KABANATA 14

1 0 0
                                    


Kinabukasan ay maaga akong nagising para matulungan si Leon sa gawaing bahay bago siya pumasok. Katulad ng kahapon maaga ulit siyang pumasok, naiwan na naman akong mag isa dito.

Wala naman akong gagawin buong maghapon kaya napagisipan kong umakyat ulit sa bundok ng manggahan kung san nangyari ang pagatake sa akin. Nakuryuso lang ako kung ano ng nangyari doon.

Alam kong delikado pero iba talaga pag nagsuhestiyon na ang utak mo. Tsaka malay natin makita ko ulit ang lalaki at makausap ko nang mahinahon.

Nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ba talaga ako o pupunta na lang ulit ako ng dagat. Parang namimili lamang ako ng kung anong mas makakapagpahamak sa akin.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot na ako ng puting damit na hapit na hapit sa katawan ko at isang pulang mahabang saya. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko dahil basa pa. Kinuha ko na ang bayong at nagsilid ng kutsilyo. Baka pwede ko ring mabenta ang kukuhain kong mangga, para naman may maidagdag ako sa gastusin dito sa bahay.

Kagabi ay maaga kaming umuwi. Pinatapos lang akong kumain ni leon at umalis na kami. Ayaw pa nga siyang pauwiin agad ng mga kasama niya dahil hindi pa daw ito nalalasing. Babawi na lang daw siya. At gaya ng sinabi niya natulog nga siya kagabi sa labas.

"Hello Belle!"

Napatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko. Agad kong sinarado ang pinto at gulat siyang hinarap. Natawa naman siya sa reaksiyon ko.

"Magandang umaga, umm—haha! Saan ang punta mo? Pasensya nagulat ba kita"

Hindi naman.

"Umm magandang umaga din. Mangunguha lang ako ng mangga sa bundok" sagot ko at lalagapasan na sana siya ng tumagilid siya at hinarang ang ulo

Tinitigan niya ako at ngumiti na naman.

"Sama ako. Pumarito talaga ako para gumala. Nasa trabaho na ang nobyo mo? Teka nga! Mag asawa ba kayo o magkatipan?"

Umiling na lamang ako at umakyat na nang bundok. Nakasunod naman. Nang makarating kami ng tuktok ay pabagsak siyang naupo habang hinihingal.

Tinanaw kong muli ang lugar. Malayong-malayo ang armania sa guardiana. Ang armania tahimik pero pag dating sa digmaan mga palaban, kaya rin nakakatakot ang armania dahil sa mahigpit at palaban nitong mga kawal. Ngunit mabait rin naman lalo na kapag may mga bisita mula sa ibang kaharian, ewan ko nga lang kung totoo.

"Sa lugar na yon nakatira ang mga masasamang tao. Tulungan na kita sa pamimitas para agad rin tayong makauwi, baka kasi biglang may magpakitang masamang tao" ani ni Gladys habang tinuturo ang kanyang tinatanaw sa likod kaya napalingon rin ako

Tumayo na siya at inabot ang basket ko. Nagsimula na siyang mamitas. Hindi ako kumibo at pinanood ang tahimik na kagubatan. Kung alam naman pala nilang may masasamang tao dito bakit hindi nila sinasabi sa hari at reyna nang sa ganun ay malusob ng mga kawal ng guardiana. Siguro nama'y pagaari parin ng guardiana ang lupaing ito, bakit nila hinahayaan?.

Bumuntong hininga ako at tinulungan na siyang mamitas. Alam rin kaya ng hari at reyna ang tungkol sa pagkawala ng prinsesa ng armania? Sana totoo ang sinasabi ni Leon

"Taga saan ka nga pala? Diba hindi ka taga rito sa baryo?"

Parehas kaming natigil sa pamimitas. Hindi ako kumibo at ganon rin siya. Nararamdaman kong may nanonood sa amin.

"A-Alis na tayo dito. Ayos na itong mga nakuha natin" ngumiti ako para hindi mahalata ang kaba ko

"May gagawin pa ako eh" sabi ko at binuhat na ang buslo na puno ng manga

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon