[ OBLIVION ]
"Xavier..." Napamulat ako sa yugyog ni Bryce.
"Nandito na tayo?" Tumango sya. Malayo-layo sa condo nya ang Oblivion kaya dahil kulang ang tulog ko kagabi ay umidlip muna ako. "Sigurado ka bang may tao dyan?"
Bahagya syang natawa.
"Para mo na ring tinanong kung may prayer meeting sa impyerno."Napailing ako.
Sa labas kasi ay wala kang makikitang tao o kahit maririnig na tunog. Kung hindi mo alam na may bar sa ilalim ng madilim na gusaling ito ay siguradong kahit ang dumaan dito ay hindi mo gagawin dahil sa dilim.Bumaba na kami sa kotse nya.
Saka ko lang napansin ang ilang mamahaling mga sasakyan sa hindi kalayuan.Bago kami bumaba sa madilim na hagdan ay kinakabahang pinigilan ko sya sa braso.
"Sigurado ka bang makakalabas pa tayo ng buhay dyan?"Naaaliw na pinitik nya ako sa noo.
"Tara." Inilahad nya sakin ang kamay nya."Anong gagawin ko dyan?" Naiilang na tanong ko
"Kainin mo."
Kahit ayaw ko ay tinanggap ko ang kamay nya at mahigpit na hinawakan.
"Wag mong masyadong higpitan, walang aagaw." Tudyo nya"Bababa ka ba o iiwan kita dito?"
Tumawa sya at hinila ako palapit sakanya.Nang nasa ibaba na kami ay nakita ko ang dalawang naglalakihang mga lalake na nakabantay sa malaking bakal na pinto.
Tinanguan lang ni Bryce ang isa at binuksan na agad nito ang pinto.
Akala ko ay bubungad na saamin ang malakas na tugtog gaya sa isang ordinaryong bar pero dalawang malaking lalake ulit ang sumalubong saamin.
"Code?" Sabi ng isa na may mahabang balbas
Lumapit si Bryce sa lalake at may binulong.
Kinuha ng lalake ang isang maliit na scanner at itinapat sa kamay ni Bryce. Makalipas lang ang ilang segundo ay nagkulay dilaw ang scanner at lumabas ang mukha nya at mga numerong hindi ko nabasa.Sumenyas ang lalake na pwede na kaming pumasok kaya hinila nya na ulit ako.
"Yun na yun?" Tanong ko
Tumango sya.
"Kapag nagkamali ka lang ng isang number kahit kilala ka nila, hindi ka papapasukin."Nilibot ko ang paningin ko.
Naglalakad kami sa isang madilim na pasilyo at mga luminous lights lang ang ilaw.Nang nasa kalagitnaan na kami ay saka lang ako nakarinig ng tugtog.
"Ganon sila kahigpit?"Hindi sya sumagot at naramdaman kong pinagsalikop nya ang mga kamay namin.
"For security purposes." Aniya bago pa ako makaangal.Sa dulo ng pasilyo ay meron na namang pintuan at mas marami ang nakabantay na bouncer.
Gaano ba kalaki ang basement na 'to at parang ang tagal naming makarating sa mismong bar?
"Boss, kantahin nyo lang ang Lupang Hinirang ng buo, makakapasok na kaagad kayo." Seryosong sabi ng isang matangkad na lalaki.
Nagpigil ako ng tawa. Maging ang mga kasama ng bouncer.
Kung gagawin yun ni Bryce, siguradong mapapasaya nya ako kahit wala na sya sa mundo.
"Siraulo." Natatawang sabi ni Bryce saka binigay sa lalaki ang isang card. "Papayag ako, kung sasayaw ka ng Pamela One sa harapan ko."
Natawa na ng tuluyan ang mga kasama nya.
Mukhang kilala na nga sya dito dahil nagawa nyang patawanin ang mga lalaki na unang tingin mo palang ay parang hindi na magpapahuli ng buhay.