Chapter 27

262 35 0
                                    







Chapter 27: Pag-ibig ni Sinag kay Hamaro

Sa isang maliit na pamilihan sa nayon ng De Oro ay makikitang nakaupo sa gitna ng kalsada si Sahara Hatala habang inalayan parin si Sinag Alvarez na unti-unti ng nagkakamalay. Dahan-dahan ng nagmulat ang mga mata ni Sinag. "Sa-Sahara sundan na natin sila..." nahihirapang tuno ng boses ni Sinag.

"Sigurado ka ba? Sinag kailangan mo munang magpahinga...masyadong marami ang mga enerhiyang nabawas sayo dahil sa paglabas ng Deadly Scream mo kanina..." pag-aalala ni Sahara.

Kahit nanghihina pa si Sinag ay dahan-dahan parin siyang tumayo at nakaalalay naman sa kaniya si Sahara na nasa kaniyang gilid. "Habang tinitigan ako ni Hamaro kanina ay nakikita kong galit na galit siya, na halos wala siya sa sarili niya, na tila may halimaw ang nagmanipula sa kaniya para gawin 'yon...at gusto kong ako yong taong laging nandiyan para sa kaniya..." habang sinasabi ito ni Sinag ay may mga luha ang nagbabadya sa mga mata niya.




Saglit namang natahimik si Sahara sa mga sinabi ni Sinag. Inalala ni Sahara ang kalagayan ngayon ni Sinag, dahil kung mapapalaban pa siya at gagamit na naman ng Deadly Scream ay tiyak na matatagalan siyang gumaling. "Hali ka na Sinag, bumalik na tayo sa Atlanya..." sambit ni Sahara.

Nilingon ni Sinag si Sahara. "Sahara, umibig ka na ba?" Tanong niya at may luha ng pumatak sa kaniya.

Natahimik si Sahara sa naging tanong ni Sinag, ayaw niya sana itong sagotin pero nakita niyang naghihintay ng sagot si Sinag ay napilitan nalang siya. "Ahm...oo, meron na...pero sinabi ko sa sarili ko, hanggat kaya ko pipigilan ko, dahil may nais pa akong tuklasin sa buhay at maging sa sarili ko, at tsaka isa pa, mga bata pa tayo..." sagot ni Sahara.

Napatingala sa mga ulap si Sinag. "Ako naniniwala akong lahat tayo pwedeng mag mahal, lahat tayo'y nangangailangan ng pagmamahal, at lahat tayo ay karapat-dapat na mahalin, maging sino man tayo...at ang katulad ni Hamaro ay ang mas nangangailangan ng pagmamahal at unawa..." saad ni Sinag at sinusubukan niyang ngumiti sa labi.






Sa isang malawak na kalupaan sa nayon ng De Oro ay magkasama sina Atlas Dampasigan at Izalem Elfalco. Kasama din nila si Jericho Rowan na membro ng Team Justice kung saan napabilang sina Sinag Alvarez at Hamaro Rizal na ngayon ay nagdulot ng gulo dito sa nayon ng De Oro.

Lingon ng lingon silang tatlo sa pag-asang mahahanap lang sa paligid si Hamaro. Ngunit ilang saglit pa'y nakadama sila ng napakalas na init na mga enerhiya na nanggagaling sa likod nila. "Ako ba hinahanap niyo?!" Nanlaki ang mga mata nila nang marinig sa likod ang boses ni Hamaro.

Dahan-dahan humarap ang tatlo at pagkaharap nila'y nanlaki ang mga mata nila nang agad silang hinagisan ng mga apoy ni Hamaro kaya napatalon sila patalikod para makaiwas.

"Hamaro pakiusap itigil mo na 'to...hindi mo ito gawain..." sambit ni Jerico.

Napangiti lang sa labi si Hamaro. "Pwes, simula ngayon masanay na kayo!" Pagtataas boses niya.




Agad nag-atake ng mga apoy si Hamaro, pero mabilis naman naglaho si Atlas kaya nakaiwas siya, ngunit sina Izalem at Jericho ay hindi nakaiwas at nasasakal ang mga leeg nila sa mga apoy na minanipula ni Hamaro upang palibotan ang kanilang mga leeg.

"Aaaahhhhh..." sigaw nila Izalem at Jericho sa subrang init at hapdi na ng mga leeg nila.

Walang kung ano-ano ay bigla nalang sumulpot si Atlas sa itaas ni Hamaro at agad niyang sinipa ng pagkalakas ang ulo ni Hamaro, sandaling napangiwi si Hamaro dahil nadama niya ang sakit sa ulo, ngunit mabilis na niyang hinawakan ng pagkahigpit ang paa ni Atlas at itinapon niya ito ng papunta sa mga kahoyan.

Atlas Volume 1 [The God Shadow]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon