Chapter 33

249 34 0
                                    








Chapter 33: Matinding karibal

Lumipas ang ilang oras. Magkasama parin sila Atlas at Suijin, at naglalakad sila ngayon sa mga mabuhanging lupa ng isa sa mga malaking dalampasigan na matatagpuan sa Atlanian.

Pangiti-ngiti pa silang naglalakad, pero biglang kumulo ang tiyan ni Suijin kaya napangiwi siya at nilingon si Atlas. "Napapahanga nga ako sa mga nakikita ko dito sa Atlanian, pero ginutom mo naman ako! May tungkolin ka sa akin diba! Hindi mo man lang ako pinakain, hinayaan mo lang ako maglaway sa mga masasarap na pagkain do'n, huhuhu..." pagsisisi niya kay Atlas.

Dahan-dahan naman tila may mga luha ng nagbabadya sa mga mata ni Atlas habang nakatingin kay Suijin. "Hi-Hindi lang naman ikaw eh...pero ano magagawa ko, wala pa akong pera sa ngayon...sunod-sunod kasi ang mga araw na nakatuon ako sa pagigig Trainee, kaya walang kumukuha sa akin na mga Atlans para ipagtrabaho ako para magkapera..." tila naiiyak narin si Atlas ngunit pinipigilan naman niya.

Natigil naman si Suijin at naging seryoso na. "Yan pala trabaho mo, may tawag diyan eh, ah oo, rakit...nagrarakit ka sa kahit anong trabaho para magkapera...ayos din yan ah..." napangiti pa si Suijin at tumango naman si Atlas habang nakangiti sa labi.




Napapangiti sila habang nililingon ang napakaganda at tahimik na paligid ng dalampasigan, lalo pa't malamig ang simoy ng hangin dito. "Alam mo bang dito ginanap ang una naming pagsasanay, ang Team Believe, kasama ang guro naming si Sir Atom..." saad ni Atlas.

Naging matamis naman ang ngiti ni Suijin nang marinig ang kwento ni Atlas. "Ang sarap siguro mag-aral sa Atlan Academy...sa totoo lang, ayaw ko na talaga tumaas pa ang ranggo ko, gusto ko ordinaryong Gifted lang ako, pero mapilit si lolo eh, kaya susubukan ko nalang, papasok ako sa Atlan Academy..." sabi niya.

"Oo naman pwedeng-pwede, pero tsaka pa lang magbubukas ang pintoan ng Atlan Academy para sa mga bagong Gifted kapag kaming mga kasalukuyan o naunang mga Trainee ay ganap ng mga Guardians, dahil kami mismo ang magiging guro niyo. Gaya namin, naghintay din kami ng ilang taon na maging Guardians ang ngayong mga guro na namin..." tugon ni Atlas para sa kaalaman ni Suijin tungkol sa Atlan Academy.

Mayamaya'y natigil sa paglalakad sila Atlas at Suijin, maging ang paligid nila'y tila nahinto rin nang makita ang isang babaeng parihong nagpapatibok ng puso nila at maging ang mga pisngi nila'y namumula.

Dahan-dahan na napangiti sila Atlas at Suijin. 'Sahara...' sa isip ng dalawa habang nakatingin kay Sahara Hatala na mag-isang nakatayo at tinatanaw ang payapang karagatan.





Naging abot tenga ang ngiti nila Atlas at Suijin habang magkasabay pang tumakbo papunta kay Sahara. Habang tumatakbo ay napapakunot-noo naman si Atlas sa pagtataka niya na tila kilalang-kilala din ni Suijin si Sahara. "Sahara..." sabay na saad ng dalawa kaya napanganga sila habang nilingon ang isa't isa at mas lalong nagtataka si Atlas.

Nang marinig ni Sahara ang pangalan niya ay dahan-dahan siyang humarap. "O, kayo pala...anong meron at magkasama kayo? Matagal na ba kayong magkakilala?" Tanong niya.

Labis ng nagtataka si Atlas kaya nagsalubong na ang mga kilay niya. "Huh? Hindi ah, ngayon ko lang siya nakilala, nagtataka nga ako eh, dahil bakit parang kilala ka nito at parang nakilala mo narin siya..." pagtatakang sagot ni Atlas.

"Ah oo, kaninang madaling araw nakita ko siya sa kalsada, at nakipag-kaibigan siya sa akin...ang kyut niyang bata noh, tapos parang kumikinang ang mga buhok niya dahil sa pagkadilaw, at kagaya mo Atlas ay itim ang mga mata niya..." naka ngiting sambit ni Sahara at dahan-dahan niyang hinahawakan ang matabang pisngi ni Suijin at tila gustong-gusto naman ito ni Suijin.

Atlas Volume 1 [The God Shadow]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon