KABANATA 27

0 0 0
                                    

WARNING: SPG!!!

_______

Binawi ko ang ang kamay ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin.

"At kung hindi?" medyo tumaas na boses ko

"Pag iisipan ko pa" mahina nyang saad

Naalala ko mag nobyo't nobya na nga pala kami. Hindi nya ba ako susuportahan.

"Nobya mo na ko diba? Hindi mo ba ko tutulungan" seryoso kong saad

Nagulat sya "B-belle" at walang pasabing tumawa

Napa nganga ako. Sinamaan ko sya lalo ng tingin.

"B-bakit ka tumawa? Totoo naman diba?"

Lumayo ako sa kanya at naghalukipkip.

Hinawakan nyang muli ang kamay ko para mapalapit ako sa kanya.

"Nagulat lang ako dahil hindi ko aakalaing gagamitin mo yan para lang makuha mo ko"

Hinampas ko sya. Nakakainis talaga sya kahit kailan.

"Pinagmumukha mo lang akong tanga" saad ko at lumayo pa lalo sa kanya

"Patawarin mo ako, mahal ko." nag init ang mukha ko "Ngunit marapat lamang na pag isipan ko ito bago sang ayunan ang gusto mo"

M-mahal ko?

Diba yan ang tawag ng magkasintahan sa isa't isa.

Ngumiti ito sakin samantalang ako naman ay seryoso na gulat pa.

"K-kanina ka pa ah! Sinusubukan mo ba akong akitin?!"

Nilayo ko ang kamay ko. Nagulat ito at napakuno't ang noo.

"A-anong inaakit? H-hindi ko ginagawa yon" napaiwas sya ng tingin

Napatabon ako ng kamay sa mukha. Bakit ko ba sinabi 'yon.

"Matutulog na ko!" aalis na sana ako habang nakatabon ang kamay sa mukha ng hilahin nya ko paupo ulit

Hinilot nya ang kanyang sentido. Baka nagalit sya? Dapat talaga hindi ko na sinabi yon

"Sorry—"

"May problema ba tayo?"

Inangat nya ang baba ko paharap sa kanya.

"W-wala. Naguguluhan lang ako."

Napalunok ako. Mukha ba kong nag sisinungaling.

Pinaglaruan ko ang daliri ko.

"E-eh kasi kanina kapa ganyan—para kasing inaakit mo 'ko kaya akala ko totoo talaga. Pasensya."

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabon sa mukha ko.

"Dapat ako nga ang nagtatanong sa'yo nyan. Kanina mo pa ako tinitignan ng nakaakit"

Nag init lalo ang mukha ko. Pakiramdam ko mukha nakong isang kamatis.

Nagtitigan kami.

Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ito.

Napadako ang tingin ko sa labi nya. Naalala ko na naman yung sa kalesa at yung sa ilog. Ayoko na.

"L-Leon" nang hihina kong saad

Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya. Naramdaman ko ang kanyang pagkagulat.

Pinatong ko ang kamay ko sa balikat n'ya bilang suporta.

Habang tumatagal ay tumutugon na rin s'ya sa mga halik ko.

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon