Chapter 20

257 18 2
                                    

"Ayun naman pala." Nakangiting sabi ni Rixon saka pinag dikit ang beer nila ni Mico. "You can relax now." Aniya sa boyfriend nya

Ngiting ngiti na naglakad papunta samin si Bryce, sinadya nyang umupo sa pagitan namin ni Yige at sumiksik saka pabirong kinagat ang braso ko, "Xavier, ulitin mo nga yung sinabi mo."

Siniko ko sya.
"Wala na, sira na yung mood."
Natawa sya saka kinuha sa kamay ko ang beer at uminom.

"Dali na. Isa lang, sabihin mo lang ulit na gusto mo ko, papalayasin ko na 'tong mga demonyong to." Tukoy nya sa mga kaibigan nya.

"What the hell, dude. Alam kong masama ugali mo pero hindi ko naisip na ipagpapalit mo kami kay Xavier." Ani Yige

"Bakit ko naman kayo ipagpapalit? Unang una sa lahat, hindi ko naman kailangang pumili."

"Sabi ko sainyo eh, hindi tayo ipagpapalit nyan ni Bryce. Loyal yan." Sabi ni Yige

"Bakit sinabi nya bang tayo ang pipiliin nya?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Kiersten.

Rixon, "Kami o Xavier?"

"Xavier." Sagot ni Bryce.

Palihim akong natawa.

"Inamo." Natatawa ring sabi ni Rixon.

Uminom ako sa beer na hawak parin ni Bryce at sinulyapan sya na kumindat lang sakin.

"Let's cheers for our new couple." Ani Yige saka itinaas ang beer nya, nagsisunuran rin sina Kiersten, Mico at si Rixon. Kami nalang ni Bryce ang hindi.

Tinaasan kami ng kilay ni Yige saka inginuso ang beer ko sa kamay ni Bryce.

Kapag itinaas ko ang beer ko, ibig sabihin kinukumpirma ko nang kami na ni Bryce, pero kapag hindi naman-

"Come on, baby." Ani Bryce na nakangiti. Sa sobrang ganda ng ngiti nya, kahit bato mapapasunod nya.
Ginagap nya ang kamay ko at sabay naming hinawakan ang beer. "Cheers?" Tanong nya sakin.

Napalunok ako at inilibot ang paningin sa mga kaibigan nyang nakangisi.
"C-cheers."

"Ayown!" Masayang sabi ni Yige at ipiningki ang beer nya sa beer ko.

"Ibig sabihin ba kami na?" Lingon ko kay Kiersten.

"What do you think?" Tanong nya. "Yang gwapo at masarap na lalaki sa tabi mo ay iyong iyo na."

Napatingin ako sa kawalan at kumagat sa pizzang hawak ko.
Ibig sabihin, boyfriend ko na si...

"He's mine now!" Gulat na bulalas ni Bryce. Natawa si Mico at Yige. Habang napakunot naman kami ng noo ni Rixon.

Mico, "Late reaction, bro?"

Hindi makapaniwalang tumingin sya sakin.
"You're...mine now?" Hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi.

Nagpigil ako ng tawa.
"Ayaw mo yata eh." Biro ko na naaaliw sa reaksyon nya.

He laughed heartily.
"Hindi, NGAYON LANG AKO NAKAPAG REACT NANG MAAYOS! Fuck.." Tinapik nya si Kier. "Bro, Xavier is mine..." Puno ng excitement na sabi nya.

Napangiti ako.

"Rixon, dude!" Nanlalaki ang mga matang tawag nya na natatawang tinanguan lang ng huli.

"Ang saya mo, mukha kang baliw." Ani Rixon

Tinapik ni Kiersten ang lapi nya.
"Break his ass but don't break his heart."

"I won't break his heart." Sinserong sabi ni Bryce saka gigil na pinisil ang pisngi ko.

Wala sa loob na napainom ako ng beer.
Hindi mo sasaktan ang puso ko, pano naman yung...

Break his ass but don't break his heart
Break his ass but don't break his heart
Break his ass but don't break his heart

Napangiwi ako sa naiisip na scenario.
Holy shit.

"So, what are we going to do now?" Tanong ni Rixon.

Isa isang binuksan ni Kiersten ang mga beer at tumayo.
"Edi maglasing buong gabi!"

Be Crazy With Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon