Chapter 11

344 72 3
                                    






Chapter 11: Ang misteryosong binata

Pagsapit ng gabi. Makikitang nasa hapag-kainan sina Atom, Sahara at Izalem, kasama si Aling Celma na may ari ng bahay na tinutuloyan nila ngayon. Tapos na silang kumain at napag-usapan nila ang tungkol sa nawawalang Gifted Creature na pusa ni Aling Celma na si Araw.

Habang nag-uusap sila, nasa labas naman ng bahay tumambay si Atlas dahil malamig ang mga simoy ng hangin dito at meron namang kahoy na napagsabitan ng ilaw, kaya maliwanag din dito sa labas ng bahay ni Aling Celma.

Mayamaya'y napanganga si Atlas nang nakadama siya ng malakas na enerhiya mula sa paligid na para bang nakatagong nagmamasid sa kaniya. Dahan-dahan na inilibot niya ang tingin sa buong paligid, hanggang sa nakita niyang may tumatalon sa mga kahoyan na parang tumatakbo paalis.



Dali-dali siyang tumakbo at mula dito sa madamong lupa na kinatatayoan niya ay agad siyang tumalon papunta sa mga sanga ng kahoy at agad na tumatalon-talon sa mga sanga para sundan ang nakitang sa palagay niya'y isang lalaki.

Ikinagugulat niya ang nakikitang pambihirang bilis ng lalaki na tumatalon sa mga sanga. "Ang bilis niya, tila sanay na sanay na siya..." sambit niya habang nakatingin sa likod ng lalaking hinahabol.

Bigla siyang napahinto at natawa. "Bakit pala ako tumatakbo?" Natawang tanong niya sa sarili at agad siyang naglaho.

Agad siyang sumulpot sa sanga ng kahoy na medyo may kalayoan sa harap ng lalaking hinahabol at natuklasan na nga niya ang itsura ng lalaki. Ito'y nakasuot ng itim na mga pares ng damit, asul ang mga mata at hindi matukoy kung ano ang itsura ng bibig nito dahil may suot-suot itong puting maskara na nakatakip mula sa ilong, ang pangangatawan nito'y kasing tulad ng guro nilang si Atom, kaya masasabing binata ito o nasa kalagitnaan ng dalawampung taong gulang.




Agad naglabas ng mga tubig si Atlas sa kaniyang mga kamay at inihagis niya ang mga ito sa binata, ngunit dahan-dahan nanlaki ang mga mata niya nang matuklasang humaba't lumaki ang mga braso ng binata at naging kulay puti na parang mga hangin, nagtataglay ang binata ng kapangyarihang Air Hands.

Magkatulad sila ni Sir Atom na may Air Arms, sa isip niya.

Gamit ang malaking palad ng isang Air Arm ay nagawa ng binata na hampasin pabalik kay Atlas ang mga tubig na inahagis niya. Hindi pa nakalapit ang mga tubig ay nagawa ng palibutan ni Atlas ang sarili ng limang klase-klaseng espada na napapalibutan din ng mga tubig, at agad niyang inatake ang mga ito papunta sa binata at tumagos ang mga espada sa mga tubig na ibinalik ng binata.

Halos nanlaki ang mga ng binata dahil sa natuklasan.

Prime Swords...? Sa pagkakaalam ko tanging si Almighty Huwana lamang ang nagtataglay ng ganyang klaseng kapangyarihan...at isang Atlan ang batang ito, hindi siya isang Vaigor, kaya bakit siya magkakaroon ng ganyang kapangyarihan...? Pero 'di bali na, hindi isang tulad niyang bata ang makakasindak sa akin, sa isip ng binata.




Gamit ang dalawang malalaking palad sa Air Arms ng binata ay nabasag niya ang limang mga Prime Swords ni Atlas sa isang kumot lang, kaya napangiti na parang nang-insulto ang binata. "Hindi pa pala masyadong malakas itong mga Prime Swords mo..." tila natawang sambit niya.

Agad naglaho si Atlas at patalon siyang sumulpot sa harap ng binata at balak niyang suntokin ang mukha ng binata, ngunit mabilis nahawakan ng binata ang kamay niya. Agad ding nagkaroon ng maliit na espada ang kabilang kamay niya at isasaksak niya sana ito sa leeg ng binata.

Atlas Volume 1 [The God Shadow]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon