Chapter 15: Hamon kay Sahara
Dahan-dahan na tumayo ang lalaking Fire Gifted at binabalak niyang sundan si Sahara para makuha ang pusang si Araw, pero agad siyang napigilan ni Atlas. Naghagis si Atlas ng mga tubig sa mga paa ng lalaki, kaya mahihirapan na itong makatakbo dahil sa pagkapit ng mga tubig.
"Hindi mo na sila masusundan, dahil dito na ang kataposan mo!" Sambit ni Atlas at mabilis siyang tumakbo palapit sa lalaki, pagkalapit niya ay agad niyang sinuntok ang mukha nito at kahit tumilapon pa ang lalaki ay muli pa rin siyang lumapit at walang tigil na pinagsusuntok ang mukha at tiyan nito.
Habang sina Izalem at ang lalaking Air Gifted naman ay may sarili ding laban gamit lang ang mga kamay at paa. Tumigil si Izalem at napakagat-labi siya. "Napipikon na ako sa 'yo!" Pagtataas boses niya habang mas lalong humihigpit ang pagkuyom ng mga kamao.
Agad na inilahad ni Izalem ang mga kamay niya sa lupang kinatatayoan ng lalaking Air Gifted, kaya biglang sumulpot sa harap at likod ng lalaki ang dalawang malalaking pader na gawa sa mga lupa at agad-agad na inipit ng dalawang pader na ito ang lalaki, walang kawala ang lalaki at nanlaki nalang ang mga mata niya.
Gamit ang pagmanipula ng mga kamay ni Izalem ay mas lalo niyang dinidiin ang pagkaipit ng lalaki sa dalawang pader. "Ahhhhhhhh..." pagsisigaw ng lalaki dahil tila sasabog na ang katawan niya sa pagkaipit.
Agad na nilapitan ni Izalem ang lupang pader kung saan nasa loob ang lalaking kalaban at sinuntok niya ang gitna ng pader kaya bumagsak ito sa lupa at bigla nalang may mga dugo pa na nagmula sa loob ang tumalsik.
"Para ka ng daga na napisa..." sambit ni Izalem.
Tumakbo na si Izalem papunta sa dalawang lalaking Water Gifted na pinagtutulongan ang guro nilang si Atom na hindi pa rin nakakilos. Agad na tumalon si Izalem at pagkababa niya malapit sa kinatatayoan ng dalawang kalaban ay agad niyang sinuntok ng pagkalakas ang lupa, kaya bumukas ito at nahulog ang dalawa.
Ngumiti si Atom kay Izalem dahil sa pasalamat niya nang malaya na ang mga Air Arms niya mula sa hawak ng mga Water Arms ng kalaban, at nakakagalaw na rin siya ng maayos dahil wala ng mga tubig sa katawan niya. Nilingon niya ang nahukay na lupa kung saan nahulog ang dalawang kalaban at inihersisyo niya muna ang kaniyang leeg.
Agad na siyang tumakbo. "Tapos kayo ngayon!" Sigaw niya at bigla siyang tumalon paitaas, at mula dito sa itaas ay nakita niya ang dalawang kalaban na nahulog sa lupang sinuntok ni Izalem.
Dahil may kahabaan ang mga Air Arms ni Atom ay umabot nga ito sa ibaba kung saan nakaparoon ang dalawa at agad niya pinagsusuntok sa mga malalaki niyang kamo ang mga ulo ng dalawa, kaya may mga dugo ang kumatag sa mga lupa, maging sa mga kamao niya.
Bumaba na siya at bumalik na rin sa dati ang mga kamay niya at tinabihan siya ni Izalem sabay nilingon nila si Atlas na tila wala ng balak tigilan ang lalaking Fire Gifted. Maraming beses ng pinagsusuntok at sinisipa ni Atlas ang iba't ibang bahagi ng katawan ng lalaki, lalo na sa mukha na sugat-sugat na.
Hanggang sa saglit na huminto si Atlas. "Ito na ang huli at pinakamalakas kong suntok na matatanggap mo mula sa akin!" Pagkatapos niya itong sabihin ay pinalibutan niya ng mga tubig ang kaniyang mga kamao at agad na nilapitan ang tumilapon pang kalaban.
BINABASA MO ANG
Atlas Volume 1 [The God Shadow]
FantasyAng maging Protector, 'yan ang pina-pangarap ng batang masayahin na si Atlas na nagmula sa nayon ng Atlanya at sakop ng bansang Atlanian. Sa kabila ng pagiging masayahin niya ay isang sugat pa rin sa kaniyang puso ang tanong na kung sino at nasaan n...