KABANATA 24

0 0 0
                                    

Asul na kalangitan sa umaga kung saan makikita mo ang araw na lumiliwanag kasabay ang pag lipad ng mga ibon sa kalangitan at itim na kalangitan tuwing gabi kung saan makikita mo ang buwan na pinalilibutan ng mga bituin na siyang nagbibigay liwanag sa madilim na kapaligiran.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakakapanibago. Habang iniinda parin ang sakit ay unti unti akong bumangon.

Napahawak ako sa noo ko at naramdaman ko ang gasa na nakabalot dito.

Anong nangyari?

Madilim ang paligid. Tanging lampara lamang ang nagbibigay liwanag at ang buwan na tanaw mula sa bintana.

Nasan ako?

Muli kong ipinikit at iminulat ang mga mata ko upang masiguro kung totoo ba ito.

Nasaan nga ba ako? Sigurado akong wala ako sa palengke kundi na sa ibang lugar ako.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tumayo ako. Kinuha ko ang lamparang nasa lamesa pagkatapos ay lumabas sa nakasiwang na pinto

Natigilan ako ng makita kong isang pababang hagdan ang nasa likod ng pintong ito. Dahil sa kuryosidad ay tinahak ko ang pababang hagdan. Sunod-sunod na painting ang sumalubong sakin. Litrato ito ng royal family ng armania.

Bumilis ang pintig ng puso ko. Sa bawat hakbang ko ay may kung anong pumipigil sakin na mag patuloy pa. Huminto ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Anong ginagawa mo" isang malamig na boses ang umalingawngaw sa buong paligid. Pagbagsak niyang sinarado ang pinto.

Isinabit ni marcella ang lampara niyang dala. Ang bawat kilos niya ay sobrang gaan ngunit matalim ang kanyang expression

"Buhay ka" aniya ng hindi tumitingin sakin

Napasinghap ako at nag taas noo "Nasaan ako?" pag iiwas sa kaniyang sinabi

"Nasa tore ka ng palasyo" aniya habang pinapagpagan ang sarili

Nanlaki ang mata ko sa gulat. P-paano?! Hindi maaari 'to

Humarap siya sakin at pinagtaasan ako ng kilay.

"Bakit tila nagulat ka yata...prinsesa Belinda" aniya habang unti unting kumukurba ang kanyang labi

"Bakit mo ko—"

"Huwag kang mag alala" napasinghap siya "Hahayaan kitang umalis at hindi ko ito sasabihin sa hari o maging sa reyna" saad niya habang naka taas ang dalawang kamay

Kuno't noo ko siyang tinignan. Alam kong matagal na niyang ugali yan ngunit wala akong tiwala

"Aalis na ako" pag dedesisyon ko

Napaismid siya "Osige. Nakahanda na ang sasakyan mo sa likod ng palasyo"

Iminuwestra niya sakin ang daan. Ang kanyang matamis na ngiti ay nakakaasar. Nag tiim bagang ako bago magpasyang umalis na.

Pipihit na sana ako nang pigilan niya ako. Pinigilan niya ang kamay kong nakahawak sa door knob habang ang kabilang kamay naman niya ay itinukod at itinulak ang pinto.

Diretsyo niya akong tinignan sa mata.

"Ngunit sa isang kondisyon"

Natigilan ako at napatingin sa kamay niyang pumipigil sa akin

"Isasama mo ako sa iyong pupuntahan".

Parang may kung anong tumusok sa puso ko. Isang panibagong suliranin na naman ang aking tatahakin. Paano ba ako napunta sa sitwasyong ito.

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon