KABANATA 1

1 0 0
                                    


Nagising ako sa sikat ng araw. Nagpuyupos muna ako ng mata bago tumayo at dumaretso sa banyo. Nang matapos na akong maghilamos ay lumabas na ako ng aking silid. Sumalubong sa akin ang mga maid na maraming dalang mga platito.

Bumati sila sa akin. Sumunod na ako sa kanila pababa. Ang ama at ina ay nasa hapag na. Lumapit ako ka'y ama upang humalik sa pisngi tumayo naman si ina at nakipag beso.

"Hintayin na natin si Marcella—Aida!" tawag ni ina sa matanda naming katulong, naupo na ako sa katabing silya

"B-bakit po mahal na reyna?"

"Katukin mo na si Marcella sa kanyang silid ng makakain na" pag uutos ni ina

Ano naman kaya ang gagawin ko ngayon? Magbabasa ng libro o magpipinta. Iyon lang naman ang mga pagpipilian ko at lagi kong ginagawa. Walang kwenta

Dumating si Marcella saka naupo sa tapat ko. Ni hindi manlang niya binati ng magandang umaga ang mga magulang namin. Seryoso at nakahalukipkip siya naka upo. Mukhang hindi ata maganda ang gising niya.

"Marcella ano't naka busangot ka na naman. Osiya, kumain na tayo"

Nagsimula na akong kumain tanging mga kubyertos na tumatama sa plato ang naririnig ko. Ang mga katulong ay abala sa pag aayos ng lamesa at pinggan sa main hall ang mga lalaki naman ay usong-usong sa pagdala ng sobrang dalawang lamesa sa bodega. Pansin ko rin ang pagka tahimik ni ama, hindi niya kinikibo ang pagkain niya. Mukhang hindi rin maganda ang gising niya.

"Para saan po ang paghahanda?" tanong ko sa aking ina

Hindi niya ako nilingon pero sumagot siya "Para sa pagkakasundo ng dalawang kaharian, ang Armania at Arillas. Nakakatuwa naman kaya nararapat lang na maghanda para sa pagpapasalamat sa kanila"

"Pupunta po ba sila dito?"

"Kung ang itinatanong mo ay ang Hari at Reyna ng Arillas ay oo, kung kasama ang buong taga baryo hindi. Maliit na pagsasalo lamang ito"

Napa tango-tango ako. Siguro ay mag aaral muna ako habang hinihintay ang pag dating nila. Hindi ko talaga nagugustuhan kapag may mga bisita kami ang makihalubilo. Mas gugustuhin ko pang mag kulong na lamang sa aking silid.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako para mag aral. May mahaba akong pagsusulit bukas kaya kailangan kong mag aral pagkatapos ay nag aral narin ako ng mga salitang ingles at sumulat ng pangungusap gamit ang wikang ito.

Mga madaling ingles lang ang kaya ko. Hindi pa gaanong kalawak ang aking kaalaman para sa malalim na ingles.

"A girl is walking through the rain" basa ko sa aking isinulat

"She is wet and sick. She don't know what to do. A lion came to her and pull her to a shed"

Tss! Wala namang ganyang leon. Malamang kinain na ang babae nito. Hindi kapanipaniwala.

Ibinaba ko ang hawak kong papel at pluma. Hindi ako tinuturuan ng guro sa wikang ingles kaya sariling sikap na lamang.

"The lion is one of the most scariest animals...."napatigil ako sa pagsusulat ng maalala ko ang lalaking magnanakaw kahapon

"Leonard" pagsusulat ko sa pangalan nito

Bakit ko siya hinusgahan na magnanakaw? Dahil sa mga kilos niya. Halata namang magnanakaw siya ngunit nagkataon na naroon ako kaya nagpanggap na lamang siya na mabait at maginoo. Hindi uubra sa akin iyon

"A guy named Leonard stole my....."hindi ko na tuloy ang isinusulat ko ng may kumatok

Pumasok ito ng wala ang pahintulot ko kaya't nagpanggap akong nagbabasa

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon