KABANATA 8

0 0 0
                                    


Natapos ang araw na masama ang loob ko. Nakahalukipkip akong nakatulala, matalim ang tingin sa pintuan habang nagiisip ng kung ano-ano.

Ang sabi niya papayag naman daw siya hangga't nag papaalam, ngayon namang nagpaalam na ako hindi siya papayag. Lagi na lang pahinga-pahinga kahit na malakas naman talaga ako.

Sa inis ko ay ibinato ko ang unan sa pinto. Para naman siyang tatay kong strikto. Sa oras na pumasok siya sa kwarto na 'to hindi na siya makakalabas. Kung kailangan kong balian siya ng buto gagawin ko para lang maka alis ako.

"Nakakainis ka! Huwag ka ng babalik dito! Hindi mo na talaga ako makikita kapag wala na ito!" sumigaw pa ako lalo, gusto ko siya ibalibag dito sa kama at pagsasapakin siya

Wala akong pake kung bahay niya 'to. Akala mo naman kung gano kalala itong sugat ko. Ginamot nga ito hindi naman masakit.

"Anong nangyayari?!"

Ibinato ko sa kanya ang nadampot kong damit. At nagpakita pa talaga sakin ang mokong na' to. Walangya

"Lumabas ka! Ayokong makita yang pagmumukha mo."

Napaawang ang labi niya sa pagkakabigla. Gusto niya talagang masaktan ha! Kung siya kaya ang hindi ko payagan mag lalalabas dyan para naman hindi siya laging pinag aagawan ng mga babae. Nakakainis-aishh!

"May problema ba? Pasensya hindi ko narinig ang pagtawag mo sa akin kanina. Anong problema natin?"

Maang-maangan pa. Hindi ako naniniwalang nakalimutan niya na agad yung sinabi ko kanina. Ramdam ko ang paglapit niya sa akin. Gusto ko siyang pagsusuntukin.

Parehas kaming natahimik. Ayoko na sanang palalain itong inis ko sa kanya kaso yung presensya niya-nakakainis!

Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto. Mukhang umalis na siya. Akala niya ata pinapaalis ko siya, tss! Pinapaalis ko naman talaga siya.

Lagi na lang ba akong magpapahinga sa silid na ito. Kapag talaga naka alis ako dito hindi ko na siya babalikan. Nakakainis siya.

Naidlip ako at nagising na may sama ng loob. Pagmulat ng aking mata ay inis agad ang tumama sa akin.

Kinain ko ang pagkaing nakahanda sa akin. Hindi talaga magbabago ang isip niya. Talaga lang ha! Isa pa sino ba siya para pagbawalan ako. Hindi ko naman siya kaano-ano. Tinulungan niya lang naman ako. Atsaka kaya ko naman talaga ang sarili ko siya lang itong walang tiwala.

"ayaw mo pala ah"

Nagising ulit ako sa panibagong araw. Tanghaling tapat na ng makapagligo ako. Napabuntong hininga na lang ako dahil wala akong ibang damit. Lahat ng damit na pambabae dito ay katulad lang noong sinuot kong puting dress. Wala akong magagawa.

Naabutan ko siyang nagliligpit ng pinagkainan namin. Sa totoo lang marami akong plano at balak gawin, ng hindi kumikilos. Humahanap lang ako ng tiempo.

May kumatok sa pinto na nagpagulat sa akin. Kailan pa ako naging magugulatin. May tao sa labas. Sumenyales si leon na siya na ang magbubukas. Hindi ko siya pinansin at pinanood lang ang sarili sa salamin.

Isang mahinhin na boses ang narinig ko.

"Magandang tanghali, Leon " humagikhik ang babae "Pinapaalala ng lola ko, mga damit yan atsaka pagkain. Eto rin, pinapaabot niya, liham daw yan mula sa iyong ama at liham ng lola para sayo"

Sumilip ako para makita sila. Ang babae ay malawak ang ngiti habang inaabot ang mga gamit. Si leon naman ay abala sa pagkuha.

Maamo ang itsura ng babae. Tamang hugis ng mukha, hugis pusong labi tuwing ngumingiti, magandang hubog ng katawan. Hindi ko maipagkakaila na maganda siya.

Beyond the Vanishing Point Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon