KABANATA 3

1 0 0
                                    

Bumangon ako sa pagkakahiga. Tumungo ako sa aking mesa kung saan ako nagaaral. Leon. Para siyang lion. Halimaw siya. Nakakainis siya. Pinagyayabang niya pa talaga sa akin tumutulong siya. Kaya ko rin namang tumulong! Kung pinapayagan lang ako na lumabas ay siguro araw-araw akong tumutulong sa mga tao.

"At ano?! Tinitignan niya lang kung gaano kaganda ang palasyo. Hindi ako naniniwala! Anong akala niya sa akin-tanga! Pakitang tao!" sigaw ko

Iginuhit ko ang itsura nito at nilagyan ng sungay. Nakakainis talaga siya.

"Sa susunod na pagkikita namin lagot talaga siya sa akin! "

Nasabunot ko ang sarili ko sa inis. At hinihiling ko pa talaga na magkita uli kaming dalawang ha! Titiyakin ko talaga na mapapaalis siya dito. Isusumbong ko ang ginawa niyang pagpasok.

Bumalik ako sa aking kama. Sinisira niya ang araw ko. Nakakainis. Masaya dapat ako ngayon dahil kahit papaano nakita ko ng matagalan ang baryo, ang paligid, ang kalikasan ta's ngayon. Nakakainis talaga.

Dumating ang hapon naintindihan ng mga magulang ko kung bakit hindi ako tumuloy. Sinabi ko rin sa kanila ang tungkol sa lalaking taga baryo na pumasok rito ng walang paalam. Nagpadala si ama ng mga kawal sa baryo upang hanapin si leon para maparusahan. Akala ko makakahinga na ako ng maayos ngayong naisumbong ko na. Sumapit ang gabi at narinig ko na nahuli na raw si leon. Hindi ako mapakali. May kung ano sa sarili ko na tumutulak upang bawiin ang sinabi ko.

Bumangon ako sa pagkakahiga. Kinuha ko ang unan at doon sumigaw.

"Ba't ako maaawa! Tama lang ang ginawa ko! Nasa patakaran ng palasyo na bawal magpapasok ng taga baryo dito!" kausap ko sa hangin

Kasalanan niya kung bakit yan ang kinahihinatnan niya. Problema ko pa ba 'yon-hindi! Nakakainis parin siya. Hindi ko siya tutulungan..

Buong buhay ko para akong nakakulong sa dilim. Hindi ako marunong maawa. Bato ang puso ko. Wala akong puso.

Pinunasan ko ang mga luhang naguunahang tumulo. Kung tutulungan ko siya baka mas lalong mag iba ang tingin sa akin ng mga tao rito. Pero kung hindi ko siya tutulungan malamang parang kasalanan ko narin iyon.

Hindi naman ako magiging masama diba...bakit ba ako umiiyak. Dapat propesyonal lang ako.

Kasalanan naman talaga ni Leon 'yon. Hindi ko na problema kung ano man ang mangyari sa kanya. Kasalanan niya. Balak niya pang magnakaw. Akala niya siguro mauuto niya ako. Asa siya.

Pinunasan kong muli ang mga luhang bumabagsak.

"Wala kang puso diba! Ba't ka umiiyak Belle! Isa kang Xaviera, dapat propesyonal ka!" umiiyak kong saad sa aking sarili

Tinapik-tapik ko ang aking pisngi. Ayos lang yan belle. Kung ipakain man siya sa leon o kung ano man ang gawin sa kanya, hindi mo na problema 'yon. Labas kana don.

Humiga na akong muli ng mapagaan na ang aking sarili. Makakalimutan ko rin siya.

Ilang taon ang lumipas. Maaga akong nagising. Dumeretso agad ako sa banyo. Isinuot ko ang aking French satin light dress. Pagkatapos kong magbihis ay pumunta naman ako sa aking dressing table. Naglagay ako ng light make up, kinulot ko ang aking buhok. Espesyal ang araw na'to sa'kin dahil ngayong araw ay pupunta ako ng dagat.

Isinuot ko na rin ang aking ankle-strap stilettos versatile transparent rhinestone high. Kinuha ko na ang purse ko at lumabas ng kwarto.

Sumalubong sa akin ang aming tatlong maid. May dala silang patong-patong na plato. Ang ibang maid ay nagbubukas ng bintana habang ang iba naman ay nagaayos ng mga gamit.

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon