KABANATA 2

0 0 0
                                    

Tatlong linggo ang lumipas wala akong ibang ginawa kundi magkulong sa kwarto ko. Wala akong ganang kumain, wala akong ganang mag aral, wala akong ganang kumilos. Aaminin ko na medyo nagtampo ako sa aking ina pero agad rin 'yong nawala dahil hindi ko kaya.

Sinuklay ko ang buhok ko pagkatapos ko itong patuyuin. Walang emosyon ang mukha ko. Nagpakurapkurap ako sa harap ng salamin. Ngumiti ako upang makita ko kung anong itsura ko kapag ngumingiti. Napailing na lang ako. Para lang akong baliw sa ginagawa ko.

Sa loob ng tatlong linggo pansin ko rin ang madalas na pagdalaw ng prinsipeng Cain. Nakikita ko siyang nagbababa ng halaman sa tuwing sinisilip ko siya. Nagpapadala rin siya ng bulaklak sa akin katulad ng rosas,mirasol, sampaguita at iba pa. Tinatanong niya ako sa aking magulang. Hindi ako nagpapakita sa kanya. May mga liham rin siyang ibinibigay sa akin, ang iba doon ay tungkol sa paghingi niya ng paumanhin sa nangyari at ang iba doon ay mga walang kwentang sulat.

Napadako ang tingin ko sa litrato ng lola ko. Inabot ko ito at pinagmasdang mabuti. Ang lola ko sa edad na dise-otso noon at ako sa edad na kinse ay hindi nalalayo ang itsura. Ang ipinagkaiba nga lang namin ay masayahin siya. Ako naman.

Kasing puti ng niyebe ang buhok ko ganon rin sa kutis ng balat ko. Ang mga labi ay kasing pula ng mansanas. Mahahabang pilik at tamang ayos ang mga kilay. Ang mga mata ko ay kulay brown. May maliit na ilong. Tamang hugis ng mukha na babagay sa akin. Maganda ako.

"Pasensya na mahal na prinsesa, ipinapatanong po ng hari kung sasama ka pa raw po dahil aalis na sila"

Hindi agad ako sumagot dahil gulat pa sa biglang pagpasok nito ng walang paalam.

"Paki sabing susunod na lang ako"

"Opo-"

"At pwede ba kumatok ka muna bago ka pumasok"

Tumango ang babae at umalis. Napabuntong hininga na lang ako.

Tama naman na pagsabihan ko siya pero bakit parang ako pa ang mali. Napailing na lang ako bago magpasyang lumabas. Naabutan ko ang babae kanina sa tabi ng pinto ko. Siguro'y hinihintay niya ako.

"Nasan na sila?"

"N-nasa kalesa na po, mahal na p-prinsesa"

Tumango ako.

"Anong ngalan mo?" pagtatanong ko. Inalalayan niya akong bumaba

"Po?! Magda.....Magdalena po binibini" ngumiti ito kahit na nagtataka

"Ilang taon kana at saan ka nakatira? Ikaw ba ang nakatuko sa akin?"

"Labing lima na po ako a-at wala po akong tirahan kasama lang po ako ni manang Selda atsaka opo ako po"

"Kasama kaba ngayon?" tumigil ako sa paglalakad para matanong siya ng maayos

"Opo, ayos lang po ba sa inyo iyon?"

Tumango ako bilang sang ayon. Iginaya niya ako sa pangalawang kalesa kung saan kami sasakay. Inalalayan ako ng butler sa pagsakay ganun rin ka'y magda.

Nang nagsimula ng lumarga ang pangunang kalesa ay sumunod na ang kalesang sinasakyan ko.

"Binibini ano po ang paborito niyong bulaklak?" pagsisimula ni magdalena nang mapadaan kami sa hacienda ng mga bulaklak. May mga taong kumakaway at nagbibigay pugay. Napatingin ako sa kanya

"Wala akong paboritong bulaklak dahil lahat sila ay gusto ko" sagot ko

Ngumiti ito sa akin at mukhang pinipigilan ang sarili sa pagsasalita.

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon