"Class, please next time dapat on time niyong ipasa ang project. No more extension"
Morning palang stress na si ma'am sa amin. Pano ba naman kasi ang iba kong classmate ay hindi pa tapos sa project. Ngayon ang deadline kaya na high blood na naman si ma'am.
"Telle, tara snack tayo" aya sakin ni Kaye.
Nagtitipid ako kasi wala akong ulam mamaya. Walang ulam na naluto si ate kanina.
"Next time lang Kaye. Busog pa ako" busog naman talaga ako. Madaming tubig ang ininom ko sa bahay kanina.
"Sure ka? Libre na lang kita"
"Ha? Wag. Don't. Ayaw. Ko." Hindi sa ayaw ko sa libre. Ayaw ko lang sa ngayon.
"Okay, ikaw bahala" umalis na rin siya sa wakas. Ilang minuto lumipas, may malamig bagay ang nadama ko likuran. Napalingon ako at nakitang si Elijah lang pala. Akala ko pa naman kung sino.
"Classmate"
"Hoi"
"Estelle"
"Maria"
Napalingon ako sa kanya ng masama.
"Maria lang pala ang magic word para pansinin mo ko" nakangisi pa ang gagu.
"Anong kailangan mo Eli" mataray kong tanong sa kanya.
"Pinabigay ng ate mo. Kanina ko pa sana yan ibibigay kaso hindi mo na naman ako pinapansin." *sabay lapag ng mugo mugo sa desk ko at hindi ko alam kung anong pangalan ng ibang snacks*
May pera si ate? Impossible naman.
"Sure kang galing to kay ate? Baka pagtripan mo naman ako?" wala akong tiwala sa lalaking to.
"Oo nga ang kulit."
"Naninigurado lang ako. Baka may virus to kong galing sayo" may sasabin pa sana siya ng tinalikuran ko na. Pagod ako makipag bangayan sa baklang to.
Pag sapit ng tanghali, pumunta ako sa canteen para bumili ng ulam. May bihon sila, so yun nalang ang binili ko. Mas mura. May mga tambay sa gilid ng canteen. Mukhang mga 2nd year ang pormahan nila. May familiar na mukha pero hindi ko matukoy kong saan ko nakita. Nakasalubong ko pa ng tingin ang isa sa kanila. Napaiwas ako kaagad at dali daling bumalik sa classroom. Mabilis kong inubos ang pagkain dahil excited akong makita ang boyfriend ni ate. Curious lang. Aalis na sana ako ng makasalubong ko sa pintuan sina Kaye..nagtataka kong saan ako pupunta. Sinabi ko lang na pupunta ako sa 2nd year sa classroom ni ate agad naman silang tumango. Hindi mahirap hanapin ang room nila ate. Isang liko lang at makikita mo na. Mas lalo na at nakatambay si ate sa may bintana. Nakita niya kong paparating kaya lumabas siya sa classroom.
"Wala pa siya. Hindi ko alam kong saan pumunta. Wait ka lang, ituturo ko mamaya. Wag kang tatawa ha. Alam kong may pagka judgemental ka," paalala ni ate sa akin. Hindi naman ako judgemental ah, kunti lang.
"Faye kapatid mo?" biglang tanong ng classmate niyang babae. Hindi ko alam ang pangalan.
"Oo. Estelle si Gabbi. Gabbi si Estelle" pagpakilala ni ate sa amin. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.
"Ang ganda ng mata mo Es" ate Gabbi said.
"Hehe hindi naman po masyado pero thank you" yung mata ko talaga nagdala sa mukha ko. Minuto ang nakalipas, may mga grupo ng kalalakihan ang paparating. Sila yung na sa canteen kanina ah.
"Telle, nakita mo yung lalaki na adidas ang bag tapos may suot na headband?" tanong sa akin ni ate.
"Oo yung medyo may katangkaran, bakit?"