KABANATA 6

0 0 0
                                    


"Nasan ako?" namamaos kong tanong

Inilapag niya ang pagkain sa mesa at nagsalin ng panibagong tubig. Ininom ko agad iyon.

"Kailangan ko ng umalis. Hindi mo na dapat ginawa ang mga ito"

Tumayo ako pero agad ding natumba. Ang sakit ng paa ko. Agad naman siyang lumapit sa akin at inalalayan akong maupo.

"Binibini magpahinga ka muna. May bali ang paa mo. Mahiga ka muna upang magamot ko-"

Naitulak ko siya dahil sobrang lapit niya at ang damit ko.

"Sinong nagpalit ng damit ko?!"

Tinignan ko siya ng nagtataka at gulat.

"Binibini-"

"Ikaw?! Ano?! Nakita mo ang buo kong katawan"

"Binibini-"

"Ikaw nga?!! Sumagot ka! Bastos!"

"Binibini huminahon ka. Mag papaliwanag ako!"

Aba't siya pa talaga ang galit. Itinaas ko ang paa ko sa higaan. Ano bang nangyari kahapon. Iginala ko ang aking tingin sa paligid. Ang lahat ng gamit dito ay gawa sa kahoy. Ang bahay na ito ay gawa sa kahoy. Bumalik siya sa kanya silya na nakaharap sa akin. Leon? Sinong leon?

"Habang nangangabayo ako, nakita kita sa daan. Wala kang malay. Dinala kita rito sa bahay kubo ko upang magamot ang mga sugat mo. Pasensya na kung natakot kita. At tungkol sa damit mo. Ako ang nagpalit ng damit sayo. Pasensya na kung nakita ko ang katawan mo. Ngunit huwag kang magalala lalabhan ko ang damit mo. Sa ngayon ang damit na iyan muna ang suotin mo"

Napahinga ako ng malalim. Ano bang balak niya sa akin. Ang plano ko ay pupunta ako sa bundok kung nasaan ang bahay ng guro ko. Ibang bahay pa ako napunta.

"Maaari ko bang hawakan ang mga paa mo upang magamot ito?"

Inilayo ko sa kanya ang paa ko. Gagamutin niya ang paa ko? Bakit parang iba ang balak niya. Wala akong tiwala sa lalaki na 'to. Gusto ko ng makaalis dito. Nangilid ang mga luha ko. Napahikbi ako habang naguunahang tumulo ang mga luha ko. Anong balak niya sa akin.

"Pasensya na. Gagamutin ko lang ang paa mo at aalis na ako kung hindi ka kumportableng may lalake sa harap mo" inabot niya ang paa kong nabalian sa pagtakbo ko

Hindi na ako gumalaw para matapos na ito. Humihikbi ako nanonood sa pag gamot niya ng paa ko. Hindi ko maramdaman ang sakit dahil naninikip ang puso ko sa lahat ng pangyayari. Nadismaya ko si ama. Wala akong kwenta.

Matagal ko na ring napapansin ang mga pagbabago ni ama. Hindi na siya tulad ng dati na lagi akong kinukulit, nilalambing kapag malungkot. Nagbago na siya nitong nagdaang taon. Sobrang tahimik na niya, napapadalas narin ang pagiinit ng ulo niya, humigpit na siya sa mga lahat ng bagay lalo na sa patakaran ng armania. Lagi kong naririnig ang pagkamuhi ng mga mamamayan ng armania sa aking ama. May nagpabago sa kanya.

"Lalabas na ako. T-tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka. Nasa labas lang ako"

Isinuot niya ang sumbrelo niya na yari sa banig bago lumabas. Pinagmasdan kong mabuti ang mga telang nakabalot sa paa ko. Napaayos ako ng upo. Sumilip ako sa bintanang nasa likod ko. Nasa labas siya habang nagpapatuka ng mga manok. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Mga kabahayan. Nasa armania ba ako. Hindi pwede.

Pinwersa ko ang sarili kong tumayo. Napasandal ako sa pader para magbigay suporta. Dahan-dahan akong lumakad hanggang maka abot ako sa pinto. Pagbukas ko ng pinto ay mga kabahayan ang sumalubong sa akin. Napahawak ako sa railings ng hagdan ngunit hindi pala ito ganon katibay. Nahulog ako sa gilid. Ang malas ko naman!

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon