ko ay titigil na sya pero mabilis nya ulit akong hinalikan.
Naramdaman ko ang dila nya sa labas ng labi ko, nanunukso, sinusubukang buksan ang bibig ko. Binalak ko yung kagatin nang mariin para patigilin pero sinamantala nya lang ang pagbukas ng bibig ko para tuluyang ipasok ang dila nya.
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang init na mula doon
Hindi..hindi 'to pwede!
Sinubukan ko syang itulak ulit pero hindi ko alam kung saan napunta ang lakas ko. Ang mga kamay kong dapat ay itutulak sya palayo ay napunta lang sa balikat nya habang mahigpit na nakakapit sa damit nya.
Hindi sinasadyang nagalaw ko ang dila ko at dumikit sa dila nya. He moaned. Mas naging marahas ang paraan ng paghalik nya na para bang binigyan ko sya ng permiso na gawin yon at amininin ko man o hindi, nagugustuhan ko ang ginagawa nya.
He sucked hard, he bit, he nibbled.
At tuluyan nya nang nasira ang pader ng pagpipigil na ginawa ko.
Bumigat ang paghinga ko, naramdaman ko rin ang unti-unting pag pareho ng init ng katawan ko sa katawan nya.
Hinawakan ko ang kwelyo ng damit nya at hinila sya palapit sakin. Ayoko sa ginagawa nya pero hindi ko rin iyon tuluyang matanggihan
Hindi ba't ito ang gusto mo? Pagbibigyan kita.
I licked his lips and sucked his tongue with the same intensity.
Bahagya syang natigilan sa ginawa ko pero ako na mismo ang nagpasok ng dila ko sa bibig nya.Bahagyang nakadilat ang mga mata ko at nakita ko kung pano nanlaki ang mga mata nya.
Nalasahan ko ang toasted bread at kape sa bibig nya na nagbigay ng kakaibang tamis sa panlasa ko. Kumpara sa almusal na ginawa ni Yige, mas nagising ako sa almusal na ginawa ni Bryce.
"Hmm.." Hindi ko napigilang daing nang sipsipin nya ang dila ko.
Naramdaman kong ipinasok nya ang kamay nya sa loob ng tshirt ko, humaplos sa tiyan ko at pumisil sa dibdib ko..
Humiwalay ang labi nya sa labi ko na naglikha ng mas nakakaakit na tunog.
Ilang beses akong napamura sa isip ko dahil sa sensasyong pinapadama nya na hindi ko makayang tanggihan.Dumako ang halik nya sa leeg ko habang patuloy na nilalaro ng kamay nya ang dibdib ko.
"Ahh.."
Pareho kaming natigilan nang kumawala iyon sa bibig ko.
Inilayo nya ang bibig nya sakin habang nasa dibdib ko parin ang kamay nya.
"Ngayon mo sabihin na ayaw mo sakin." Nakangising sabi nyaAkmang hahalikan nya ulit ako nang malakas ko syang itinulak kahit lasing parin ang isip ko sa mga ginawa nya
Walang imik na inayos ko ang damit ko at hinawakan ang doorknob,
"Xavier-"
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya at pabalyang isinara ang pinto.
Nang mag angat ako ng tingin ay mga nanunuring mga mata ang bumungad sakin."What happened?" Nakataas ang mga kilay na tanong ni Kier habang sinusuyod ako ng tingin
"Why are you-?" Gulat na tanong ni Rixon na sa likod ko nakatingin. Lumingon ako at nakita si Bryce, bumaba ang tingin ko sa tinuturo ni Rixon para lang mag init ang mukha dahil sa matigas na bagay sa pagitan ng binti nya
"What a hard cucumber." Sabi ni Yige na ikinatawa ng iba
Sinamaan ko ng tingin si Bryce bago malalaki ang mga hakbang na pumasok sa bakanteng kwarto.
Xavier, ano sa tingin mo ang ginawa mo?