Chapter 19

294 52 0
                                    






Chapter 19: Ang katotohanan

Alas nwebe ng gabi, pangiti-ngiting naglalakad ang labing-dalawang taong gulang na si Atom Dagathan dahil nasasabik siyang muling makasama ang kaibigan niyang si Lawin Bonifacio sa mismong bahay nito.

Napaatras ng isang hakbang si Atom at napanganga siya nang makitang sa hindi kalayoan ay may isang bata ang biglang sumulpot sa labas ng bahay nila Lawin, ang bata ay may wangis at pangangatawan ng katulad niya, para lang nakatanaw si Atom sa kaniyang sarili.

Ngunit nagsalubong ang mga kilay niya dahil alam niyang wala siyang kakambal, at higit sa lahat nagpapakaba sa kaniya nang makitang may hawak ng espada ang impostor na ito at may bahid pa ng mga dugo ang espada.

Nang mapansin niya na ang nag anyong siya ay lumilingon sa paligid ay agad niyang ginamit ang kakayahang Invisible o kakayahang hindi makita ng kahit sino man, upang hindi malaman ng impostor na nakita niya ito.




Dahan-dahan nanlalaki ang mga mata niya nang matuklasang unti-unting nagbabagong anyo ang impostor at nakita na nga niya ang totoong anyo nito na kung titingnan ay nasa kalagitnaan na ng dalawampung taong gulang.

Tago Lathor! Matagal na namin siyang pinag-iimbistigahan. Nalaman na naming ang totoong pakay niya, ang kumuha ng mga Gifteds dito, upang idagdag niya sa kaniyang binubuong grupo, ngunit para sa'n? Pero isa lang ang natitiyak ko, isa siya sa mga nagnais sakupin itong Atlanya at ang buong Atlanian, sa isip ni Atom.

Pero may isang bagay ang mas nagpagulo sa kaniya. "Ngunit anong ginagawa niya sa bahay ni Lawin? Bakit niya ginaya ang anyo ko?" Sunod-sunod na tanong niya sa sarili.

Gumulat kay Atom nang bigla nalang sumigaw ng pagkalakas si Lawin mula sa loob ng nito. "Hayop ka Atommm! Bakit mo nagawa sa aking ama itooo?! Napakasama mo palang tao! Pagbabayaran mo ang ginawa mo! Pinapangako ko, ako mismo ang papatay sa 'yooo!"




Laking gulat ni Atom nang marinig ang puno ng galit na sigaw ni Lawin, hindi niya napigilan ang panginginig ng buong katawan lalo pa't ito ang unang pagkakataong marinig niya ang ganung klaseng salita mula kay Lawin, tumatak na sa isip niya ang salitang papatayin siya ni Lawin kaya tumindi ang kaba niya, napapaatras siya ng ilang hakbang at napadapa nalang siya sa kalsada dahil sa panginginig ng kaniyang katawan.

Ikinagalit niya nang makitang nakuha pang ngumiti ni Tago bago tuloyang naglaho. Nang mawala na si Tago ay dahan-dahan siya tumayo at inalis na niya ang kakayahang invisible kaya nakikita na siya ngayon, at agad siyang naglaho.

Sumulpot siya sa harap ni Lawin at laking gulat niya nang makitang naghihinagpis ngayon si Lawin habang hawak-hawak ang ama nitong nakahandusay sa sahig. Halos nahihirapan siya magsalita na parang umaatras ang kaniyang dila, dahil maging ang mga labi niya'y nanginginig.

Pinipilit niya ang magsalita para lang masabi ang totoo. "La-Lawin...makinig ka, hindi ako ang pumatay sa iyong ama...maniwala ka..." maging ang mga kamay niyang pilit niyang ilapit kay Lawin ay nanginginig din.





Dahan-dahan na tumayo si Lawin at taas-noo niyang hinarap si Atom at nanlilisik ang mga mata niyang tinitigan ito kaya napanganga ito nang makitang napapalibutan siya ng mga malalakas na hangin ngayon.

Agad na ginamit ni Lawin ang kapangyarihan niyang Air Arms, kaya naging parang mga hangin ang mga braso niya sa subrang puti ng mga ito at lumalaki pa ang mga sukat nito, gamit ang napakalaking palad sa isang Air Arm niya ay sinakal niya ng pagkahigpit ang leeg ni Atom.

Atlas Volume 1 [The God Shadow]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon