KABANATA 4

1 0 0
                                    


Nakabalik kami sa palasyo. Hindi ako tumungo sa venue kung saan gaganapin ang party. Dumaretso ako sa likod ng plasyo. Kinuha ko ang tali na lagi kong ginagamit paakyat sa kwarto ko.

Inihagis ko ang tali sa lantern ng balkonahe. Nagsimula na akong umikyat. Dito ako laging dumadaan kung gusto kong magpahangin sa bundok o tatakas. Nang maka akyat na ako ay kinuha ko ang tali at itinago sa likod ng mga halaman.

Maraming tao nang makarating ako ng kaharian. Sa totoo lang wala akong balak dumalo sa selebrasyon. Pumasok ako ng aking kwarto. Lumapit ako lalagyan ng libro. Tinulak ko ito pagilid para magbigay daan.

Sa likod ng book shelf ay maliit na daan papunta sa sikretong silid na ako lang ang nakaka alam. Gumapang ako para makapasok pagkatapos ay lumuhod para higitin ang rectangular mini table ng matabunan ang daan.

Bumaba ako ng hagdan. Nadiskubre ko ito isang taon na ang nakakalipas. Dito ako nagaaral ng ingles at nag aaral ng martial arts o self defense. Minsan ay dito din ako natutulog. Base sa kaalaman ko ang silid na ito ay gawa ng lola ko mula sa ika-apat na henerasyon. Siguro'y dito rin siya nagtatago at nag aaral ng martial arts.

May malaking kama dito,Dining table,maliit na kusina, may mga kung ano ring mga gamit rito na ginagamit sa pakikipag laban tulad ng pana, kutsilyo, shield, espada, at kung ano-ano pa.

May banyo rin rito at sa gilid ay mayroong gamit na hindi ko maintindihan. Inilabas ko ang camera ko at pinrint ang mga kuha kong litrato kanina. Kinuha ko ang radio at nagpatugtog. Sound proof ang silid na to kaya kahit na magsisigaw o magtatambol pa ako dito ay hindi ako maririnig.

Idinikit ko sa board ang mga litrato ko. Ang iba naman ay oobserbahan ko. Naupo ako. Tinignan kong mabuti ang litrato ng mga kabahayan na nasa tapat ng dalampasigan. Ngayon ko lang nakita ito. Parte ba ng armania ang mga kabahayan na ito?

Kinuha ko ang isa pang litrato na nakuha ko. Ito'y litrato ng mga magkakasunod na bangka na sa pagkakaalala ko ay mangingisda sila.

Binuklat kong muli ang mga litrato. Sumunod ay litrato ng isang lalaki na nakatanaw sa akin habang kinukuhanan ko sila ng litrato. Malabo ito ngunit pamilyar. Para bang nakita ko na siya noon.

Ang hubog ng katawan niya ay pamilyar sa akin. Napatayo ako sa gulat. Napadako ako sa lalagyan ng mga folder. Kinuha ko ang folder number 8 kung saan may litrato rin no'ng lalaking pumasok sa palasyo.

Pinagmasdan kong mabuti ang mga litrato. Hawig sila. Hindi kaya ang lalaki na iyon ay ang magnanakaw na pumasok sa palasyo. Ngunit ang layo may kung ano sa isip ko na tumatanggi.

"Hanggang ngayon ay pinaghahanap parin ang lalaking magnanakaw na ito. Hindi kaya siya yun. Tama! Hindi" bulong ko sa aking sarili, napangiwi ako sa kuryusidad

Idinikit ko rin sa board ang dalawang litrato. Gusto kong malaman at mapuntahan ang lugar na iyon ng ako lang mag isa.

Pumasok ako sa banyo. Binuksan ko ang gripo sa bath tub. Hinubad ko ang suot kong dress, ngayon ay naka black tube na lang ako at naka manipis na short.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Mas lalong nagbago ang katawan at itsura ko. Ngayong labing taong gulang na ako mas lalo na nila akong pagbibigyan sa mga gusto ko. Napangisi ako sa sarili isipin.

Habang lumalaki ako mas lalong lumalawak ang pagiisip ko. Maraming sikreto. Ang bawat sulok ng silid na ito ay puno ng sikreto. Dahil sa mga misteryo gusto kong malaman ang mga ito.

Lumapit ako sa bath tub at inilubog ang sarili doon.

"Hmm. Kalayaan. Kailan ko kaya matatamasa iyon ngayong mukhang"isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon