Chapter 45

235 32 29
                                    







Chapter 45: Espesyal na Misyon


Sa isang palaroan ay makikita sila Atlas Dampasigan at Suijin Waluna na nakatayo't nakaharap sa isa't isa. Inabot ni Atlas ang isang kulay asul na pulseras. "Nakabalik na ako dito, kaya ibabalik ko na rin ito sa 'yo Suijin...sasabihin ko sa 'yo na hindi naman ako nahirapan sa misyon namin, malakas kaya ako..." nakangiting sambit ni Atlas.

Dahan-dahan itong tinanggap ni Suijin. "Alam ko naman 'yan, kaya nga ikaw ang napili kong maging karibal eh, kasi gusto kong lumakas, kaya gagawin ko ang lahat upang malampasan ka..." sabay nag-angat ng isang nakakuyom na kamao si Suijin at abot tenga ang ngiti niyang tinitigan si Atlas.

Dahan-dahan naman na inilapit ni Atlas ang nakakuyom niyang kamao kay Suijin. Napakunot-noo naman si Suijin. "Huh? Ano 'yan? Huwag mong sabihing susuntokin mo ako...?" Pagtatakang tanong ni Suijin habang nakatingin sa kamao ni Atlas.

"Idapo mo sa kamao ko ang iyong kamao, parang nagka-apiran...ganito ang ginagawa ko sa mga kaibigan ko at mahahalagang tao para sa akin..." naging matamis ang ngiti sa mukha ni Atlas.

Dahil sa mga sinabi ni Atlas ay napanganga si Suijin dahil tinuturi pala siya nitong mahalaga na sa kaniyang buhay.

Kuya Atlas, bukas talaga ang puso mo sa kahit kanino, sa isip ni Suijin.

Napangiti si Suijin habang dahan-dahan na inilapit ang nakakuyom niyang kamao sa kamao ni Atlas na nasa harap niya, pagkadapo ng mga kamao nila ay naging abot tenga ang mga ngiti nila.




Pagkatapos ng ginawa nila'y inakbayan ni Atlas si Suijin. "Tsa nga pala Suijin, tungkol sa Atlan Academy, matagal pa 'yon magbubukas  eh, kaya habaan mo muna pasensya mo sa paghintay..." sambit ni Atlas.

"Oo naman, diba matagal din kayong naghintay, kaya maghihintay din kami...at hanggat hindi nagbubukas ang Atlan Academy paghahandaan ko ito, magpapalakas ako, upang mas malaki ang pag-asa kong makapasok...dahil ako ang susunod sa yapak mo...sa totoo'y wala naman akong balak maging Protector, pero dahil pangarap mo 'yon, kaya papangarapin ko na rin, magkaribal nga kasi tayo sa lahat..." sabay kumindat si Suijin kay Atlas.

"Ikaw talaga...huwag kang mag-alala tutuparin ko ang pangako sa 'yo, sasanayin kita at ituturo ko sa 'yo ang lahat ng mga nalalaman ko..." natawa sa tuwa si Atlas habang ginugulo ang mga buhok ni Suijin.

Napangiti naman si Suijin, pero ilang saglit pa'y kumunot ang noo niya. "Pero sigurado ka bang marami kang alam...may mga nagsasabi kasing talonan ka daw dati..." sabay tawa ni Suijin.

Agad naman ikinaasar yon ni Atlas. "Anong sabi mo?! Bawiin mo 'yon!" Sabay kinatok niya ang ulo ni Suijin kaya napakamot ito sa ulo.







Paglipas ng ilang oras. Tanghali na ng tapat, kaya makikita ngayon sa loob ng bahay si Atlas at nakangiting kumakain muli sa paborito niyang pansit kanton. Mayamaya'y may biglang kumatok sa kaniyang pintoan. "Pasok..." sagot niya habang ngumu-nguya.

Bumukas ang pintoan at bumungad sa kaniya si Suijin na may hawak ng isang plato. "Kuya Atlas, may dala akong ulam para sa 'yo..." nakangiting sambit ni Suijin at umupo siya sa tabi ni Atlas tsaka nilapag sa lamisa ang platong may laman ng lutong isda.

Napapangiwi naman si Atlas at bahagya pang napa-atras ang mukha niya. "I-Isda...pa-pasensiya ka na Suijin, ayaw ko man tanggihan ka, pero parang ganun na nga, ayaw ko kasing kumain ng mga hayop na ulam, lalo na ang mga isda...nakakaawa kasi..." nakabusangot na mukha ni Atlas.

Atlas Volume 1 [The God Shadow]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon