Chapter 1

1.3K 167 14
                                    







Chapter 1: Atlas Dampasigan


Sa malaking nayon ng Atlanya ay dahan-dahan ng nagpakita ang isang maliwanag na araw. Sa isang maliit pero malinis na kwarto ay may isang pusa na ang kulay ay puti, may kunting kahel at itim. Ang pusa ay naglalakad sa sahig at agad na tumalon papunta sa hindi kalakihang kama, siya'y nakaramdam na ng gutom kaya nag-iingay siya para lang magising ang amo at maging ang pagkuhit nito'y ginawa na niya.

Hindi nagtagal ay nagising na ang bata niyang amo. Siya ang batang si Atlas Dampasigan. Ngumi-ngiti si Atlas habang tila minamasahi ang ulo ng alagang pusa at gustong-gusto naman ito ng pusa, pero bigla nalang nitong kinagat ang daliri niya.

"Aray, sakit no'n Minggay ah..." halos mapangiwi siya dahil sa sakit ng pagkagat ng pusa na si Minggay at bakas pa sa daliri niya ang kagat nito.

Imbis na mainis ay natawa lang siya habang niyayakap ng mahigpit ang pusa, pero napahinto siya nang mapansin ang sikat ng araw sa kaharap na dinging, dahil mas gusto niyang nakabukas ang mga bintana kaya naman pumapasok ang sikat ng araw.



Agad siyang bumangon at hindi na tinupi ang kumot. Ang tanging makikita lang sa kwarto niya ay ang kaniyang kama, maliit na gabinete na naglalaman ng kaunti niyang mga damit at iisang litrato na nakadikit sa kulay puti na mga dingding, ang litrato na ito ay ang symbolo ng Elementong Tubig at ibinigay lang ito sa kaniya ng isa sa mga kaibigan niya.

Sumabay ang pusang si Minggay sa paglabas ni Atlas sa kaniyang kwarto. "Magandang umaga..." abot tenga ang ngiti niyang bumati, pero unti-unting nawala ang ngiti niya sa mukha at napalitan ito ng lungkot nang maalalang ang alagang si Minggay lang pala ang kasama-sama lagi sa bahay.

Kung gaano kawalang laman ang kaniyang kwarto ay mas lalo na ang buo niyang bahay, maging ang lamisa niya ay maliit at kasya lang para sa dalawang tao, at wala na rin siyang oras magluto ng mga masasarap na pagkain.

Agad namang bumalik ang abot tenga niyang ngiti. "Isa na namang magandang umaga, kaya dapat maging masaya..." sabi niya habang inilibot ang tingin sa silid ng bahay at naging masaya siya nang makitang nakahain sa lamisa ang paborito niyang pagkain, ang pansit kanton.

Dali-dali niya itong nilapitan at agad na umupo, napapangiti siya habang natatakam na sa pansit kanton na halatang bagong luto dahil mainit-init pa at walang salita-salita ay agad na niya itong kinain.

Habang ngumu-nguya siya ay laman naman sa kaniyang isip ang pagpasasalamat sa kaibigan niyang si Haliya Salamanca at sa mga magulang nitong sina Hernan at Lena, isa lang sila sa mga tumutulong kay Atlas. Ang kwartong bahay na ito na isa sa mga paupahan nila ay malaya nilang ibinigay kay Atlas at kung minsan ay binibigyan nila ng makakain.

Lubos ang pasasalamat ni Atlas dahil isang bahagi na ng pamilya ang turi nila sa kaniya, at isa din sila sa mga nagsabi sa kaniya na wala ng nakakaalam kung nasaan na ang mga magulang niya lalo pa't kasabay ng pagkasilang niya ay naganap ang unang digmaan sa kasaysayan ng Paraiso.




Pagkatapos niyang kumain at pakainin ang alagang pusa ay pumasok na siya sa banyo para maligo. Dahan-dahan niya binuksan ang gripo pero napabuntong-hininga nalang siya dahil hanggang ngayon ay wala paring tubig at kasalukuyang inaayos pa ang problemang ito ng mga tao sa Atlanya, pero sa kabila nito ay nakuha pa rin niyang ngumiti.

Atlas Volume 1 [The God Shadow]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon