KABANATA 26

1 0 0
                                    


Nagulantang ako ng may kumalabog. Yung lampara lang pala nalaglag. Inayos ko ito. Malapit ng magtanghaling tapat.

"Matutulog ka?"

Nilingon ko si Leon na naka hilig sa pintuan ng kwarto habang nakahalukipkip.
Medyo pagod nga ako pero magluluto pa ko ng kanin eh.

"Tara na" aniya sa malalim na boses

Napatango ako. Napahawak ako sa batok ko bago pumasok ng kwarto.

Bubaksan ko sana ang bintana sa kwarto ko nang hinawakan ni Leon ang kamay ko.

Nakaupo ito sa kama, pinipisil pisil ang kamay ko.

"Tulog na tayo" aniya

Tumango ako at binuksan ang bintana.

Humiga na sya kaya napatigil ako. Hinilot nya ang kanyang sentido at napapikit. Umupo ako sa tabi nya bago hinubad ang suot kong sandalyas.

Tumabi ako sa kanya at napapikit. Pakiramdam ko ay may kung anong wirdong pakiramdam sakin.

Hindi ko na lang pinansin itong nararamdaman ko at tumulog narin. Nakapikit ang mga mata ko pero gising ang aking utak. Nagiisip ako kung ano nang gagawin ko ngayong wala ng pag asa. Mukhang may isang paraan na lang para maayos na ito. Bukas na bukas papadalhan ko ng sulat si Marcella.

Handa na kong magbagong buhay para matapos na ito. Nakaisip na ako ng plano.

Handa na akong ipasa kay Marcella ang trono.

Nagising na lang ako dahil sa sigawan na naririnig ko sa labas.

Pagkamulat ko ay nakita ko si Leon na nakayakap sakin.

Sobrang lapit namin sa isa't isa. Ang himbing ng tulog nya para gisingin ko.

Nakabaon ang mukha nito sa dibdib ko kaya ramdam ko ang init ng paghinga nya.

Nag init ang mukha ko.

Mukhang gabi na rin kasi ang dilim na sa labas.

Sinubukan kong dahan-dahang tanggalin ang braso ni Leon na nakayakap sakin pero mas lalo nya lang hinigpitan ang pagkakayakap.

Gising ba 'to?

"Leon" bulong ko rito

Umungol lang ito.

Subukan ko ulit tanggalin ang braso nyang nakayap pero ayaw talaga.

"Leon, gabi na" bulong ko ulit

"Anong gagawin natin?" aniya sa baritonong boses

Anong gagawin? Syempre kakain pa kami. Kailangan pa naming magluto.

Hinawakan ko ang baba nito at inangat paharap sakin ang mukha nya.

Tulog parin ba sya?

"Mmm? Anong binabalak mo?" aniya bago mumulat

Nagulat ako kaya nilayo ko sa kanya ang sarili ko.

Ngumiti sya at nilapit muli ako sa kanya.

"A-ah tinitignan ko lang k-kung gising ka"

Kinagat ko ang aking labi dahil sa kahihiyan.

Nagkatinginan kami dahil sa sobrang tahimik pakiramdam ko may mali tuloy.

Madilim narin sa kwarto dahil wala namang sindi ang lampara. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ilaw samin.

"Bakit?" tanong nya

Napahinga ako ng malalim. Umiling ako. Napatigil ako ng inilagay nya ang ilang hibla ng buhok kong nasa mukha ko sa likod ng tainga ko.

Mas lalong nag init ang mukha ko.

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon