Chapter 18

297 55 0
                                    






Chapter 18: Ang dahilan ng matinding galit

Binalot na ng katahimikan ang buong nayon ng Atlanya dahil gabi na, kaya karamihan sa mga tao ay natutulog na. Liban lang sa iisang batang lalaki na naglalakad pa rin ngayon sa gitna ng kalsada. Siya si Lawin Bonifacio na nasa labing isang taong gulang.

Tahimik siyang naglalakad pauwi sa kanilang bahay. Pagkadating niya sa labas ng bahay nila ay nakadama na siya ng may hindi maganda, kaya dali-dali siyang pumasok at inakyat ang ikadalawang palapag, pagkadating pa lang niya sa pinto ay napakunot-noo na siya nang marinig ang boses ng kaniyang ama na tila nahihirapan at nangangailangan ng tulong.

Nanginginig ang buong kamay niya kaya nahihirapan siyang buksan ang pinto, pero sa kagustohan niyang malaman kung ano ang nangyari sa kaniyang ama ay dahan-dahan niya binuksan ang pinto, bumungad sa kaniya ang ama niya na sinaksak ng espada sa isang batang lalaki na nakatalikod mula sa kaniya.

"A-A-maaaaaaaaa..." sigaw niya na may nahihirapang tuno ng boses.

Habang lumuluha siya ay unti-unti siyang binabalot ng galit habang pinagmamasdan ang batang lalaki na sumaksak sa kaniyang ama, pero ito'y nakatalikod kaya hindi niya mawari kung sino ito, ngunit kasing tulad ang pangangatawan nito sa kaibigan niyang si Atom Dagathan na nakakatanda sa kaniya ng isang taon.

Nakita ni Lawin na tinanggal ng batang lalaki ang espada nitong nakasaksak sa tiyan ng kaniyang ama,  pagkatapos ay inangat nito ang isang paa sabay walang awang sinipa ang dibdib ng kaniyang ama, kaya tumilapon ito at humandusay sa sahig.




Mas lalong bumuhos ang mga luha ni Lawin nang makitang nakatingin sa kaniya ang ama niyang nakahandusay at dugoan. Dali-dali niya itong nilapitan. "Ama...huwag mo akong iwannn...ama pakiusappp..." tuloy sa pagbuhos ang mga luha niya habang hinahaplos ang mukha at kamay ng kaniyang ama.

Dahan-dahan siya nag angat ng tingin upang masulyapan ang mukha ng batang sumaksak sa kaniyang ama, at nang makita niya ang mukha nito ay parang tumigil ang mundo na halos hindi siya makapaniwala. "A-A-Atom...? Bakit mo nagawa itooo...?! Pinagkakatiwalaan kitaaa!" Naghahalo na ang nararamdaman niyang galit at sakit.

Ngumite lang si Atom. "Tama lang 'yan sa kaniya, para umalis ka na dito sa Atlanya at hanapin mo ang lugar kung saan ka nababagay! Wala kang silbi, at ikaw ang pinaka-mahina sa team natin!" Seryosong tugon niya kay Lawin at bigla siyang naglaho.

Nanginginig ang buong katawan ni Lawin dahil sa mga narinig niya mula sa kaniyang malapit na kaibigan at pinagkakatiwalaan niya, na ngayon ay sinaktan siya, iniinsulto siya at ang kumuha pa sa buhay ng kaniyang ama.

Hindi niya natiis ang subrang sakit na nararamdaman na tila dinudurog ang kaniyang puso, kaya napasigaw siya ng pagkalakas. "Hayop ka Atommm! Bakit mo nagawa sa aking ama itooo?! Napakasama mo palang tao! Pinapangako ko, ako mismo ang papatay sa 'yooo!" Ang gabing ito ay labis na sumugat sa kaniyang puso, hindi niya lubos maisip na ang sarili niyang kaibigan ang papatay sa mahal niyang ama.






Sa labas ng mala mansyong bahay ng mga Lathor ay sumulpot sina Atom at Lawin sa malawak at medyo madamong mga lupa, ito ay bahagi sa toktok ng bundok kung saan nakatayo ang mala-mansyong bahay.

Agad na inalis ni Lawin ang kamay niya mula sa hawak ni Atom. "Bakit mo ako dinala dito?! Taika, mukhang alam ko na, baka nahihiya kang makita nila kung papaano kita talonin!" Nakangiting tila pang-insulto niya.

Atlas Volume 1 [The God Shadow]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon