Part 4

10 0 0
                                    

"Ma!"

"Pa!"

Biglang niluwa ng pintuan si papa hawak pa niya yung damit niya na galing sa sampayan. Nang makita niya ang kalagayan naming tatlo ay kaagad siyang lumapit.

"Anong nangyari?"

Hindi kami nakasagot ni ate kasi hindi ko rin alam kung anong nangyari.

"Sumagot kayong dalawa!" galit na sigaw ni papa

"A-ano po, nahulog po siya sa may stage dun sa court". Hindi makatingin si ate ng deretso kay papa. Ako naman ay umiiwas at napayuko nalang.

"Diba sabi ko sa inyong dalawa na bantayan ng maigi ang kapatid niyo? Hi-"

"Vivien! Anong nangyari!?" Panic na sigaw ni mama.

"Nahulog raw sa stage. Hindi kasi binantayan ng mga magagaling mong anak". Kinuha ni papa si Vivien sa likod ni ate. Umalis sila ni mama, pupunta silang center para ipa konsulta ang kalagayan ni Vivien. Naiwan kami ni ate sa bahay, sobrang tahimik.

"Sino ba kasing nagtulak" bulong ni ate

Napatingin ako sa kanya, nakatulala lang siya sa may sala namin. Nakatingin sa labas. Alam kong umiiyak siya.

"Ate" lumapit ako't tinabihan siya.

"Hindi naman pwede na, mangbitang tayo sa mga kalaro niya dun. Hindi naman natin alam na mangyayari yun at tsaka binalaan na natin si papa. Nagpumilit eh." nagpumilit naman talaga na sumama.

"Kahit na, may kasalanan parin tayo. Hindi natin pinagtutuunan ng pansin si Vivien at mas nag focus tayo sa laro" sabi ni ate.

May point naman. May kasalanan rin kami.

"Tumahan ka na ate, nangyari na. Ang ipagdadasal nalang natin ay yung mangyayari pag uwi nila." Tumayo ako at lumabas ng bahay. Madilim na ang kapaligiran. Tahimik at matiwasay. Napatingin ako sa itaas, malinaw na malinaw ang kalangitan. Mas nakikita ko ang mga bituin. Umikot ako sa likod ng bahay at umupo sa lilim ng punong mangga.

"Ang ganda mo ngayon ah, amoy baby Johnson" nakangiti kong sabi habang nakatingin sa buwan.

"Nakita mo ba kong sino tumulak ni Vivien?  Para naman mapagalitan, hindi yung kami lang ni ate. Palagi  nalang kami." Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Tahimik lang akong umiiyak, para hindi marinig ni ate at baka mag ala-ala pa siya.

"Ngayon lang kita nakausap ulit. Medyo busy ako nitong mga nagdaang araw. Alam kong alam mo yun. Siguro pinagtatawanan mo na ako. Hahaha" hindi ko maiwasang hindi malungkot.

"Hindi ka ba napapagod? Nako, nag-iisa ka pa naman diyan. Mabuti ka pa-"

"Estelle? Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni ate. Nakatutuk pa sakin ang hawak niyang flashlight.

"Nagmumuni-muni lang ate. Bakit?"

"Nandito na sila. Pumasok ka na at baka kunin ka pa ng aswang diyan" pananakot niya sakin. Tumayo ako kaagad pagkarinig ko nun. Nandito na pala sila. Anong oras na ba ngayon? Bakit hindi ko namalayan na dumating sila. Pagpasok namin ni ate, naawa ako sa kalagayan ng  kapatid ko. May mga bulak siya sa ulo. Hindi kami pinagalitan nila mama, pinagsabihan lang na mag ingat sa susunod. Hindi na dapat mauulit.

*******************************************

"Guys cheer up, may next time pa okay" pag alo samin ni captain. Natalo kami. Hindi kami nakaabot sa ranking. Hindi ko alam pero ang hina namin ngayon. Ang hina namin. Ngumiti nalang ako sa kanila bago tumalikod. Uuwi na kami mamaya, total hindi naman kami kasali sa awarding.
Pagdating ko sa room, nakapag ayos na ang iba at handa ng umuwi. Okay lang naman, malakas ang kalaban tapos nawawalan kami ng teamwork kapag nag-iinit na ang labanan. May next year pa naman, babawi nalang sa susunod. Sisiguraduhin kong may maiuwi kaming medalya sa susunod na provincial meet. Habang nasa bus na kami, todo kami sigaw na 'champion' ket hindi naman. Trip nila eh kaya nakisabay lang din ako at para gumaan rin ang pakiramdam ko. Pagdating sa bahay, sinalubong ako ng mapait na usok. Usok para sa mga lamok. May instant perfume na mga damit namin. Pagod na pagod akong umupo sa hapag sabay hubad ng aking sapatos.

Diamonds in the SkyWhere stories live. Discover now