KABANATA 9

0 0 0
                                    


Tahimik akong kumikilos. Tahimik lamang kaming dalawa, panay ang sulyap niya sa akin pero hindi ko 'yon pinapansin. Dahan dahan akong kumakain. Wala akong ganang kumain.

Tinulak ko ang pinggan ko kahit na hindi ko pa nauubos ang pagkain ko, tumayo na para maligo. Gusto kong maiyak pero walang tumutulong luha. Naligo na lang ako para maging maaliwalas.

Kailangan kong maka punta ng bundok ng Kayabyab para mabalita sa aking guro ang nangyari sa akin. Hindi ko na nagugustohan ang pananatili ko rito.

Natapos akong maligo, isinuot ko ang dalang damit ng babae kahapon, isa itong masikip na puting damit at pulang saya. Humarap ako sa salamin para makita kung maayos na ang damit ko. Pinuyod ko ang buhok ko sa isang mataas na bun, hinihipan ko ang buhok na hindi naisama sa bun at iginilid ito.

"Mamimitas lang ako ng prutas sa hardin mo. Nasan na pala ang mga pinabili ko sayo?" tanong ko sa kanya

Itinuro niya ang dala niyang bayong kahapon. Tinaasan ko muna siya ng kilay bago halungkatin ang mga pinabili ko sa kanya. May binabalot siyang tatlong lata sa tela.

Sampung piraso papel at isang simpleng pluma. Kung ganon bumili rin pala siya ng kutsilyo. Nilingon ko siya upang makita ang ginagawa niya pagkatapos ay agad kong itinago sa libro na pinabili ko rin. Isang libro ng ibong adarna, English book, tapos isang kakaibang libro.

"Romeo and Juliet, love story" basa ko sa pamagat nito

Hindi ako nagbabasa ng mga romansa. Sa kanya siguro 'to—pfft! Nagbabasa siya ng ganito. Napangiti ako pero agad ring nawala ng makakita ako ng panty at bra na nakabalot sa lumang dyaryo. Talagang binilhan niya ako.

"B-bakit ang dami nito" tanong ko, maaring totoo na hindi kasya sa akin ang ibang mga undergarments dito pero nagbibiro lang naman ako akala ko hindi niya ako bibilhan

"hindi ko alam kung anong sukat mo, kaya binili ko na lahat ng sukat"

Ayos na rin siguro 'to. Siguro'y itatabi ko na lang ang ibang hindi kasya sa akin.

"Sasamahan na kita sa pamimitas ng prutas, pwede ko namang ipagbukas na lang ang aking trabaho"

Umiling ako. Hindi ko kailangan ng tulong. Atsaka kukuha lang ako ng manga.

"Pumasok kana sa trabaho mo,sayang naman ang kikitain mo, dagdag narin yon sa ipon mo. Ako na ang magluluto ng hapunan natin"

Sumimangot siya na para bang hindi sang ayon. Totoo naman na sayang. Inabot ko na sa kanya ang bayong niya.

"Marunong kang mag luto?" may halong sarkista nito

Natigil ako sa paglalagay ng mga gamit niya.

"H-hindi—pero pwede ko namang aralin diba. Meron akong nakitang libro doon na tungkol sa pagluluto, madali lang naman yun"

Kung pano ko napapanood mag luto ang mga kasambahay namin, madali lang. Ngumisi siya tapos tinulungan na akong maglagay ng gamit.

"Madali lang. Kung ganon aabangan ko ang luto mo," ani nito na halos matawa pa

Anong nakakatawa? Akala niya siya lang marunong magluto, matututo rin ako at kapag marunong na ako araw-araw ko siyang lulutuan para lang ipamukha ko sa kanya na kaya ko.

"Anong gusto mong lutuin ko!. Lulutuin ko, sigurado akong pag uwi mo dito nakahain na ang pagkain natin" hamon ko

Patago siyang ngumiti, tinanaw ko siya. Anong nginingiti-ngiti mo! Hindi ka naniniwala. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy ng ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ko.

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon