Chapter 22: Maligayang pagbalik sa Atlanya
Kinabukasan. Parihong nakangiti sa labi sina Atlas Dampasigan, Sahara Hatala at Izalem Elfalco habang kaharap si Aling Celma sa labas ng bahay nito.
"Lubos akong nagpapasalamat sa inyo Team Believe, dahil kahit hindi nagtagal ang ating pinagsamahan ay napasaya niyo ako, dahil sa iba't ibang ugaling meron kayo...may masayahin at buo ang tiwala sa sarili, may palaban, may mabait at handang tumulong, at may maalaga sa mga kasamahan...hinding-hindi ko kayo makakalimutan..." sambit ni Aling Celma na bakas ang tamis na ngiti sa mukha.
"Aling Celma naman, pinaiiyak mo naman ako eh..." natatawang sagot ni Atlas na halatang pigil na pigil sa pagluha, kaya tinawanan siya nila.
Unti-unting pumatak ang mga luha sa mga mata ni Aling Celma. "Lagi kong ipagdasal ang inyong kaligtasan...sa totoo'y hinihiling ko na sana maabotan ko pa ang araw na kumatok kayo dito, at sabihing naabot niyo na ang mga pangarap niyo sa buhay..." nakangiting pagluha niya Celma at dahan-dahan naman siya niyakap ng Team Believe.
Pagkatapos nilang magyakapan at handa ng umalis ang Team Believe ay may biglang naalala si Aling Celma. "Taika sandali, may ibibigay pala ako sa inyo..." dali-dali siya bumalik sa loob ng bahay.
Paglabas ni Aling Celma ay agad napa ngiti ang Team Believe nang makitang hawak-hawak niya ang pusang si Araw. "Para maalala niyo ako at ang bahay na ito, ay pinagkaloob ko na sa inyo si Araw. At alam ko din kasing mas mapoprotektahan niyo siya. Maraming salamat sa inyo, Team Believe..." dahan-dahan ng inabot ni Aling Celma ang pusang si Araw kay Atlas na nakangiti naman habang maingat hinawakan ang pusa.
Biglang sumulpot sa likod ng tatlong bata ang guro nilang si Atom Dagathan at dahan-dahan naman nila siyang hinarap. "Kumusta po Sir Atom? Ayos lang po kayo?" Tanong ni Sahara.
Tumango naman si Atom at dahan-dahan niya pinipilit ngumiti. "Sa totoo lang, alam kong matatagalan pa bago mawala ang sakit sa puso ko, hindi ngayon, hindi rin bukas, pero balang araw, maghihilom din ang lahat..." sagot niya at natahimik ang tatlo niyang estudyante dahil ikinalungkot din nila ang pagkawala ni Lawin.
Dahan-dahan naman na ngumiti ng abot tenga si Atom upang hindi rin malulungkot ang mga studyante niya. "Pero natutuwa ako, dahil natagumpayan natin ang unang misyon ng magkasama..." bakas ang tuwa sa mukha niya na parang walang nangyaring masama sa kaniya.
Nasasaktan man si Atom, ngunit nais din niya sundin ang gusto ng kaibigan niyang si Lawin Bonifacio na kagabi lamang pumanaw, ang gusto nito'y mananatili lang siya sa pagiging masayahin at tuloy lang ang buhay kasama ng mga taong nagpapasaya sa kaniya.
Nakangiting nagpaalam na ang Team Believe kay Aling Celma, at habang naglalakad na sila pabalik sa Atlanya ay bakas ang ngiti sa mga mukha nila. Dahan-dahan na tumingala sa mga ulap si Atom.
Lawin, nais kong malaman mo na kasama ko ang tatlo kong studyante at babalik na kami sa Atlanya...maraming salamat, dahil sa tulong mo natagumpayan namin ang aming unang misyon, sa isip ni Atom.
Lumipas ang ilang oras. Sa wakas ay nakabalik na ang Team Believe sa kanilang minamahal na nayon, ang Atlanya. Pagkabalik nila sa Atlanya ay agad na pinuntahan ni Atom ang tarangkahan ng Atlan Academy. Tumambay siya dito ng ilang oras at napapa-ngiti nalang siya habang pumapasok sa kaniyang isip ang mga masasayang ala-ala nila ni Lawin.
BINABASA MO ANG
Atlas Volume 1 [The God Shadow]
FantasíaAng maging Protector, 'yan ang pina-pangarap ng batang masayahin na si Atlas na nagmula sa nayon ng Atlanya at sakop ng bansang Atlanian. Sa kabila ng pagiging masayahin niya ay isang sugat pa rin sa kaniyang puso ang tanong na kung sino at nasaan n...