Chapter 14

318 68 0
                                    






Chapter 14: Mapapalaban

Habang kinakaharap ngayon ng Team Believe ang apat na mga kalalakihan na bigla nalang sumulpot sa harap nila, ay may isang lalaki naman ang palihim na nagmasid, ito'y nakatayo at nasa likod ng puno sa kahoy, at may kasuotan ng katulad sa apat na mga lalaki.

Ang kaibahan nga lang ay nakasuot ang lalaking ito ng puting maskara na nakatakip sa kaniyang ilong hanggang sa baba. Ang lalaking ito ay ang siyang nakalaban nila Atlas at Atom nong unang gabi nila kay Aling Celma, siya ang binatang si Lawin Bonifacio.

"Naging Guardian ka na pala Atom...at studyante mo pala 'yang batang nakalaban ko kagabi. Ang layo na ng narating mo, pero titiyakin kong hindi ka rin makatapak sa tagumpay..." saad niya habang seryosong nakamasid sa Team Believe at kasamahan na limang lalaki.




Natahimik ang Team Believe dahil sa sinabi ng isang lalaki sa kanila na alaga nilang pusa ang buhat-buhat ni Atlas. Nagsimula ding kinabahan ang nag-iisang babae sa koponan nila na si Sahara, dahil hindi nila matukoy kung anong klaseng Gifted ang apat na lalaking ito, dahil walang kahit isang symbolo ng elemento ang makikita sa suot nila.

Kahit nagkakutob pa ang Team Believe na ang pusang hawak ni Atlas ay ang nawawalang Gifted Creature na si Araw ay hanggang kutob lang sila, dahil hindi naman nila natitiyak na si Araw nga ito lalo pa't hindi nila alam kung ano ang itsura nito, maging si Aling Celma ay hindi na rin nakasigurado, dahil kusang nagpapalit ang wangis ni Araw, mula sa mga kulay ng balat, mga mata, ilong, buntot at pangangatawan.

Napalunok si Atlas na nakahawak sa pusa. "Sa inyo po pala siya...patawad po, akala po kasi namin siya 'yong hinahanap naming pusa..." paghihingi niya ng tawad.

Dahan-dahan na niyang ninais na ibalik sa kanila ang pusa, ngunit nagdadalawang isip din siya dahil sa ikinikilos ng pusa na halos iniiwas nito ang tingin sa apat na lalaki at ang tuno ng boses nito'y tila natatakot.




Nararamdaman ni Atom na parang may mali, kaya kinakailangan niyang gamitin ang kakayahan para malaman ang katotohanan. Ang berdeng bilog sa gitna ng mga mata niya ay mabilis na naging parang hugis dyamante na kulay puti, at hindi 'yon namalayan ng apat na lalaki. Gagamitin niya ang kakayahang Mind Eye para mabasa kung ano ang nasa isip ng mga lalaking ito.

Tinitigan niya ang lalaking nasa gitna na tila nagsilbing pinuno sa grupo.

Ang oto-oto naman ng mga ito...akala ko pa mahihirapan kaming hanapin ang Gifted Creature, madali lang pala, kasi mga mahihinang langaw lang ang nakahawak sa kaniya, narinig pa niya ang pagtawa sa isipan ng lalaki.

Pagkatapos niya mabasa ang nasa isip ng lalaki ay nanatili lang siyang kalmado at hindi niya pinapahalatang nagagalit siya sa pang loloko ng apat. Ang Mind Eye ay hindi lang nagagamit para basahin kung ano ang laman ng isip, kaya din nitong makipag-usap sa gustong kausapin gamit lang ang isip, kaya naman agad niyang kinausap ang tatlo niyang studyante para sabihin ang kaniyang nalaman.

Ako 'to si Atom, umarte lang kayong hindi ako naririnig at mananatili kayong kalmado. Atlas huwag mong ibigay ang pusa. Pagbilang ko ng tatlo sabay tayong maglaho at lumipat sa likod nila, tiyak na ikakagulat nila 'yon...huwag kang mag-alala Izalem, ako ang hahawak sa 'yo para maisama kita, pakikipag-usap niya sa tatlo gamit ang isip at nanatili lang silang kalmadong nakatitig sa mga lalaki at hindi nga sila nahalata na nag-uusap.

Atlas Volume 1 [The God Shadow]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon