Chapter 20: Ang kataposan ng mga Lathor
Nagpapatuloy ang tensyon sa loob ng mansyon ng mga Lathor, ito'y dahil ang pinuno nilang si Tago ay bigla nalang sinuntok ng pinagkakatiwalaan niyang si Lawin, at narinig nila na pinatay ang ama ni Lawin at ang tinuturo nitong pumatay ay si Tago.
Biglang sumulpot si Atom sa likod ng tatlo niyang tatlo habang buhat-buhat niya ang pusang si Araw. Binalot ng katahimikan ang loob at ang lahat ngayon ay nakatuon ang tingin sa kanila Lawin at Tago.
Hawak-hawak pa rin ng mahigpit ni Lawin ang telang damit sa bandang dibdib ni Tago at inilalapit niya ang mukha nitong natatakot sa mukha niyang galit na galit. Ang asul na bilog sa gitna ng mga mata ni Lawin ay biglang nawala at agad napalitan ng hugis dyamante na kulay puti, ginamit niya ang kakayahan niyang Mind Eye.
"Sabihin mo sa akin ang buong katotohanan! At huwag mo ng subukan pang mag sinungaling, dahil nababasa ko ang isip mo!" Pagtataas boses ni Lawin kay Tago.
Halos hindi magawang titigan ng matagal ni Tago si Lawin dahil sa mga mata nitong nanlilisik, nahihirapan pa siyang magsalita dahil nauunahan siya ng kaba at nanginginig ang mga katawan niya, pero dahil nag Mind Eye na si Lawin ay wala na siyang kawala pa. "Oo! Ako! Ako ang pumatay sa iyong ama!" Pasigaw na sagot niya.
Nang marinig 'yon ni Lawin ay tila tumigil ang kaniyang mundo na parang hindi siya makapaniwala, at hindi niya napigilan ang pagpatak ng mga luha. "Bakit?! Bakit mo nagawa 'yon?! Buong buhay ko, wala akong ibang sinisisi kundi si Atom! Pero 'yon pala, ikaw palang hayop ka! Sinira mo ang buhay namin! Ngayon, mamamatay ka sa mga kamay ko!"
Dahil sa subrang galit ni Lawin ay mas lalo siyang lumakas at napapalibutan siya ng mas maraming bilang ng mga hangin, sa subrang lakas ng mga enerhiyang hangin na lumalabas sa kaniya ay nanliliparan ang ilang mga gamit sa loob.
Ngayong lumabas na ang katotohanan ay nais na rin ni Tago na wala ng lihim pang itago at ibunyag na niya ang lahat. "Dahil ikaw ang nakikita kong karapat-dapat! Ilang ulit akong nagpabalik-balik sa Atlanya at nakikita ko sa 'yo ang nakatagong lakas, kaya alam kong pagdating ng araw, mas magiging malakas ka pa sa lahat...ang kailangan ko lang ay maipayag kitang sumama sa akin, at para mangyari 'yon ay pinatay ko ang iyong ama gamit ang anyo ng kaibigan mo.
"Dahil do'n ay nailabas mo nga ang buo mong lakas at kinasusuklaman mo pa ang iyong kaibigan, kaya mas naging matimbang ang dahilan mong iwanan ang Atlanya at sumama sa akin...o 'di ba ang talino ko..." nakuha pang tumawa ni Tago pero halata namang kabado.
Ang lahat ay nagulat sa mga rebelasyon ni Tago, hindi sila makapaniwala na may malalalim palang tinatago ang tinuturing pinuno ng mga Lathor. Maging ang tatlong bata sa Team Believe ay napanganga dahil ngayon lang nila nalaman na konektado pala ang guro nilang si Atom kina Tago at Lawin.
Nilingon ni Atlas si Atom na nasa likod nila.
Kaya pala nong sinabi ni Aling Celma na mga Lathor ang kumuha kay Araw ay naging tahimik na si Sir Atom, marahil ay naiiisip niyang makaharap na niya ang dalawang tao sa nakaraan niya...Sir Atom, hindi ko alam na sa kabila ng pagkamasayahin mo, matagal na palang nadudurog ang puso mo, sa isip ni Atlas.
"Pero bakit ako?! Ang dami pa namang mas malakas sa akin diyan! Pagsisihan mo ang lahat ng ginawa mo! Ibabalik ko ang lahat ng sakit sa 'yooo!!" Bumubuhos man ang mga luha ni Lawin ay nangingibabaw pa rin ang galit niya.
BINABASA MO ANG
Atlas Volume 1 [The God Shadow]
FantasiaAng maging Protector, 'yan ang pina-pangarap ng batang masayahin na si Atlas na nagmula sa nayon ng Atlanya at sakop ng bansang Atlanian. Sa kabila ng pagiging masayahin niya ay isang sugat pa rin sa kaniyang puso ang tanong na kung sino at nasaan n...