Chapter 24

267 42 0
                                    






Chapter 24: Lightning Ball laban sa Water Ball


Nakahanda na si Atlas Dampasigan para sanayin ang pusang si Araw sa pakipaglaban upang magamit nito ng pangmatagalan ang mga kapangyarihang mula sa Light Element o elementong liwanag. Hindi ito ginusto ni Atlas dahil ayaw niyang saktan si Araw o kahit sino man sa mga pusa, pero alam niyang nakakabuti ito para kay Araw.

Agad na inilahad ni Atlas ang kaniyang mga kamay kay Araw, kaya naman inatake ngayon si Araw sa limang mga klase-klaseng espada o mga Prime Swords ni Atlas. Pagkalapit ng mga espada ay agad na tumalon patalikod si Araw at mabilis na naglaho.

Sumulpot ang pusang si Araw sa likod ni Atlas at mabilis na hinawakan ni Araw ang tela ng damit sa likod Atlas, sa subrang tulis at haba ng mga kuko ni Araw ay malakas ang kapit ng mga ito, at agad na hinila ni Araw si Atlas kaya bumagsak ito ng pagkalakas sa lupa.

Napapangiwi si Atlas dahil sa sakit ng kaniyang likod, pero habang nakahiga siya ay ikinikilos pa rin niya ang isa niyang kamay para manipulahin ang mga tubig na nasa ilalim ng mga lupang kinatatayoan ni Araw, at mabillis na inangat ni Atlas ang isa niyang kamay, kaya napalabas niya ang mga tubig na nasa ilalim ng lupa at mabilis na kumapit ang mga tubig sa mga kamay at paa ni Araw, kaya nahihirapan na ito sa pagkilos.




Dahan-dahan na tumayo si Atlas at agad niyang hinagisan ng mga tubig si Araw kaya tumilapon ito. Kahit na nahihirapan si Araw ay dahan-dahan parin siyang tumayo at bakas na ang galit sa mukha niya. "Rrrrrrrrrrr..." lalong nanginginig sa galit si Araw.

Ilang saglit pa'y muli ng sinimulan ni Araw ang tumakbo papunta kay Atlas, habang si Atlas nama'y naglalabas ng mga tubig sa mga kamay at walang tigil niyang pinaghahagisan ng mga tubig si Araw, at mabilisan namang umiiwas si Araw sa mga tubig.

Mayamaya'y tila nagsawa na sa kakatakbo at kakaiwas si Araw, kaya agad siyang naglaho at sumulpot sa harap ni Atlas, nanlaki ang mga mata ni Atlas habang ang mga kamao niya'y nakakuyom, ipinikit muna ni Atlas ang kaniyang mga mata upang hindi makita ang gagawin, at agad na niyang sinuntok ng pagkalakas ang mukha ni Araw, kaya muli itong tumilapon.



Hindi naman maiwasang mapanganga ang mga kasamahan ni Atlas na nanunuod sa gilid. "Ngayon pa lang ako nakakita ng hayop na may Elemento, kaya napapahanga ako..." sambit ni Izalem Elfalco.

"Ako medyo marami na rin, pero halos lahat ay mga Water Gifted, Air Gifted at Land Gifted...ngayon pa lang ako nakakita ng Light Gifted..." saad naman ni Sahara Hatala.

"Pwede mamana ang Elemento, kaya kapag magkaroon ng anak si Araw ay maaaring may Light Gifted. Gawin kayang mag-asawa ni Atlas ang pusa niyang si Minggay at Araw..." sabay tawa ni Atom Dagathan.

Kunot-noong nilingon ni Sahara si Atom. "Sir Atom, pwede din po ba magkaroon ng mga kapangyarihan mula sa Elemento ang mga hayop kung bibigyan o pagkalooban sila ng mga taong Gifted?" Tanong ni Sahara.

Nilingon naman siya ni Atom. "Oo, gaya lang sa ating mga tao. Maraming paraan para ang mga ordinaryong tao ay maaaring magkaroon ng mga kapangyarihan mula sa isang Elemento, isa nga don kung pagkakalooban sila ng isang Gifted...ikaw Sahara, kung bibigyan ka ng pagkakataon, anong Elemento ang gusto mo?" May ngiti sa mukha ni Atom habang nagtanong.

Napaisip naman saglit si Sahara. "Hmmm...elementong hangin po..." nakangiting sagot ni Sahara.

Napanganga naman si Atom at dahan-dahan niyang ningitian si Sahara, tsaka muli nilang ibinaling ang mga tingin sa kanila Atlas at Araw.

Atlas Volume 1 [The God Shadow]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon