Chapter 23

271 42 0
                                    







Chapter 23: Pagsasanay nila Atlas at Araw

Makikitang nakatayo sa loob Protector's Office ang Team Believe na sina Atlas Dampasigan, Sahara Hatala, Izalem Elfalco at ang guro nilang si Atom Dagathan, kausap nila ngayon ang nakaupo sa harapan na si Protector Nayde Alanta, ang Ika-lawa at kasalukuyang Protector ng Atlanian.

May mga documentong nakalapag sa lamesa ni Protector Nayde, kadalasan sa mga documentong ito ay mga kahilingan ng mga taong-bayan para sa ikaganda ng bansang Atlanian, at sa sariling mga pangangailangan, tulad ng kung nais nilang magpatayo ng mga gusali, magdagdag ng mga bagay, magpatayo ng mga negosyo at kung ano-ano pa ay kailangan munang humingi ng pahintulot mula sa Protector. Kung pumapayag ang Protector sa kung ano man ang nakasulat sa mga documento ay isang perma lang niya ang kailangan.



"Anong nalaman ninyong kapangyarihang taglay ni Araw?" Tanong ni Protector Nayde.

Napaangat naman ng tingin si Atom. "Sabi po ni Aling Celma sa oras daw na gagamitin ni Araw ang kapangyarihan niya ay magkakaroon siya ng dalawang buntot, at ang dalawa niyang buntot ay lilikha ng napakakulay dilaw na bola na maihahantulad sa Lightning Ball ni Bathalang Hulyo, at kung sinong matatamaan nito ay makukuryente..." sagot ni Atom.

Dahil sa mga sinabi ni Atom ay napanganga si Protector Nayde. "Ngayon pa lang ako nakarinig ng ganiyang klaseng kapangyarihan...kung hindi ako nagkakamali, isa nga sigurong Light Gifted ang pusang 'yan..." halata ang pagkagulat ni Protector Nayde sa tuno palang ng boses nito.

"Light Gifted po...?" Tanong ni Atlas.




Napakunot-noo si Protector Nayde. "Maging ako'y nagulat din, dahil ang Light Element ay tanging kay Bathalang Hulyo lamang, at wala ni-isang tao ang pinagkalooban niya ng Light Element, hindi tulad sa dalawa niyang kapatid na sina Almighty Huwana at Almighty El Hablo na ipinagkaloob nila sa mga tao ang mga kapangyarihan ng Elemento nila..." labis na pagtataka ni Protector Nayde.

"Baka po isa ito sa mga naiisip ni Bathalang Hulyo na makakabuti hindi lang sa bansa natin kundi sa buong Paraiso, dahil alam naman natin na ang Light Element ang pinaka-makapangyarihang Elemento, kaya kapag may mga Light Gifted ay mas magiging ligtas tayo..." saad naman ni Atom at napatingala siya sa mga ulap na makikita sa salaming mga bintana na nasa likod ni Protector Nayde.

Naging mas seryoso ang dating ni Protector Nayde. "Atlas, Sahara at Izalem, lumabas muna kayo, may mahalaga lang kaming pag-uusapan ni Atom..." tugod niya at nagyuko muna ng ulo ang tatlo bago lumabas.




Napansin ni Atom na parang may malalim na iniisip si Protector Nayde. "Tagapagtanggol Nayde, kung hindi po ako nagkakamali, ay mukhang pariho lang po tayo ng iniisip, na isa na itong babala mula kay Bathalang Hulyo..." mababang tuno ng boses ni Atom.

Napaangat naman ng tingin si Protector Nayde. "Tama ka, kasi ito ang unang pagkakataon na nagpakaloob ng kapangyarihan si Bathalang Hulyo mula sa Elemento niyang Light Element. Baka may nakita na naman siyang parating na malaking pagsubok, o 'di kaya'y digmaan..." hindi maiwasang mag-alala ni Protector Nayde.

Napabuntong hininga ng malalim si Atom. "Noong ipinagkaloob sa atin ni Bathalang Hulyo si Atlas ay naganap ang unang digmaan sa kasaysayan ng Paraiso. Kaya baka po...huwag naman sana..." napalunok nalang si Atom at natahimik.

Atlas Volume 1 [The God Shadow]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon