KABANATA 13

0 0 0
                                    


Kinaumagahan ay nakatulala lamang ako habang iniisip ang nangyari kagabi. Gaya ng gusto niya kinuwento ko ulit ang mga nangyari sa akin. Hindi ko masabi ang reaksyon niya pero alam kong galit siya. Hindi ko alam kung tutulungan niya ba talaga ako o gusto niya lang malaman ang nangyari sakin para pagalitan ako

Wala akong ganang lumabas ng kwarto pero, kailangan kong gawin ang mga ginagawa ko tuwing umaga.

Naka hinga naman ako nang maluwag ng malamang wala siya dito. Siguro'y maaga siyang pumasok sa kanyang trabaho, pero bakit ang aga naman yata.

Dapat talaga bumuo na ako ng plano. Hindi ako ligtas dito, at kung tutulungan nga niya talaga ako dapat narin akong bumuo ng plano kung pano niya ako matutulungan.

Medyo wala pa akong tiwala sa kanyang sinabing tutulungan niya ako baka isa lamang itong paraan niya para masumbong sa palasyo.

Napasabunot na lamang ako sa buhok ko habang inaalala ang nangyari kahapon. Masyado akong nagpadalos-dalos, hindi ko na naman pinag isipan ang kilos ko.

Nakaramdam ako ng hiya sa mga ginawa ko kahapon, nakakahiya! Pamamahay niya pa naman 'to. Kung siguro ibang tao yun malamang pinalayas na ako.

Kinatanghalian ay wala lang akong ginawa. Sana'y naman na akong walang ginagawa pero ngayon hindi ako mapakali dahil wala akong ginagawa.

Dahil wala akong ginagawa nagtahi na lang ako ng mga damit na susuotin ko sa oras sasabak na ko, marunong naman ako sa pagtahi.

Hindi ko alam kung pano kami maghaharap mamaya. Galit parin siya sa akin. Kung hihingi ba ako ng tawad hindi na siya magagalit.

Pagkatapos kong magtahi ay nag ayos ako ng aking sarili.

Kinulot ko ang aking buhok gamit ang aking mga kamay pagkatapos nilagyan ko ng spray net para kumapit ang kulot, nag intay ako ng ilang minuto para matuyo ito. Sinubukan ko rin ang mga binili niya kolorete. Light make up lang 'yon tulad ng nakasanayan ko. Sinuklay ng kamay ko ang buhok kong kulot at napanguso ako.

Parang walang nangyari kagabi, bakit ko ba naisipang mag ayos?! Tss! Sinubukan ko lang naman.

Nilibang ko na lamang ang aking sarili sa paglilinis nang bahay.

Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nalinis ang bahay para lang malibang ako.

Sumapit ang hapon, hinain ko na ang mga pagkaing niluto ko. Hihintayin ko na lang na dumating siya. Tama lang naman ang ginagawa ko, diba?

Hindi naman siguro ako masyadong nagmamagaling. Diba?

Mauna na kaya akong kumain?. Malamang ayaw niya akong makasabay kumain dahil galit pa siya. Palubog na ang araw, tama! Dapat na akong maunang kumain para hindi siya mailang mamaya.

Gaya nang naisip ko, nauna nga akong kumain. Naghuhugas na ako nang dumaan siya. Naghilamos ako para mawala ang kolorete sa mukha. Natigil ako sa pagpunas ng mukha ng magsalita siya.

"Lumabas kaba kanina? May pinuntahan ka?" mataman niyang tanong

"Wala, naglinis lang ako nang bahay maghapon"

Napatango siya

"Kalat na nga sa bayan ang tungkol sa pagkawala mo. Nararapat lang na huwag ka munang lumabas hangga't hindi pa ako nakakahanap ng lugar na matutuluyan mo"

"Lugar na matutuluyan ko? Diba dapat tayong dalawa ang gumagawa ng plano?! Bakit mo ko pinapangunahan."

Natigil siya sa kanyang ginagawa

"Gaya nga ng sinabi ko, tutulungan kita—“

"Kung tutulungan mo nga talaga ako dapat alam ko ang plano mo, ang mga balak mong gawin o impormasyon na nakukuha mo, hindi yung naguuna ka sa pag—“

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon