Panimula

9 0 0
                                    

Asul na kalangitan at makulay na kapaligiran. Lagi kong iniisip na baka sa mga susunod na araw ay hindi ko na masilayan ang kagandahan ng mundo. Nangangamba akong ang digmaan at ang madilim na bahagi nang mga tao ang sisira sa ating mundo.

Pinulot ko ang bulaklak na pinitas ko. Ang mga bulaklak ang lagi kong pinagkakaabalahan.

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ang alalay ko saka ang katulong.

"Princess belinda!!"

Ibinalik ko ang tingin ko sa hawak kong rosas. Marami itong mga tinik, pulang pula ang malago nitong talulot. Just like love, kung gaano ka kamahal ng isang tao ganoon ka rin nito kasakit na sasaktan at mawawala lang ito kapag bumitaw kana.

"Princess Belinda pinapatawag kana ng iyong ama. Nariyan na ang mga bisita" usal ng alalay ko hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin

Isang matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanila.

"Sige, susunod na ako"

Tumango silang dalawa at lumakad na. Royal life, mga gintong purselas, eleganteng pagkain, magagarbong mga damit at sapatos, elegant and unique that's me. Lumaki akong spoiled sa lahat ng bagay, kahit na hindi ko kailangan ibinibigay nila. Ngunit isa lang ang kahilingan ko...

Huminga ako ng malalim at binitawan ang hawak kong rosas.

Nang makapasok na ako sa loob naroon na nga ang mga bisita mula sa iba't ibang palasyo. Iginala ko ang paningin ko. Nasan sila ina at ama?

"Mahal na prinsesa naroon po sa ikatlong lamesa ang iyong ina habang ang iyong ama naman ay nasa silid niya pa" salubong muli saakin ng butler

Tumango ako at hindi siya pinansin. Dumaretso ako sa kusina para maghugas ng kamay. Ang handaan na nagaganap ngayon ay para sa pinsan kong nag valedictorian sa kanyang paaralan. Ewan ko ba kahit na pwede naman namin itong ipagdiwang ng kami-kami lang.

Tahimik ang kusina, mukhang ang mga katulong ay nasa bulwagan na o kaya ay nasa kabilang kusina.

"Aray ko! Aaiishh! Malas talaga"

Napalingon ako roon. Isang lalaki na dumaan sa bintana. Anong ginagawa niya. Ginulo niya buhok niya at sinuntok ang sahig.

Nasagi ko ang katabi kong baso at nahulog kaya naagaw ko ang atensyon niya. Tumayo siya at pinagpagan ang damit niya. Napaatras ako ng humakbang siya palapit sa akin.

"Magandang hapon, binibini" usal nito,

Ngumiti siya saka napalingon sa mga bubog. Pinulot niya ito kaya naalerto ako. Tinulungan ko siyang pulutin ang mga bubog.

"Binibini, ako nadito at baka masugatan ka pa"

Ngunit huli na nasugatan nga ako. Nabitawan ko ang ibang bubog na nasa kamay ko. Ang lakas ng pag dugo nito. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko saka hinigit ako patayo.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko, nasugatan ka tuloy" usal niya na may halong pangaasar "Hugasan natin para hindi mag ka infection"

Habang tinatanggal niya ang bubog sa kamay ko ay napakuno't ang noo ko sa paraan ng paghawak niya sa aking kamay samahan mo pa ng nakakakilabot niyang pag ngisi.

Nang matapos na ay humarap siya sa akin ng nakangiti.

"Lagyan mo na lang nang gasa mamaya binibini"

Hindi ako sumagot.

"Ang lamig ng iyong mga tingin. Hindi bagay sa isang magandang dilag. Kung iniisip mo na may gagawin akong masama, isipin mo lang dahil wala naman akong gagawin sayo" usal niya
na ngayon ay seryoso na

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon