Part 1

15 2 0
                                    

[3 years ago...]

"Ate, basang-basa na tayo" sabi ko habang
naglalakad kasama ang aking  kapatid na babae.

"Bilisan mo, malalate na tayo nito! Basa narin ako eh" agad namang sabi niya.

Mas binilisan ko nalang ang aking paglalakad para makahabol sa kanya. Simula kaninang madaling araw ay umulan na, hindi naman namin alam na may bagyong paparating kasi wala naman kaming t.v sa bahay. Sa lakas ng ulan hindi kinaya ng dahon ng saging na ginawa naming pantakip sa ulo upang hindi kami mabasa. Wala kaming payong, ang mahal nun at wala kaming pera. Malayo pa ang lalakarin namin papuntang eskwelahan at basang-basa na. Nakatira kami sa isang probinsiya. Malayo sa siyudad kung saan matagpuan ang mga maraming sasakyan.

"Ate, kung uuwi nalang tayo, maintindihan naman yata ni mama?" Hindi ko na kinaya ang lamig, dahil halos basa na pati panloob.

"Hindi pwede, papagalitan lang tayo nun Estelle. Alam mo naman na hindi yun tumatanggap ng mga excuses eh. Baka akalain nun na sinadya natin na magpaulan" sabi ni ate.

"Ay oo pala, hindi pwede na umabsent ako ngayon, may summative test kami ate, sayang din yung puntos nun" nakangiti kung sabi sa kanya.

"Tama, kaya bilisan mo diyan dahil hindi ko na rin alam kung late na ba tayo, wala tayong relo, hahaha" natatawang sabi ni ate.

Malapit na kami sa paaralan, kunti nalang. Minalas yata kami at mas lumakas ang ihip ng hangin kasama na ang ulan tapos napapaligiran pa kami ng matataas na mais. Halos mangatog na ako sa ginaw. Pagdating namin sa entrance ng school, wala ng mga bata sa labas halos nasa silid-aralan na. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako kasi nahiya na ako sa mga itsura namin ni ate. Since grade 5 na si ate, grade 4 naman ako.

"Estelle, bibigay ko nalang sayo yung baon mo mamayang snack time" sabi ni ate.

"Okay ate" Sabi ko naman.

"Pumasok kana, mukhang nalate na tayo eh, tsaka tignan mo yung bag mo baka nabasa na yung mga laman" paalala niya.

"Opo, mamaya". Habang naglalakad pahiwalay.

"Ate!"

"Ano na naman?"

"Diba limang peso yung binigay ni mama? Dapat 2.50 yung ibibigay mo sakin mamaya ha!" dapat hati talaga, aawayin ko siya kung hindi.

"Oo na, hahaha ang kulit nito. Kailan pa ba tayo hindi naghahati?" nakangiti siya sakin habang naglalakad.

Umiling nalang ako at tumakbo papuntang classroom.

"Hail Mary, full of grace, the Lord is with thee; blessed art thou among women and blessed is the fruit of thy womb, Jesus. Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners, now and at the hour of our death..." hindi ko alam kung ilang Hail Mary na yung nadasal ko. Ang puso ko parang lalabas na sa rib cage sa tindi ng kaba.

"Basa pati panty ko, panu nato..?" Bulong ko habang nakatitig sa pinto ng classroom.

"Bahala na"

*Eeekkkkkk* ( sound yan nung pinto, haha Walang basagan ng trip)

"Good morning ma'am, good morning classmate. I'm sorry I'm late" hindi ako makatingin sa kanila. Nahihiya ako sobra.

"It's alright, it's okay, please come in!" sabay naman nilang sabi.

Habang paupo na ako, hindi ko maiwasang hindi mailang sa kanilang mga tinig, kahit nakatalikod ako. Ramdam ko kaya.

"Estelle, bakit ka pa pumasok ang lakas ng ulan. Ang layo pa naman nung sa inyo." nag ala-lang sabi ni ma'am.

"Okay lang po ma'am. May test po kasi tayo ngayon, kaya ayaw kung lumiban sa klase. Tsaka ano po, malapit na po kami nung umulan ng malakas" pangatwiran ko kay ma'am. Ang galing ko rin magsinungaling sa part na malapit na kami nung lumakas ang ulan.

"Pwede ka naman mag take bukas ng test, maintindihan ko naman kung absent ka ngayon".

Ang bait ni ma'am. Kung ganun naman pala eh sana hindi na ako pumasok. Kaso hindi rin mangyayari kasi may dragon sa bahay. Baka pagtulakan pa kami palabas.

"Okay lang po ma'am".

"Sige, since nandito ka naman, mamaya ka na humabol, magbihis ka muna ng damit at ang basa mo na". she added.

Tahimik lang ako kasi wala akong baon na damit. At tsaka late narin ako nagising kanina, tapos pinagalitan pa. Nakatingin lang ako kay ma'am at sana'y maintindihan niya ang gusto kong iparating. Awkward siyang ngumiti sakin.

"Paumanhin at wala akong extrang damit sa bag. Pero kung okay lang sayo, may extra curtain naman tayo diyan at yun nalang itakip sa katawan mo, okay?"

Ngumiti nalang ako at tumango. Wala rin naman akong choice eh. Tinulungan ako ng mga classmate kung babae para maayos yung kurtina. Inipitan nila nung pang ipit sa sampayan para hindi malaglag. Instant sinampay ako ngayon.

"Sana hindi ka na pumasok Telle"

"Oo nga, tignan mo nga yang itsura mo para kang pulubi sa may kanto, haha"

"Wala ba kayong payong sa inyo, tsaka sanay naman kami na absent ka".

Masakit .....kung alam niyo lang ang mga kaganapan sa bahay, hindi niyo parin ako maintindihan. Wala namang nakakaintindi sakin. Ang alam niyo lang ay anak mahirap ako. Totoo naman iyon.

*******************************************

"Estelle!"

Napalingon ako sa likod para tignan kung sino yung tumawag sakin. Nakita kung paparating na si ate.

"Bakit?" tanong ko.

"Uuwi ka na? Balak mo kung iwan! Aba hindi pwede yun" sabi niya kaagad

"Hindi ka sasabay sa mga pinsan natin?" tanong ko. Minsan kasi sumasabay kami sa mga pinsan namin, total magkapitbahay lang naman kami lahat.

"Hindi na, inaway ako ni Rozel kanina eh, hahaha kala mo naman ikaganda niya yun"

"Bakit ka inaway?"

"Mas lamang ako sa test kanina eh, sabi niya baka nandaya ako"

Matalino si ate, minsan may pagka gagu lang.

"Telle" bigla niyang tawag sakin.

Tumingin lang ako sa kanya, hindi naman siya nagtatanong.

"Ano gusto mo paglaki mo?"

"Gusto ko maging astronaut"

"Haha ang taas ah, bakit?"

"Gusto kung pumunta sa buwan. Sure akong tahimik at payapa dun. Tsaka ang ganda kasi ng mga nababasa ko sa mga libro tungkol sa buwan, kaya gusto ko makapunta dun."

"Mabuti naman at may gusto ka na paglaki mo".

"Ikaw ate? Ano gusto mo paglaki?"

"Mmm, gusto kong maging Engineer" sabay ngiti niya sakin.

"Wow, diba iyon yung gumagawa ng bahay?"

"Oo, gusto ko kasing magkaroon ng malaking bahay paglaki ko".

"Sandali, yung bahay na muna natin yung ipagawa mo. Pagsino yung unang makapag ayos ng bahay  sating dalawa may premyo!"

"Ano namang premyo?"

Ngumiti lang ako sa kanya.

Diamonds in the SkyWhere stories live. Discover now