KABANATA 10

1 0 0
                                    


Isang linggo ang lumipas. Magulo ang naging isang linggo ko, ayoko na lang magsalita. Martes ngayon, tahimik lang ako na nagwawalis ng paligid habang si Leon na gilid ng bakuran nagbubungkal, magtatanim daw siya.

Naiinis ako kay Leon, pano ba naman umuwi kahapon ng madaling araw tapos medyo nakainom pala umaakto siya na normal pero nahihilo na pala. Nalaman niya na may sugat ako leeg, pinagalitan niya ako kung bakit daw nagtatangka akong tapusin ang aking buhay. Tss! Hindi ko sinabi sa kanya ang totoong dahilan ng sugat ko, papagalitan niya lamang ako.

Isang mahinhin na boses ang tumawag kay Leon "Leon!" humagikhik ang babae, natigil naman si Leon sa kanyang ginagawa at sinalubong ang babae

Nobya niya ata. Natigil ako sa pagwawalis, yung babaeng nagpahiram sakin ng damit, tss! Okay!

Dahil medyo malapit ako sa kanila, naririnig ko ang pinaguusapan nila

"Leon magtatanim kana? Tutulungan na kita, ayy! Eto nga pala pinapadala ng lola ko, ulam at damit" ngumiti ang babae

May usapan nga pala silang magtatanim. Inirapan ko sila at nagpatuloy sa pagwawalis. Hindi ko na narinig ang sagot ni Leon pero parehas silang pumasok ng bahay. Nobya niya nga siguro.

Kung ako si Leon dito ko bubuksan yung ulam at dito ko rin titignan ang mga damit para maging kompurtable ang babae, pero malay ko ba kung kopurtable pala ang babae na sila-sila lang sa iisang bahay.

Napatalon ako sa gulat ng may humalakhak sa gilid ko.

Tumatawang pumasok ang tres marias sa bakod ng bahay ni Leon pagkatapos ay naupo sa upuan ng bakod.

Dinakot ko na ang winawalis ko.

Si Leon at ang babae naman ay lumabas na ng bahay. Si Leon ay wala na ngayong saplot pang itaas.

Kinuha ng babae ang piko, si Leon naman naghakot ng kahoy. Marunong din naman ako mag tanim, ako pa nga ang nagtanim ng mga halaman at bulaklak sa palasyo.

"Tignan mo Doris, nakakatuwa silang panoorin. Para silang mag asawang nagtutulungan" ani nung isang babae sa likod ko

Nagpatuloy lang ako sa pagwawalis pero hindi ko mapigilan ang sarili na huwag makinig.

"Alam kong bagay kami, pero kung si Nica ang pagpipilian, handa akong ipaubaya siya sa kanya"

Tumawa ang dalawa. Ang isa naman nakangiting tinatanaw si leon.

"Ang balita ko, nililigawan raw ni Leon si Nica. Oo, sabi! Baka nga daw pag sinagot ni Nica si Leon ay agad silang magpakasal"ani nung doris ata

Napairap ako sa kawalan. Dito pa talaga nila nagawang mag tsismisan.

"Bagay talaga sila, bagay lang kay Leon ang babaeng mahinhin, mabait, maganda, maalaga"medyo lumakas ang boses nung isa

Aba! Bagay na sila. Wala namang nagtatanong. Kung ganun pala ang hanap ni Leon edi bagay na sila.

Naupo ako sa isang tabi at hinilot ang aking sintido.

"Tignan mo naman kung ganon ka perpekto ang katawan ni Leon lalo na sa mukha. Makikisig na braso, magandang katawan at ang kanyang mukha. Ang maamo niyang mukha."

humagikhik ang babae

"Ang sabi nga nila mukhang magaling daw sa kama yang si Leon, nakakaakit siya. kung ako si Nica matagal ko ng sinagot si Leon"

Pinagpapantasyahan ba nila si Leon.

Tama na, ayoko na! Ayoko ng makinig sa mga sinasabi nila. Nahihilo na ako sa init, mas lalo lang akong mahihilo sa sinasabi nila.

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon