KABANATA 28

0 0 0
                                    

Nagising na lamang ako dahil sa mga ingay ng manok. Napapuyupos ako sa aking mata.

Nilingon ko si Leon na mahimbing na tulog habang nakayakap sakin.

Sariwa parin sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Medyo kulang din ang tulog ko.

Tanging kumot lang ang nakatabon sa amin. Napahilot ako sa aking sentido.

Ginusto ko rin naman ang nangyari sa amin kagabi kaya makakahinga na ako ng maluwag. Napabiling ako sa maamong mukha ni Leon na tulog. Ang gwapo talaga nya.

"Mmm? Bakit?"

Nagulat ako ng bigla itong magsalita. Napamulat ito bigla. Nagkatitigan kami.

"A-ah bakit?" pagbabalik ko sa kanya

Nag init ang mukha ko dahil ang lambing ng boses ko. Hindi naman ako ganito eh.

Ngumiti ito at saglit akong dinampian ng halik sa noo.

"Magandang umaga, mahal ko"

Namula ako sa sinabi niya. Itinulak ko ito palayo sakin at napapikit.

"Bakit?" aniya sabay tawa

Pinalo ko sya sa braso. Sinamaan ko ito ng tingin.

Bumangon na ako at tinabunan ang katawan gamit ang kumot. Inayos ko ang aking buhok dahil ang gulo.

"Bumangon kana nga dyan. M-mag bihis kana rin dahil naka hubad kapa"

Bumangon din ito at inayos ang buhok.

"Nakita mo na rin naman itong katawan ko Belle "

Nagiwas ako ng tingin

"Maligo na muna tayo. Bibili na lang ako sa labas ng pagkain natin. Tara na"

Inirapan ko ito "Kaya kong maligong mag isa. Ikaw na lang ang mauna total ikaw na ang mas mabaho sating dalawa"

Tumawa ito at niyakap ako patalikod.

"Bakit parang mainit ang ulo mo? Mmm. Paliliguan kita kaya tara na"

Hinalik-halikan nya ang batok ko papuntang leeg ko.

"Masakit nga kasi" mahinang saad ko

Mahina itong natawa.

"Aalalayan kita. Wag kang mag alala papainomin kita ng gamot mamaya para di na sumakit"

Napatabon ako ng kamay sa aking mukha dahil sa kahihiyan. Hinampas ko syang muli at tumawa lang sya.

Dinala nya ako sya banyo at pinaliguan nya ako. Akala ko masusundan pa yung nangyari samin kagabi. Pagkatapos kong magbihis ay nagpaalam syang bibili muna sa labas.

Tumungo ako sa salas at inilapag ang mga gagamitin ko sa pagsulat ng liham para kay Marcella.

Inilatag ko sa lamesa ang isang papel at isinawsaw ko naman ang pluma sa tinta. Seryoso akong nagsusulat ng mga plano ko at kung anong gagawin nya.

Nawa'y matulungan ako ni marcella at hindi ako pagtaksilan. Alam kong hindi gaano maganda ang pagsasama namin pero nasisiguro ko na mapapagkatiwalaan ko sya.

Natapos ako at saktong pagdating rin ni Leon. May dala itong kanin at pansit. Inihain nya na ang mga ito, tinulungan ko na rin sya sa pag ayos ng pinggan. Aniya ay may lakad raw sya ngayon kaya dadalhin niya na rin daw ang pinapadalang sulat ko.

Nagsimula na kaming kumain at kinuwento ko sa kanya si Marcella. Wala naman syang ibang ginawa kundi ang makinig lamang. Ikinuwento ko sa kanya kung paano ko itinuring na kapatid si Marcella kahit na medyo magkalayo ang loob namin sa isa't isa.

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon