KABANATA 7

1 0 0
                                    


Seryoso kong tinignan si Leon na nagpapatuka ng mga manok habang may kinakausap na tatlong babae. Kahit na sobrang layo ko sa kanila at kita ko kung ga'no kaganda ang mga babae. Lahat sila ay may hawak na pamaypay habang nahihiyang nakikipagtawanan kay leon.

Niligpit ko na lang ang pinagkainan namin para sa iba ko matuon ang aking atensyon. Ang nabali kong paa ay magaling, ang mga sugat ko ay humilom na. Alam ko na magaling na ako.

Gusto kong maglibot. Napangiti ako sa aking plano. Tama maglilibot ako para makumpirma kung nasa Armania nga ba talaga ako o nasa ibang lugar. Tinignan kong muli ang aking sarili sa salamin. Isang puting dress na hubog ang katawan ko, ngayon ko lang nakita ang hubog ng katawan ko sa puting damit.

Sinuklay ko ng kamay ang aking mala niyebeng buhok. Hindi naman pwedeng habang buhay akong mananatili dito. Kailangan ko ring maghanap ng mapapagtirhan ko, hindi ngayon pero dapat mag isip na ako ng plano para sa mga kakaharapin ko. Kailangan kong bumalik ng palasyon para kunin ang mga gamit ko at mga armas ko sa tagong kwarto. At ang misyon kong mahanap ang lalaking tumangka ng buhay sa ina ko.

"Kailangan ko na sigurong simulan ang lahat"

Lumabas ako ng bahay at gaya ng inaasahan ko nandiyan parin ang tatlong babae. Nanliit ang mata ko.

Natigil sila sa paguusap, mukhang naagaw ko ang atensyon nila. Tumikhim ako...

"Maglilibot lang ako, babalik din ako mamaya" tumingin ako sa mga kabahayan, hindi ko kayang tignan siya ng matagal

"Ah—tapos ka na bang kumain? Samahan na kita baka maligaw ka pa"

Napanguso ako habang hindi nililingon ang aking paningin sa iba. Hindi naman sa lahat ng oras mag kasama kami.

"Huwag na. Matalas ang memorya ko kaya hindi ako maliligaw" ani ko

Nagtaas ako ng kilay sa mga babaeng nasa tabi ko na mukhang pinagbubulungan ako. Inabot ko sa kanya ang posporo na napulot ko.

Napabuntong hininga siya bago sumagot.

"Sige pero pwede bang magpalit ka muna ng damit bago umalis"

Bumaba ang tingin niya sa damit ko at iniwas. Napatingin din ako sa damit ko. Anong meron dito? Wala namang ibang damit doon kundi mga ganito lang. Siguro mahilig yung nobya niya na magsuot ng ganito. Napaismid ako.

"Ayoko lang na mabastos ka ng mga lalaking makakakita sayo" bulong niya

Tss, anong susuotin ko eh puro mga ganto lang naman ang damit na pambabae doon.

"Wala na akong-"

"Ah! Frederick?! Meron kabang tubig nauuhaw na kasi ako eh" singit noong isang babae

Ibinaba ni Leon ang hawak niyang pakain ng manok. Nakuyom ko ang aking kamay sa inis.

"Saglit kukuha lang ako" binalingan na muli ako "Ipaghahanap muna kita ng damit, diyan ka lang"

Umirap na lamang ako. Pumunta na siya para kumuha ng tubig

Nagtiim bagang ako.

"Sino ka?At ano ka niya" ani nung sumabat kanina

Tinignan ko lang siya ng walang emosyon. Ang dalawang babae rin ay lumapit para maki esyoso.

"Oo nga, sino ka? Magkasama kayo sa iisang bahay? Kapatid ka niya" ani nung isa pa

Sabihin ko lang kung sino ako eh para umalis na kayo. Natawa ang isang babae. Itinapat niya sa akin ang kanyang pamaypay bago pabukahin iyon.

"Hindi ako naniniwalang nobya ka niya. Kilala namin ang lahat ng babaeng may gusto kay leon at ako lang ang malapit sa kanya" nakangising saad nung isang babae

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon