Chapter 12: Dating magkaibigan
Oras ng matulog at magkasama sa iisang kwarto sina Atlas, Sahara at Izalem. Kasyang-kasya lang talaga ang kwarto para sa kanila, sa sahig sila natutulog at may tig-iisang kama.Nilingon ni Izalem si Sahara na nasa gitna. "Ayos ka na Sahara?" Tanong niya.
Dahan-dahan naman tumango si Sahara. "Oo ayos na ako. Alam niyo, naaawa ako sa kalagayan ni Aling Celma, 'yong kada oras hindi pwedeng maging kampanti dahil nasa paligid lang ang kapahamakan..." sagot niya na bakas ang pag-alala habang nakatingin sa itaas.
Si Atlas na naman ang napatango ng ulo dahil sumasang-ayon siya sa mga sinabi ni Sahara. "Kaya gagawin natin ang lahat para mapayapa ng mamumuhay si Aling Celma..." sambit niya na halatang inaantok na.
Napakunot-noo naman si Izalem. "Baka tama 'yong mga sinabi ni Aling Celma na nakatakas nga ang pusang si Araw, kaya muling nagmasid ang mga kalaban sa pag-aakalang bumalik na dito si Araw, at baka membro ng Lathor 'yong nakalaban mo kanina Atlas..." pagdududa niya.
Pariho namang natahimik sina Atlas at Sahara na parang napapaisip din sa mga sinabi ni Izalem. Napapapikit na nga ng mga mata si Atlas, pero dali-dali siya nagmulat nang biglang may maalala.
Taika sandali, kung hindi ako nagkakamali...ito ang...ito ang una kong bises makatabi si Sahara, natutuwang isip niya.
Dahan-dahan na nilingon ni Atlas si Sahara at hindi na nga niya naiwasan ang pamumula ng mga mukha at tila kumikislap pa ang mga mata niya habang tinitigan ang nakakabighaning ganda ni Sahara.
Katabi ko siya...kaya hindi ko dapat sasayangin ang pagkakataon na itooo...hindi dapat ako matulog, sa isip niya habang halos nanginginig na ang katawan sa subrang kilig.
Dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha niya kay Sahara na wala namang kamalay-malay dahil malayo ang iniisip nito at nakatingin sa itaas. Ilang sandali pa'y napakunot-noo si Sahara dahil parang may kakaiba, kaya nilingon niya si Atlas at nanlaki ang mga mata niya nang makitang inilalapit nito ang labi na parang gusto manghalik.
"Saharaaa..." tila nang-aakit na tuno ng boses ni Atlas habang nakapikit pa ang mga mata at iningunguso ang labi.
Hindi napigilan ni Sahara ang pamumula ng mga pisngi at kumakaba pa ang kaniyang dibdib, kaya napanganga siya habang tinitignan ang mga labi ni Atlas. Pero tila nagising siya at nanlaki ang mga mata niya.
Hi-Hindi maaari...kailangan kong pigilan ang puso ko, sa isip niya.
Dahan-dahan na tila nagkunwaring galit si Sahara at umupo siyang nanginginig sa galit. "Ano bang kalokohang ginagawa mo?! Matulog ka na!" Sabay suntok niya ng pagkalakas sa mukha ni Atlas kaya tumilapon ito palayo sa kaniya.
Natatawa naman si Izalem habang tinitignan si Atlas na nakasandig sa pintoan na malapit ng masira dahil sa pagkatapon niya dito nong suntokin ni Sahara.
Napakamot sa ulo si Atlas dahil nahihiya kay Sahara. "Pasensya ka na Sahara..." paghihingi niya ng tawad habang nakapikit ang mga mata.
Dahan-dahan naman na kumalma si Sahara at agad na bumalik sa pagkahiga sabay nilingon niya si Atlas. "Matulog ka na! Maaga pa tayo bukas!" Taas boses niya at dahan-dahan naman na napatango si Atlas tsaka muli ng bumalik sa higaan.
Mas pinili nalang ni Atlas na matulog nalang habang nakatalikod kay Sahara.
Ano bayan, sa tuwing gumagawa ako ng paraan para mapalapit kay Sahara ay lagi namang napupunta sa wala...hays, makatulog na nga lang, sa isip niya at dahan-dahan na niyang ipinikit ang mga mata dahil oras ng matulog.
BINABASA MO ANG
Atlas Volume 1 [The God Shadow]
FantasyAng maging Protector, 'yan ang pina-pangarap ng batang masayahin na si Atlas na nagmula sa nayon ng Atlanya at sakop ng bansang Atlanian. Sa kabila ng pagiging masayahin niya ay isang sugat pa rin sa kaniyang puso ang tanong na kung sino at nasaan n...