Chapter 47

294 37 24
                                    







Chapter 47: Mga bagong Warriors ng Atlanian


Lumipas ang ilang oras. Muling nagtipon-tipon ang lahat ng labing walong mga bata sa malawak na espasyo ng kagubatan at tinapon nila sa gitna ang lahat ng mga Success Rocks na nahanap nila.

"Limangpu pa pala ang nahanap natin...marami pang kulang, higit sa isang daan ang kailangan natin..." sambit ni Cecilia Carelo habang nakatingin sa mga Success Rocks.

Napakamot naman sa ulo si Juan Luna. "Naku, mukhang aabotan tayo dito ng gabi..." saad niya.

Mayamaya ay laking gulat nila nang bigla nalang may dambuhalang ahas na mala halimaw sa laki ang sumulpot sa kanilang harapan, kaya lahat sila'y napatayo na nanlalaki ang mga mata, habang ang iba naman sa kanila ay napahakbang ng paatras dahil sa gulat at kaba.

Agad na umikot ang ahas at mabilis nitong ginamit ang mahaba't malaki niyang buntot upang hampasin ang mga bata, hindi naman nakaiwas ang mga bata kaya lahat sila'y tumilapon sa iba't ibang dereksyon.

Sa subrang lakas ng pagkatama sa mga bata ay marami sa kanila ang unti-unting nawalan ng malay habang nakahiga sa lupa lalo pa't ang iba sa kanila ay tumama ang ulo sa mga malalaking puno ng kahoy. Mayamaya'y dahan-dahan na bumabangon si Atlas Dampasigan at napanganga siya nang makitang nahihirapan ang iba sa mga kasama niya.




Dahan-dahan na tumayo si Atlas at nilapitan niya si Sahara Hatala na nakahiga sa lupa at hinahawakan niya ito na parang ginigising. "Sahara...Sahara..." kahit anong pilit ni Atlas ay hindi pa rin nagkakamalay si Sahara at may sugat pa sa noo nito dahil sa pagkatama sa puno ng kahoy.

Napalingon si Atlas nang makitang may ilan sa mga kasamahan niya ang dahan-dahan na bumabangon kahit pa nahihirapan at napapangiwi. Unang nakatayo ay si Cecilia Carelo na napahawak pa sa kaniyang braso, nakita naman ni Cecilia na dahan-dahan din tumatayo ang malapit niyang kaibigan na si Mara Molina, kaya nilapitan niya ito at inakbayan upang maalalayan niya.

Nakatayo na rin si Hamaro Rizal at ang nasa malapit sa kaniya na si Izalem Elfalco ay dahan-dahan ng bumabangon, nilingon ni Hamaro si Izalem at mayamaya'y dahan-dahan na inabot ni Hamaro ang kaniyang kamay kay Izalem na nakaupo. Napanganga naman si Izalem dahil hindi niya inakalang tutulongan siya ni Hamaro.

Agad ng hinawakan ni Izalem ang kamay ni Hamaro at hinila siya nito upang matulongan siya na tumayo. "Salamat, Hamaro..." pasalamat ni Izalem habang nakangiti sa labi, ngunit hindi sumugat si Hamaro at dahan-dahan lang iniwas ang tingin kay Izalem.

Magkasabay naman na namulat ang mga mata nila Juan Luna at August Mendez, at dahan-dahan silang tumayo, ngunit tumigil muna si Juan at agad niyang inakbayan si August upang matulongan ito at sabay silang dalawa na tumayo. Maingat namang ipinasandig ni Atlas si Sahara na wala paring malay sa ilalim ng kahoy, at tsaka niya nilapitan sila Juan at August.




Agad na hinarap ni Atlas ang dambuhalang ahas. "Taena talaga! Bakit ba ang hilig-hilig sumulpot ng mga ahas?! Humanda ka sa amin! Pagbabayaran mo ang ginawa mo!" Nangangalit na sambit ni Atlas habang nakipagtitigan sa ahas.

Dahan-dahan na umabante si Juan kaya napanganga si Atlas dahil parang nakahandang lumaban si Juan. Mayamaya'y ipinakita ni Juan ang isa niyang kamay at dalawang daliri lang nito ang nakatayo. "Sizeng! B-Dimension!" Pagkatapos nitong sabihin ni Juan ay unti-unting lumalaki ang sukat ng katawan niya, hanggang sa naging kasing higante na niya ang ahas.

Atlas Volume 1 [The God Shadow]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon