Chapter 26

257 36 0
                                    







Chapter 26: Labanan si Hamaro


Merong nayon na hindi masyadong kalayoan sa pangunahing nayon na Atlanya, at ito ay ang nayon ng De Oro. Ngunit ngayong araw na ito ay binulabog ang katahimikan ng nayon at ang mga tao ay nagkagulo.

Maraming mga tao ang natataranta habang nagsisigawan at nagtatakbohan, ang ilan ay bumalik sa mga kanya-kanyang bahay, ang iba nama'y nagtatago sa loob ng mga gusali at tindahan.

Bakas ang takot sa mga taong nandito ngayon sa maliit na merkado ng nayong De Oro. "Tulong...tulongan ninyo kami..." sigawan ng mga ordinaryong Atlans.

Ang nayon ng De Oro ay isa sa mga baryo ng Atlanian na walang masyadong mga Gifted, karamihan sa kanila ay mga ordinaryong Atlans lang. Kaya ganito nalang ang takot nila dahil isang napakalakas na Gifted ang nanggugulo ngayon sa nayon nila.

Ang kinatatakotan nila ay isang Fire Gifted na batang lalaki, si Hamaro Rizal. Siya ay nasa ranggo ng Trainee sa Atlanian at napabilang sa koponan ng Team Justice. Kahit saang lugar ay nagtatapon ng mga apoy si Hamaro, na naging dahilan ng mga sunog sa nayon.




Nanlalaki ang mga mata ng mga tao sa tuwing nakikita si Hamaro na napapalibutan ng mga nag-aalab na apoy ang buong katawan, maging ang itim niyang mga mata ay unti-unting naging pula na parang mga apoy.

Nanlilisik ang mga mata ni Hamaro habang naglalakad sa gitna ng kalsada na wala ng masyadong tao dahil nagtatago. Ilang saglit pa'y tumigil sa kakalakad si Hamaro at unti-unti siyang lumulutang paitaas dahil sa mga apoy na nakapalibot sa kaniyang katawan.

Laking gulat ng mga taong nagtatago sa loob ng mga gusali nang makitang tila nagsilbing mga pakpak ni Hamaro ang nag-aalab niyang mga apoy, dahil nakalutang siya ngayon. Binalot ng takot ang mga taong nasa loob ng isang gusali nang lingonin sila ni Hamaro at agad itong nag-atake ng mga apoy papunta sa gusaling pinagtatagoan nila.

"Ahhhhhhhh...lumabas na tayo...bilis..." sigawan ng mga taong nasa loob ng gusali at dali-dali silang tumakbo palabas, pero sa subrang dami nila ay hindi nga nila naiwasan ang magbanggaan at nagkasakitan na, dahil nagpaunahang makalabas.

May mga ilan naman sa kanila ang umiyak nalang at hindi na sinusubukan pang lumabas sa gusali dahil nawawalan na sila ng pag-asa, sa subrang dami ba naman nila dito sa loob at meron lamang isang pintoan palabas, kaya nagtutulakan na.

"Mu-Mukhang dito na magtatapos ang mga buhay natinnnn..." sigawan ng mga tao na may nahihirapang tuno ng boses dahil sa panginginig ng mga katawan nila nang makitang nasa labas na nga ng gusaling ito nag-aabang si Hamaro.





Mula sa mga palad ni Hamaro ay agad siyang naghagis ng mga apoy sa gusali at sa subrang lakas ng mga apoy ay mabilis itong kumalat sa buomg paligid, maging ang mga katabing tindahan ay agad nadamay sa sunog, kaya naman may mga tao ang hindi nakaligtas sa sunog at unti-unting binawian ng mga buhay.

Nilingon ni Hamaro ang mga taong nakalabas ng buhay sa gusali at binabalot parin ng takot. "Nasaan si Silva?!" Pagalit na tanong ni Hamaro sa mga tao na nanginginig ang buong katawan dahil sa takot, ang iba naman sa kanila ay dahan-dahan napailang-ilang ng ulo dahil wala silang alam sa hinahanap niyang si Silva.

Dahil may mga tao parin ang hindi napipigilang sumigaw ay nagsasalubong ang mga kilay ni Hamaro sa subrang galit niya sa pag-iingay nila. "Ang iingay ninyo! Tumahimik kayo!!" Sigaw niya sa mga tao.

Atlas Volume 1 [The God Shadow]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon