Chapter 31: Ang bagong magkaribal
Sa gitna ng kalsada ay makikitang mag-isang naglalakad ang batang si Suijin Waluna dahil nais parin niyang ipagpatuloy ang paglilibut sa nayon ng Atlanya. "Kaakit-akit siya at ang ganda-ganda pa ng pangalan niya...Sahara...paglaki ko papakasalan ko siya..." napapangiti siya sa tuwa sa tuwing maiisip si Sahara.
Pero mamaya'y napakamot nalang siya sa ulo nang may naalala. "Naku, baka hinahanap na ako ni Lolo...napahaba na ang oras ko sa paglilibot...kailangan ko ng bumalik..." pagkatapos niya itong sabihin ay dali-dali siyang tumakbo.
Sa hindi kalayoan ay makikita namang mabilis na tumatakbo ang labing dalawang taong gulang na si Atlas Dampasigan. "Naku malalagot na naman ako sa kanila, huli na naman ako sa usapang magkita-kita sa palaroan...lagi na lang talaga akong nahuhuli..." natatarantang sabi niya habang tuloy-tuloy sa pagtatakbo.
Sa subrang bilis tumakbo nila Atlas at Suijin ay hindi nila namalayang sasalubong sila sa isa't isa. Nanlaki nalang ang mga mata nila nang nagkabanggaan sila at dahil sa bilis nilang tumakbo ay malakas ang pagkabangga nila, kaya tumilapon sila patalikod at bumagsak sa kalsada.
Napapangiwi sila Atlas at Suijin. "Arayyy..." pariho silang dalawa na napahawak sa bewang at dahan-dahan na hinihila ang sariling katawan upang makaupo.
Pagkaupo ni Suijin ay napapahawak siya sa kaniyang likod dahil masakit parin ito pagkabagsak niya sa kalsada. "Oi naman tumingin ka naman sa dinadaanan mo..." inis niyang sabi.
"Heiii may kasalanan ka rin kaya...kaya nga tayo nagkabanggaan eh kasi hindi ka tumitingin sa tinatakbohan mo...hindi natin iniwasan ang isa't isa kaya tayo nagkabanggaan..." agad na tumayo si Atlas.
Agad din na tumayo si Suijin at nilapitan si Atlas. "Bakit ka ba kasi tumatakbo ng mabilis?!" Pagalit niyang tanong at inilapit niya kay Atlas ang mukha niyang napipikon, kahit na may kaliitan siya kumpara kay Atlas ay pinipilit niya parin mas ilapit ang mukha sa pamamagitan ng paghangad at mas hinihila niya pataas ang mga paa.
Napanganga si Atlas habang nakipagtitigan sa nagagalit na mukha ni Suijin. 'Oii magkatulad lang pala kami ng batang ito...nakipag-away sa mas nakakatanda at nakakatangkad...' sa isip ni Atlas.
Pero agad din na inilapit ni Atlas ang mukha niyang ayaw magpatalo. "Ikaw din naman ah ang bilis-bilis mo tumakbo..." pagtatanggol niya sa sarili.
Dahil nagkalapitan na ang mga mukha nilang napipikon ay dahan-dahan na inilayo ni Suijin ang mukha niya at nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "Kahit na! Hindi mo dapat ako binangga! Hindi mo ba ako kilala?! Ako lang naman ang nag-iisang apo ng Sinaunang Shadow Andres..." sabay turo niya sa kaniyang sarili na may abot tengang ngiti.
Wala silang kaalam-alam na kanina pa sila pinagmamasdan sa gilid ng kalsada nang kasalukuyang Protector ng Atlanian na si Nayde Alanta at Sinaunang Shadow na si Andres Waluna na mismong lolo ni Suijin. Ang dalawa ay gumamit ng kakayahang Invisible, kaya hindi sila nakikita nila Atlas at Suijin.
Napakunot-noo si Sinaunang Shadow Andres. "Sino ang batang 'yon?" Tanong niya.
"Siya po si Atlas Dampasigan." Sagot ni Protector Nayde.
Napanganga nalang si Sinaunang Shadow Andres. "Ang batang God Shadow...ang laki na ng pinagbago niya, halos hindi ko na siya nakilala, paniguradong marami narin siyang kakayahan...nakakatuwa dahil mukhang masaya naman ang pamumuhay niya..." wika niyang may ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
Atlas Volume 1 [The God Shadow]
FantasyAng maging Protector, 'yan ang pina-pangarap ng batang masayahin na si Atlas na nagmula sa nayon ng Atlanya at sakop ng bansang Atlanian. Sa kabila ng pagiging masayahin niya ay isang sugat pa rin sa kaniyang puso ang tanong na kung sino at nasaan n...