KABANATA 11

0 0 0
                                    

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising, ginawa ko na ang mga morning routine ko. Humigop ako ng kape at napaismid ng marinig ang halakhakan sa labas.

Hindi pa ata sila tapos magtanim.

Baka nga nagsasabuyan pa sila ng lupa kaya hindi matapos-tapos ang pagtatanim.

Pagkatapos kong magkape ay humarap ako sa salamin.

Naka suot ako ng floral na kulay asul na off-shoulder at itim na hanggang paa'ng saya.

Tinirintas ko ang gilid ng buhok ko at pinaikot sa likod ng ulo ko pagkatapos ay nilagyan ng clip. Tapos ay isinuot na ang itim na sandalyas.

Naabutan ko silang dalawa na naghaharutan. Kinikiliti ni Nica si Leon habang si Leon naman ay tumatawa lang.

Unti-unting nawala ang ngiti ni Leon ng makita ako, napatigil rin yung babae sa kanyang ginagawa.

Napairap ako. Pwede naman nilang ituloy ang ginagawa nila kunyari hindi na lang ako nagpakita.

Naupo ako sa bangkong nasa ilalim ng puno tapos ay binuklat ang librong binabasa na Romeo and Juliet.

Kita ko parin sa gilid ng aking mata ang pagtagal ng tingin ni Leon sa akin, pati ang babae ay napapatingin rin.

May kung anong sinabi si Leon kay Nica na nagpatango rito. Pumasok si Leon sa bahay ang babae naman ay tumungo sakin.

"Ano yan?" pagtatanong nito sabay upo sa tabi ko

Hindi ako sumagot pero itinapat ko sa kanya ang libro para mabasa niya ang paksa ng kwento. Problema niya na kung hindi niya mabasa. Napatango-tango naman siya. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa kahit hindi ko maintindihan.

"Magandang umaga nga pala" aniya sa mahinhin na boses

Hindi muli ako umimik pero tumango ako. Wala akong ganang magsalita.

Sunod naman nun ang paglabas ni Leon sa bahay ng may dalang orange na juice at tinapay.

Inilapag niya iyon sa lamesang masa harap ko tapos kumuha ng silya para maupo sa harap ko. At nagmeryenda silang dalawa, inalok niya ako pero tumanggi ako dahil busog.

"Mamayang tanghali nga pala pupunta akong bayan para kunin ang sahod ko noong sabado at mamamalengke ako. Gusto mo bang sumama?"

Alam kong ako ang kinakausap niya pero ang hirap niyang sagutin. Tumango na lamang ako.

"P-pwede ba akong sumabay sa inyo. Mamamalengke rin ako eh" napakamot ito sa kanyang braso

Pumayag naman si Leon. Kumain muna kami ni Leon bago pumuntang palengke. Tahimik lang kami sa pagkain, kailan ba ako masasanay na tahimik.

Nagintay ako sa labas, lumabas siya ng naka bagong palit ng damit. Naka shorts ito at naka itim na damit na humahapit sa katawan niya.

Mataman niya akong tinignan bago inabot sa akin ang buslo. Nakasunod lamang ako sa kanya, sinundo namin yung Nica sa bahay nila.

Naka suot ito ng off-shoulder na humahapit sa katawan niya at dilaw na saya meron din itong balabal sa balikat,ang buhok nito ay nakapuyod merong shell na clip na naka ipit sa gilid ng buhok niya.

Nahihiya itong ngumiti sa amin—sa akin.

Tahimik lamang kami hanggang makarating ng bayan. Ang paligid ay puno ng tao, kailangan kong bantayan ang bawat galaw ko kundi mabubunggo ako sa tao o di kaya masasagasaan ng kalesa.

Bigla akong kinabahan? Pa'no kung may makakilala sa akin, pero kung ang mga taga baryo ay hindi ako kilala siguro naman hindi rin ako kilala ng mga nandito.

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon