KABANATA 25

1 0 0
                                    

Madaling araw na nang kami ay umalis sa armania. Isinandal ko ang aking ulo sa gilid habang inaalala ang mga sinabi ni Marcella bago kami umalis

"Kung gayon pano kana ngayon?" tanong ko

Tumawa sya

"Anong paano ako? Uuwi ako sa palasyo malamang. O'sya, pumunta kana at naghihintay na ang lalaki mo. Nobyo mo?"

Napanguso ako bago ko siya sinimangutan

"Nobyo mo?" tanong nyang muli

Hindi ako sumagot.

Napaismid siya. Nagbago ang ekspresyon nya. Nakaramdam ako ng pait sa reaksyon nya.

"May masama ba?" nahihiyang tanong ko

"Wala naman. Huwag ka sana niyang saktan." sinenyasan na niya akong pumunta na

"Kung alam mo lang sana" pahabol niya at napasinghap

Pumikit ako ng mariin at humalukipkip.

Napalingon sakin si Leon na tumutulong magmaneho ng kalesa.

Hinubad niya ang suot niyang kamiseta at inabot sakin. Tinignan ko siya.

Wala na syang suot na pangitaas na damit.

Umiling ako at ibinalik sa kanya ng damit.

Napakuno't ang noo niya at lumipat ng upuan sa tabi ko. Saglit na napalingon samin si Carlo, ngumisi at lumingon na ulit sa daan

"Suotin mo na muna itong damit ko. Nilalamig kana." aniya sakin

Umiling ako at umambang isusuot sa kanya ang damit ngunit pinigilan niya ako.

"Ikaw ang lalamigin, tignan mo nga wala kang suot na pang itaas"

Umiling na lamang siya at tinanggap muli ang damit niya tapos isinuot muli.

"Paano yan ikaw naman ngayon ang lalamigin" pangaasar niya sakin

Inirapan ko na lamang siya.

"Simula na ngayon ng tag lamig at uulan na ng niyebe ngunit magtatagal lamang ito ng isang buwan, ayon sa taga balita mahabang panahon ng tag init ang mararanasan ng mga tao ngayon at tatagal ito ng buong taon" aniya pagkatapos  hinila ang inabot na tali ni Carlo

"Pag uwi natin sa bahay mag iimbak na ako ng maraming tubig—maging ang pagkain. Kaya... Asahan mo na lagi akong wala sa bahay" dagdag niya pa

Hindi ako sumagot at mariing ipinikit na lamang ang mata bago humilig sa haligi ng kalesa.

Wala na akong ibang maisip kundi magpakalayo-layo. Pagod na pagod na ang utak ko kakaisip sa solusyon.

Noong bata pa lamang ako ay pagod na pagod na ako. Ang pagpapahirap sa akin. Ang pagmamaltrato sakin. Kung paano nila ako saktan at hagupitin ng latigo. Kung paano nila ako pinapagbintangan sa mga kasalanang hindi naman ako ang may kasalanan.

Buong buhay ko ay nakakulong lamang ako sa palasyo. Kung lalabas man ako ay hindi rin ako magtatagal dahil mapapaglitan ako at baka kung ano pang gawin nila sakin. Lagi nilang pinapaalala sakin na ako ang mamumuno sa armania pagdating ng panahon kaya dapat kumilos ako na naaayon bilang isang reyna. Ngunit ayoko, ayokong mamuno. Ayokong maluklok sa patakarang sobrang higpit. Ayoko ng ganitong buhay.

Pinalis ko ang luhang tumulo at umidlip na lamang.

Nagising ako ng biglang kumalabog ang kalesa. Nagulat ako at napahawak sa gilid. Lumingon sakin si Carlo at ngumiti ng pagkalaki-laki. Napalingon din sakin si Leon.

Umaga na at tirik na tirik na ang araw. Napaayos ako ng upo. Medyo sumakit yung likod ko sa pwesto ko.

"Nasan na tayo?" pag tatanong ko

"Malapit na tayo sa Guardiana, ayos ka lang ba? Gusto mo ba munang kumain?"

Umiling ako. Malapit na naman na. Hindi ako nagugutom, pagkatapos ng mga nangyari nawalan ako ng ganang kumain.

Pinagmasdan ko ang paligid. Ang mga paruparong nagsiliparan pagkadaan namin sa mabubulaklak na daan patungong guardiana. Ang sinag ng araw na nagbibigay liwanag sa mga bulaklak.

Seryoso kong pinagmasdan ang paligid. Ang ilan sa mga paruparo ay sumusunod samin. Bakit ngayon ko lang nakita ang ganda ng guardiana.

Noon ang akala ko dalawang kaharian lang ang nabubuhay sa mundong ito at ang iba ay mayayaman lang ba tao. Ngunit nagkamali ako. Marami pa palang mga kaharian dito sa mundo. Hindi lang pala kami ang namumuno kundi marami kami na may sari sariling lupa o teritoryo.

Biglang umugtol ang kalesa nang dumaan na kami sa ilog.

"Buti na lang hindi masyadong mataas ang tubig" ani ni Carlo

"Hindi pa naman ata ngayon ang araw ng pagtaas ng tubig" si Leon

"Hindi na yon sa ganon mister Leon. Wala na sa kalendaryo. Minsan bigla na lang aagos ang malakas na tubig dito mula sa dagat tapos tataas ang tubig"

Napakuno't ang noo ko.

"Diba ang ilog na ito ay kailangan pang tawirin papuntang bayan ng guardiana, kung gayon nasa guardiana na tayo?"

"Short cut 'to papuntang baryo. Hindi na tayo dumaan ng bayan kasi baka sarado ang daan papasok ng Guardiana roon. Kami lang ni mister Leon ang nakakaalam ng daang ito"

Napatango-tango ako. Tinahak namin ang diretsong daan ng ilog hanggang sa makita na namin ang bukana ng baryo, ang daan patungo sa baryo.

Binilisan ni Carlo ang pagpapaandar para makayanan ng kabayo na maitaas ang kalesa mula sa malalim na daan ng ilog. Medyo gumigilid ang kalesa kasi pataas na kaya napapahawak ako sa gilid.

Nang makarating na kami sa bahay ni Leon ay pinagtingin kami ng mga tao.

Naagaw ng atensyon ko ang tres marias na masama ang tingin sa kalesang sinasakyan namin.

Inalalayan akong makababa ni Leon. Napakamot na lang sa ulo si Carlo.

"Magpahinga na muna tayo" ani ni leon sakin sabay baling kay Carlo "Maraming salamat Carlo sa iyong pagsama sa aming paglalakbay. Babayaran kita sa oras na makasahod na 'ko"

Tumawa si Carlo tas hinampas si Leon. Ngumiti na lamang ako.

"Ano kaba mister Leon. Magkaibigan tayo kaya wala lang sakin yon! 'Di mo na ko kailangan pang bayaran. Masaya na 'ko dahil nakatulong ako sa inyo" aniya sabay baling sakin "Osya! Kailangan ko ng umalis, kailan ko na ring bumalik sa palasyo may ipinangako ako sa palasyo na babalik rin ako agad."

Sumakay na si Carlo sa kanyang kalesa at pinaliko na ito. Kumaway ako sa kanya nang may ngiti.

"Hanggang sa muli nating pagkikita"aniya bago sya lumarga

Kumaway ako dito bilang pagpapaalam. Napangiti na lang ako sa kawalan.

Napalingon ako kay Leon ng maramdaman kong nakatingin sya sakin.

"Bakit?" pagtataka ko

Mahina itong tumawa "Tara na sa loob" aniya bago hinawakan ang kamay ko

Pinanliit ko sya ng mata. Tumawa lang sya ulit. Nanlumo ako ng makita ko ang makalat na paligid ng bakuran dahil sa mga nalaglag na dahon. Kailangan pa naming maglinis.

"Hayaan mo na muna yan. Magpahinga na tayo"

Hinila na nya ako papasok ng bahay.

Binuksan ko ang mga bintana habang sya naman ay naglalatag sa kwarto.

Napangiti na lamang ako dahil nakabalik kami ng ligtas.

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon