****

260 17 9
                                    

"I'll sleep with him."

"Did someone fucked you in the brain? Tingin mo papayag ako?"

"You're selfish, Bryce. Hindi ka ba naaawa sakanya? Iiwan mo sya nang ganon lang?!"

"I WILL COME BACK TO HIM THE FUCK IS WRONG WITH YOU?!"

"Pano kung hindi ka makabalik? Pano yung kaibigan ko?"

"Comfort him! But don't fall in love with him."

"Sino ka para sabihin sakin yan? Kapag umalis ka, wala ka nang babalikan."

"XAVIER IS MINE."

"Kapag iniwan mo ang isang bagay, may kukuha't kukuha nun, lalo na kung wala ang may ari."

"You motherfucker!"

"I am. I can fuck your boyfriend too. I can be a XavierFucker too."








*************

"This is a room for two, walang comfort room so you have to go out to do your things. May extra comforter and sleep wear sa cabinet, first aid kit and most importantly, may heater."

Sinulyapan ko si Bryce nang muling humigpit ang hawak nya sa kamay ko. Kanina nya pa yan ginagawa, hindi ko alam kung sinasadya nya ba o hindi.

"Okay ka lang?" Tanong ko sakanya na tinanguan nya lang at hindi nagsalita.

Nang matapos ang staff sa pagpapaliwanag ay lumipat kami sa isang cabin na pang-tatluhan.
"This one is one of our best cabins, still no comfort room but it has a small jacuzzi inside. You see, this is the biggest cabin but also the most expensive. The walls are soundproof, the roof is transparent, good for stargazing and soul searching, but---"

"We'll take it."
"I'll take it."

Lahat kami ay napatingin kay Bryce at Nani na sabay nagsalita.

"I smell trouble." Bulong sakin ni Rixon.

Ngumiti ang babaeng staff.
"Magkasama po ba kayo sa isang kwarto?"

"No." Sabay ulit nilang sagot at sabay ring nagkunutan ng noo.

"I'm with my boyfriend." Sabi ni Bryce saka ako hinapit palapit sakanya. Nagtikhiman sina Yige, maging ang staff ay napakurap rin at napatingin saamin na para bang isang malaking biro ang narinig nya pero agad ring ngumiti ulit.

"Don't worry, it has three beds. If you like to share it with someone--"

"Just give us another one." Putol ni Bryce.

"Sorry, sir. Pero lahat po ng three beds cabins namin ay occupied na po. Kung gusto nyo po, mag share nalang po kayo ni Sir.." Tinuro nya si Nani. "Dahil mukhang magkakasama naman po kayo."

Hindi pa man kami nakakatanggi ay umakyat na si Nani dala ang bag nya.

"Where the fuck are you--!" Tinapik ko si Bryce at tumingin sa staff

"Okay na po saamin 'to."

"NO." Matigas na sabi ni Bryce saka akmang aakyat nang pigilan ko sya.

"Bryce, ano ka ba? Si Nani lang yun, isang gabi lang tayo dito!" Mariin kong bulong.

"Yige, Kiersten, let's switch room--"

"NO FREAKING WAY!" Malakas na tutol sakanya ni Kiersten na nag echo pa sa buong cabin.

"Salamat ha." Sarkastikong sabi ni Bryce saka padabog nang umakyat.

"Susundan ko na sila." Paalam ko at hindi na sila hinintay sumagot.

Be Crazy With Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon