KABANATA 17

1 0 0
                                    


Manghang-mangha akong bumaba ng kalesa. Ang ganda. Sobrang linis ng paligid. Narating na namin ang lupa na bibilhin ni leon.

Napakalinis ng paligid. Ang mga damo ay berdeng berde, wari ko'y ang tawag sa damo na ito ay bermuda grass. Walang ni isang halaman sa paligid at mayroong isang maliit na kubo sa gitna ng lupa. Nasa di kalayuan naman ang mga puno na wari mo'y sumasayaw tuwing umiihip ang hangin. At mga ilang metro lang ay mayroong isang bangin at ang nasa ilalim nito ay isang malalim at malawak na dagat.

Napangiti na lamang ako dahil sa nakikita ko ngayon.

Isa itong paraiso.

"mmm.... Ang presko dito at ang ganda. I na maganda ang magiging buhay niyo rito. Halina kayo binibini sa maliit na kubo" ani ni carlos at naunang naglakad papuntang kubo

Nakangiti akong nakasunod sa kanya. Nakasunod naman sa amin si leon.

Namangha ako ng makita kong may maliit na lawa sa gilid ng bahay at mayroong mga patong naglalangoy roon.

Maging ang maliit na kubo ay malinis at maganda.

"mukhang bago pa itong kubo. Dito na ba kayo titira?" pagtatanong ni carlos at nahiga sa isang duyan

Pumasok ako sa isang pinto at inilibot ko ang paningin ko sa loob. Ito ata ang kwarto kung saan kami matutulog. Mayroon na itong tulugan na kama at mayroon pang aparador sa gilid. Binuksan ko ang bintana at tinukudan ng kahoy.

Pag labas ko ay nagtatawanan ang dalawa.

"loko ka talaga carlos. Hindi pa kami kasal" tumatawang saad ni leon

Huh? Sabay silang napalingon ng masarhan ko ng malakas ang pinto

Tumikhim si leon. Uminom naman si carlos ng tubig at nag iwas ng tingin.

"tapos ka na bang maglibot? Anong masasabi mo?" pagtatanong ni leon

"hindi ko pa nakikita ang kusina, pero maganda naman" ani ko at naupo sa tabi niya

Pinagsalin niya ako ng tubig at inusog palapit sakin "maayos naman ang kusina, ang problema lang siguro ay ang bubong. Kapag lumipat na tayo dito ay doon ko na lang papaltan ang bubong, mangunguha pa ako ng pampalit"

Mmm?

"pwede ba tayong mag usap" ani ko at pinaglaruan ang bunganga ng baso "nang tayong dalawa lang" dagdag ko pa ng hindi tumitingin sa kanila

Napatikhim naman si carlos at tumayo.

"sige na, mister leon. Aayusin ko muna ang gulong ng kalesa... Dito na muna ako binibini" pagpapaalam ni carlos. Hindi ako sumagot pero tinanguan siya ni Leon

Pagkalabas niya binalot kami ng katahimikan. Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko at nalilito ako kung ano ang uunahin ko

Binabagabag ako ng mga sinabi ni carlos tungkol sa pagkawala ko

Marapat lamang na magbuo ng pangalawang plano

"anong gusto mong pag usapan natin?"

Bumuntong hininga ako at tumingin ng diretso sa tanawin na kaharap namin dito

"hindi ba't sinabi mo na tutulungan mo rin akong makabalik ng armania at tulungan akong makaligtas" pagtutukoy ko sa mga problemang makakaharap ko kung sakaling natuloy yun

Hindi siya sumagot at tulad ko ay diretso rin ang tingin niya sa tanawin

"kung bumalik kaya ako ng armania? Anong mangyayari sakin? Sa tingin mo kaya mapapatawad nila ako?"

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon