Lumipas ang ilang araw at ilang tulog nalang pasukan na. Ganon rin si Kiersten kaya napagkasunduan namin na mag out of town ng isang gabi kasama ang iba pang kaibigan ni Bryce at mga kaibigan ko.
Nasa parking lot kami ngayon ng condo ni Bryce at hinihintay nalang si Nani at Yige.
"Mike, bro." Pakilala nya kay Rixon.
"Rixon. This is my boyfriend, Mico."
Nilingon ko si Bryce na kanina pa abala sa cellphone nya.
Naglakad ako palapit sakanya at umakbay.
"Busy ka?""No, kausap ko lang si mommy."
"Bakit?"
Nagkibit-balikat sya.
"She miss me."Hindi na ako nagtanong at sumandal na rin sa gilid ng kotse ni Rixon. Pasimple akong sumilip sa cellphone nya at nakitang babae ang nasa profile picture ng kachat nya.
"Sino yan?"Umangat ang mga kilay nya at itinago ang cellphone sa bulsa.
"Wala, kaibigan ko lang.""Kaibigan?"
Tumawa sya.
"Oo, kaibigan lang. Lahat ng taong kilala ko, maliban sayo, ay kaibigan ko lang. No more, no less."Siniko ko sya at kinunutan ng noo.
"Dapat lang. Kasi nakikita mo ba tong sasakyan ni Rixon? Iuuntog kita dito hanggang mabasag yang mukha mo kapag may nalaman akong hindi maganda."Napahalakhak sya.
"Xavier, tutal matigas naman rin yang abs mo, bakit hindi mo nalang ako dyan iuntog, ha?""Hindi ko 'to ginawa para pag-untugan lang. Ginawa ko 'to para makakuha ng chix." Sabi ko saka lumayo sakanya.
Mabilis nya akong hinabol at inabutan.
"Xavier, mag ingat ka sa mga sinasabi mo. Baka hindi ko mapigilan at bitbitin kita pabalik sa condo.""Edi bitbitin mo."
Akmang bubuhatin nya ako nang sipain ko sya at aksidenteng matamaan sa pisngi.
"Bryce-"Parang nasa pelikulang dahan dahan syang nag angat ng ulo habang magkasalubong ang mga kilay.
"Masakit yun."Pigil akong tumawa at pinag-krus ang dalawang hintuturo na parang nagpapaalis ng masamang espiritu.
"Bro, sorry, bro." Sabi ko at naglakad paatras. Akmang tatakbo sya palapit sakin nang malakas na bumusina ang isang hummer at
halos lahat kami ay napasipol sa ganda ng sasakyang pumarada.Bumaba ang salamin sa passenger seat at iniluwa ang nakangising si Yige.
"Wanna ride?"Hindi pa man sya tapos magsalita ay sumakay na agad sina Rixon at Mico.
"H1 Alpha." Nakangiting sinuyod ng tingin ni Bryce ang sasakyan habang hinihimas ang baba. Umakbay sya sakin.
"Starting price, 150,000 dollars, current price, 300,000 dollars." Dugtong ko. Nagkangitian kami. Isa sa pagkakapareho namin ang hilig namin sa mga sasakyan, madalas kapag lumalabas kami at nakakakita ng mamahaling kotse, tumitigil kami para lang tingnan at pangarapin na mabibili rin namin yun balang araw. Gaya ngayon.
"Don't worry, baby. Trust me, mas mahal pa dyan ang bibilhin natin."
Ngumisi ako.
"At mas magara pa sa hummer ni Yige."Nag high-five kami at naglakad papunta sa mga kaibigan nya.
"Saan tayo?" Tanong ni Mico."Tagaytay ba o Baguio? Over night tayo as a friend." Natatawang sabi ni Yige.
"As a friend? Kayo lang ni Kurt ang walang label, dude. Lahat kami, taken na." Sabi sakanya ni Bryce na ang tinutukoy ay ang ka M.U nito at school mate.
"Yabang mo ah, nung nakaraan lang panay reklamo mo na ayaw sayo ni Xavier."
"Nung nakaraan yun, wag mo akong igaya sayo na hanggang tingin lang kay Kurt."
Nagtawanan kami.
"Fuck you, bro. Bat ka namemersonal?"Ilang sandali lang ay dumating na rin si Nani. Matapos nilang makilala ang mga kaibigan ko ay nag kanya-kanya na kaming sakay sa mga sasakyan namin. Si Rixon at Mico ang magkasama, si Mike at Nani, si Yige at Kiersten na dadaanan nalang namin habang kami naman ni Bryce sa kotse nya.
"Convoy nalang tayo. Ako na bahala." Ani Mico.
Wala kaming plano kung saang lugar. Basta naisip lang namin kaninang umaga na umalis at nagkataong lahat kami pwede.
Binuksan ko ang stereo ng kotse nang magsimula syang mag drive.
'Heart Won't Let Me' ng Lany ang tugtog.
Sinuot ko ang seatbelt ko at chineck kung nakasuot rin ang sakanya.
Ngumiti sya nang ayusin ko ang buhok nyang nakatabing sa mata nya.Umayos ako ng upo at tumingin sa daan.
"You and I always fight 'bout the same old thing
In the car, at the bar, by the kitchen sink"Napangiti ako.
Naalala ko noon, hindi ko pa sya gusto. Lahat nalang ng ginagawa nya, naiinis ako. Sa ngisi nya, sa mayabang nyang mukha at sa asta nya na parang pwede nyang gawin ang lahat ng gusto nya."You used to say you want me, now we just say sorry
You and I always fight 'bout the same old thing"Sumandal ako sa upuan at pinakinggan ang kanta.
"I should've probably already left
But I never listen to my head"Napatingin ako sakanya nang sabayan nya ang kanta.
"Say I'm gonna go, can't take it anymore
Keys are in my hand, got one foot out the door
Every time I try, every time I try to leave
My heart won't let me.."Lumingon sya sakin na para bang saakin nya iyon sinasabi. Nangungusap ang mga mata nya na para bang may gusto pa syang sabihin.
Kinuha ko ang isa nyang kamay sa manibela at pinagsalikop sa kamay ko.
Sumandal ulit ako sa upuan at pumikit."Gisingin mo nalang ako kapag nandun na tayo."
Pinisil nya ang kamay ko.
"Inaantok ka?""Hmm."
Hindi naman talaga ako inaantok.
Ayoko lang talagang marinig ang pwede nyang sabihin."Be the one to quit, I know it's gonna hurt
Lyin' to myself will only make it worse
Every time I try, every time I try to leave
My heart won't let me.."Pinakinggan kong matapos ang kanta nang nakapikit habang sumasabay sya at sabihin ang mga salitang ngayon ko lang narinig,
"I love you."
Hindi ko iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mga labi nya sa kamay ko kahit hindi na ako halos makahinga sa pagpipigil ng emosyon.
"I'm sorry." Bulong nya na halos hindi ko na marinig.
*************