Chapter 22

240 17 0
                                    

"Xavier, anong gusto mong gawin pagka-graduate mo?" Tanong nya habang magkaakbay kami sa sofa.

"Hindi ko pa alam. Mag aapply? O magbabakasyon?"

"Pano kung pumunta ka sa Thailand at magbakasyon ka dun tapos doon ka na rin mag apply ng trabaho?"

Natatawang sinubuan ko sya ng popcorn.
"Tapos sainyo ako titira?"

"Oo." Nakangiting sagot nya. "Tapos ipapakilala kita kay mommy."

"Tapos?"

"Tapos maghahanap na rin ako ng trabaho."

Napangiti na rin ako.
Sa isip ko ay lumalabas ang mga planong sinasabi nya.
"Tapos?"

"Tapos bibili tayo ng sarili nating bahay o kaya rent lang muna. Basta gusto ko yung sarili natin."

Inalis ko ang pagkaakbay sakanya at humilig sa balikat nya. Awtomatiko namang humaplos ang kamay nya sa buhok ko.
"Parang ang dali lang gawin."

"Madali lang naman ah? Kailangan mo lang sundin ang plano."

"Pero hindi naman lahat umaayon sa plano." Sabi ko.

Ginulo nya ang buhok ko.
"Ibig sabihin lang nun, hindi mo sinunod yung plano."

"Pano mo susundin kung hindi nga nangyari yung plano?"

Kinabig nya ang ulo ko paharap sakanya at tumingin sa mga mata ko.
"Xavier, kapag ako ang kasama mo, mangyayari ang lahat ng plano natin. Trust me. Gusto kong makasama ka sa Thailand, kailangang ganon rin ang gusto mo para mangyari yun. Pero hindi kita pinipilit."

Muli akong sumandal sa balikat nya at yumakap sa bewang nya.
"Okay lang kahit pilitin mo'ko. Gawin mo na lahat para makasama mo'ko sa Thailand."

"May passport ka ba?"

Malakas akong natawa.
"Hahaha wala."

Napaigtad ako nang kilitiin nya ako sa tagiliran.
"Damn, ang lakas ng loob mong magpapilit wala ka namang passport!"

"Diba 'General' ka? Gawan mo nalang ng paraan." Asar ko sakanya habang pinipigilan ang kamay nya sa leeg ko. "T-Teka wag dyan! Hahaha"

"I'm a General, ako ang batas." Natatawa na ring sabi nya saka ako hinawakan sa leeg na halos magpahulog sakin sa sofa dahil sa kiliti.

"Hahaha tama na!" Napapadyak ako sa kakatawa habang patuloy sya sa pagkiliti sa tagiliran ko.

Hingal na sinuntok ko sya sa braso nang tumigil sya at nakangiting tinitigan ako.

"Bakit?" Tanong ko nang hindi sya magsalita.

Umiling sya saka napapabuntong hiningang hinila ako palapit.
"Don't leave me."

Tumingala ako sakanya.
Nakita ko kung paano lumambot ang ekspresyon ng mukha nya.
"Diba ikaw nga ang mang iiwan sakin?" Biro ko.

"Hindi kita iiwan. Hindi mo lang alam kung gaano ako kabaliw sayo, Xavier."

Biglang may umahong saya sa puso ko.
Kapag nagsasalita sya ng ganito, pakiramdam ko ang swerte ko.

"Sabihin mong hindi mo 'ko iiwan." Untag nya sa sandali kong pagkatulala sakanya.

Pinisil ko ang pisngi nya.
Noon madali ko lang makokontra ang lahat ng sasabihin nya pero ngayon ang dali nya nalang akong pasunurin sa mga gusto nya kahit hindi nya ako dinadaan sa pilitan. Kung ano kasi ang gusto nya, yun rin ang gusto ko.

"Hindi kita iiwan."

Doon lang kumalma ang mukha nya.
Hinalikan nya ako sa pisngi at tahimik na isinandal ang ulo sakin.

Be Crazy With Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon